1. bili ka ng century tuna. ilagay mo sa isang napakalaking box, yung sinlaki ng tv o kaya box ng desktop pc mo. tapos balutan mo ng magarang pambalot. kuntsabahin mo na yung teacher niya sa calculus. sa gitna ng klase, bigla kang kumatok sa classroom. pero dapat, incognito ka. magsuot ka ng lbc jacket, magshades, at magsuot ng surgical mask. pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher, at papirmahin mo ng acknowledgement receipt. tapos pabuksan mo in front of everyone. tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya. later during the day, ‘pag tinanong niya kung bakit century tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo yung sign na ‘omega 8.’ ‘pag tinanong niya kung ano yung omega 8, sabihin mo: ‘because you’re good for my heart.’
2. mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. tapos, sa bawat hanger, isulat mo: ‘i miss hanging out with you.’
3. instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. gawin mong tissue paper roses. gawa ka ng isang dosena. pag-abot mo, sabihin mo, ‘ganito kalinis ang pag-ibig ko sa’yo.’
4. bili ka ng tetra pack ng mantikang minola. tapos bilugan mo yung ‘with omega 8.’ hindi na siya magtatanong kung bakit.
5. bigyan mo ng ice cream cone. dapat cone lang at walang ice cream. ‘pag hinanap niya yung ice cream, sabihin mo: ‘natunaw na kakatitig sa’yo.’
6. bili ka ng sandosenang box ng crayola. kolektahin mo lahat ng black. lagay mo sa isang box ng crayola. sa likod, isulat mo: ‘walang kulay ang buhay kung wala ka.’
7. bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit.
8. itext mo siya ng: ‘hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. bagay tayo. bagay!’
9. bigyan mo siya ng calling card ng mmda. sa likod, isulat mo: ‘para ‘pag nagkabanggaan ang puso natin.’
10. padalhan mo ng happy meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan. paghinanap niya, sabihin mo: ‘ako yung freebie, at ikaw yung meal na nagpapahappy sa akin.’
11. sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: ‘aanhin mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko?’
12. pagkatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng posporo, guitar brand. unahan ang kanyang galit at sabihin: ‘ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng bahay mo, match na tayo.’
13. sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan sya ng‘salbabida’, ‘wag payong, o mainit na mami. ‘pag nagtanong kung bakit? ang isagot mo ay: ‘ayaw kong malunod ka sa pagmamahal ko.’
No comments:
Post a Comment