Powered By Blogger

Tuesday, July 5, 2011

pare, buntis ako.

isang araw, pumunta ako sa bahay ng friend ko para tumambay

pagdating ko dun, nakita ko na parang hindi sya ok

Napansin kong nakatitig lamang sya sa akin.

Tila may gustong sabihin. Balisa. Nag-aalinlangan.

Hanggang sa hinawakan nya ang aking kanang kamay.

"Pare, may sasabihin ako sa'yo. Wag ka sanang magagalit."

Kinabahan ako. Pinagpawisan ng malapot abot hanggang betlog. 

"A-a-ano yu..n?" pautal kong tugon sa kanya.

Hindi sya agad nakakibo. 

Tinignan ko sya sa kanyang mga mata.

Halata ang bahid ng muta luha.

Bigla nya sinabing: "Pare, buntis ako..."

Nanghina ako at parang bumagsak ang puso ko papunta sa aking mga paa. 

Nakaramdam ako ng sobrang lamig kahit na panahon iyon ng anghit tag-init.

Niyakap ko sya. Umiiyak kaming dalawa kasabay ng pagsulpot ng maraming katanungan sa aking isip na 
hinihingan ko ng kasagutan at agad ko syang binulungan ng: 
                                         "Alam kong hindi ako ang ama nyan!"

No comments:

Post a Comment