Powered By Blogger

Wednesday, July 27, 2011

"epal"

Malalim ang pinaghugutan ng salitang "Epal". Magmula sa salitang "Mapapel" na tumutukoy sa taong nagpapapansin o nagmamarunong, o sa taong sumasagot ng hindi naman tinatanong, binaliktad ng mga Jeproks ang salitang "Mapapel" nung 70's dahil yun yung uso non, at naging "Mapepal". Sa pagtagal ay nawala ang unang "p" at naging "Maepal". At nung nauso naman ang pagpapaiksi ng mga salita nung 90's ay inampon na ng mga Pilipino ang salitang "Epal" sa pang araw-araw na buhay

No comments:

Post a Comment