Powered By Blogger

Saturday, July 16, 2011

TIPID TIPS NI ALVIN

Hindi ko ine-expect na darating sa point na gusto kong mag blog pero wala akong masulat as in wala, dahil siguro iyon sa kapangyarihan ng sinigang ni aling lydia. Pag hinihigop ko kasi ang sabaw ng sinigang nya ay napapapikit ako ng slightly bongga at napapasabi ng, "Aray! pota ineeet!"

Malay ko bang mainit ang sinigang nya kung alas-singko na ng hapon?

Marahil maitatanong nyo baket alas-singko ako nag lunch. Ang masasabi ko "Anung paki nyo sa life ko?!" Chos! Kasi nga po sobrang inet sa kwarto ko. Tsaka si haring araw ay ayaw paawat na sikatan ang muka ko. Kahit ang makapal kong Green Curtain ay hindi ito kinakaya. Kaya early to rise ako. Isa na siguro ito sa effect ng El Ninyo Phenomenon (hindi ako marunung gumawa ng enye kaya ganyan nalang spelling)

Sinubukan kong mag basa basa ng articles about El Ninyo pero nag nose bleed lang ako. Ganun siguro pag pabobo ka na ng pabobo lumalapot na ang utak, joke! Ayon sa facts at pag kakaintindi ko sa nabasa kong article ang El Ninyo daw ay isang abnormalidad na nagaganap sa karagatang Pasipiko sa my area ng ating equator na kung saan normally ang hangin ay umiihip from East to West since mas colder sa East end ang Colder Water doon ay na didistribute papuntang West end pero sa case na 'to nag iiba ang ihip ng hangin or nag kakaroon ng issue sa pag punta ng tubig sa west kung kaya puro hot water lang nandun na nag cacause ng mataas na temperature tapos nag cause ng tag tuyot at di pag ulan.

Pero sa tingin ko na gagalit na satin si Motha Neycha kasi nga abuso tayo sa kanya. So sa ganitong panahon paano ba tayo makaka tulong in our own little way?

Heto ang ilan sa mga suggestion ko. Kung ayaw nyo gawin kebs!

1. Since nag kukulang tayo sa tubig dapat mag tipid. Kung tatae wag ng gumamit ng flush kasi mas marami iyong nakukunsumong tubig. Pag iihi wag din. Kung natatae ka tanuningin mo ang kasama mo sa bahay kung na tatae din sya. Tapos mauna ka na tumae pero wag kang mag flush. Tawagin mo ang next tapos sya naman ang tatae susunod, ngayon kung wala ng tatae saka mo na buhusan ito.

2. Since mainit given na dapat tayong maligo araw araw, ewan ko nalang sa inyo kung di kayo araw araw na liligo, kamusta ang skid mark sa brip nyo. Pag maliligo sahurin ang tubig at i-imbak ito sa isang malinis na lalagyan kasi pwede nyo itong gamiting pang tutbrash tsaka pang buhos ng tae nyo at ihi.

3. Wag ka ng mag electric fan pag matutulog ka lalong lalo na ang Aircon kasi malakas mag consume ng Kurente. Mag nude ka nalang pag matutulog ka at gumamit ng abaniko. Sige na nga, kung sobrang init mag electric fan ka pero dapat 1 hour lang i timer mo sya. Kung walang timer ang electric fan mo wag ka ng mag electric fan.

4. Mag imbak ng maraming plato at baso at kutsara. Pag tapos kumain itambak lang lalabo ang kinainan hugasan ang lahat ng kubyertos na ginamit tuwing sabado lang. Para tipid sa tubig. Mag Spray nalang ng baygon para walang ipis sa paligid.

5. Gumamit ng side A at side B sa Brip, Boxers at Panty para tipid sa sabon at tubig

6. Gamitin ang baterya ng kotse para manood ng tv. Gumamit ng di-uling na plantsa sa pag pla-plantsa ng damit.

7. Itapon ang DVD, Play Station, Wii at kung anu anu pang shit na mag kokonsumo ng kuryente

8. Wag kang mag tikol everyday dapat MWF lang (di ko alam baket kasali to)

9. Kung gagamit kang CR para maligo wag ka nang mag sindi ng ilaw. Kabisado mo naman kung nasaan ang kilikili, singit, betlog at face mo malilinisan mo rin sila ng maayos. Nakatipid ka pa.

10. Patayin ang Main fuse pag aalis ka. Hayaan mo ang katulong nyong gumawa ng paraan paano lilipas ang mag hapon nya. (joke lang ang last wala na kasi akong maisip)

Sana po ay nakatulong ang mga tips ni alvin... See you Monday po at happy weekend sa inyong lahat!

No comments:

Post a Comment