Powered By Blogger

Wednesday, July 6, 2011

dapat pa ba?

minsan gusto ko magsimba. gusto ko magdasal. Pero ginagawa ko na yun dati. nung mga panahong kailangan ko ng tulong dahil nasisira na ang pamilya ko. halos nag penitensya pa ako. Wala namang nangyari. eto at nag iisa nalang ako at kinapitan ng malas. Kahit an0ng pagsisikap ko hampas lupa parin ako. Ang ate ko s0brang religius na yata. pareho sila ng nanay ko. pero ano ang ate ko tatlong taon na syang may sakit. Sa hindi malamang karamdaman. Kaya tatlong taon na din syang nakahiga lang. Minsan di makapag salita. Pero lagi parin syang nagdadasal, nakikinig ng misa at healing radyo. Naniniwala parin sya. Pero ako hindi na.

No comments:

Post a Comment