Kahit kelan Hindi ko pinag kaila na mataba me kitang-kita ibidensya. Respeto lang sa mga manlalait ha?!
Nabuhay akong chubby mula ng bata pa ko. Cute nung maliit, pinag kakaguluhan lahat ng tao. Mga tindera at Sunog-Baga boys gusto 'ko bigyan ng candy parati, ako nag papa-gaan ng umaga nila sa tuwing bibili kame ng pandesal ni Papa. Lahat ng mga tao sa palengke pinag aagawan ako. Kung kaya ko lang sila bigyan ng autograph noon ginawa ko na. Pag wala kameng pang-ulam sa lunch dadalhin lang ako ni Mama sa Tindera ng isda tapos sasabihin ko lang, "Penge isda!"
Boom...Coco Crunch!
Fiesta na sa bahay namin.
Pero habang tumatanda tapos dumadagdag ang timbang. Nagiging lesser din ang cuteness! Ugliness na ang nangingibabaw, hatechet!
Nung grade school nga ako ayaw ako isali sa agawang base ng mga kaklase kong sing iitim ng uling at putik (bitter parin?!) dahil mabagal nga daw ako tumakbo. Mga hayop! Sila na ang the flash! Sila na ang sing bilis ng Kuneho tumakbo. Letch!!! Kung kaya ko lang ibuhol ang intestines nila sa ngala-ngala nila eh gagawin ko talaga. Pero, dahil model student mey noon pa man, tinitiis ko ang lahat ng bullying nila Ate Charo kahit masakit. Arte lang!
Lumipas ang maraming taon. Mga 3 years.
Lumipas din ang madaming sinigang, jollibee, mcdo na nakain me kaya lalong nadagdagan ang timbang me. Nung high school pag may tirang pansit sa Canteen pinapatawag ako ng teacher namin, sabi kainin ko daw yung tira. Hello! Isang planggana kaya yun?! Mataba lang ako pero hindi ako hipo! Besides kung Spagetti yun eh baka pwede pa, pero pancit?! Yuck! I don't eat that...Nakakasakit na sila! Sobra na! Gusto ko nang mag pasagasa ng tren sa railway papuntang Hogwarts habang lulan ng tren ang mga wizard students.
Fast forward to future...
Mataba parin.
Naging achiever naman ako. Hindi naman masyadong naging hindrance ang katabaan ko para mag blossom ang aking career at personal life. Nakakatulong naman ako sa maraming tao at malinis naman ang puso kong sing dalisay ng fountain of youth. Pero naman! Gusto ko nang pumayat pagod na kong maging mataba ate Charo. Arte lang ulet.
No comments:
Post a Comment