Powered By Blogger

Saturday, July 16, 2011

MANYAK!!....



Nagpunta ako sa palengke ng cabuyao laguna nung Lunes para tumambay at maghanap ng mga parokyano. Kelangan ko kasi ng dagdag allowance kaya naman ito lang ang tanging paraan na alam ko para mabilis na kumita ng pera - ang pagbebenta ng aking sariwa at murang katawan.

Ching!

Joke lang! hahaha.

Umandar agad ang imagination nyo noh?!

Actually, nagpunta lang ako sa palengke para magpagupit magpa-semi kalbo ulit.

Nagpalakad-lakad lang ako hanggang sa umabot ako ng dulo ng mabahong palengke. (joke..) at may nakita kong barber shop. 

Pumasok agad ako sa loob. 

May ginugupitan pa si Manong kaya naman tumambay muna ko at nagmuni-muni.

After 10 minutes, tinanong ako ni Manong: "Papagupit ka?"

"Oo", maikling sagot ko sa kanya. 

Taena sya! Ano pa ba ibang gagawin dun eh puro gunting at razor lang ang nakikita ko. Kakain ako ng blade ganun?! 

Anyway. deadma lang ako. Sayang ang bawat segundo ng buhay ko kung aawayin ko sya. 

Nung natapos na yung ginugupitan nyang lalaki, tinawag na niya ako.

"Bhe, halika na.." wika niya.

Napatingin ako to the left and to the right. Wala naman ibang tao.

Shet! 

Tama ba 'tong nangyayari?

Sa huling pagkakita ko sa birth certificate alvin villanueva ang pangalan ko dun at hindi ''bhe''. 

Anyway, umupo na ko sa silya elektrika para magpakalbo. 

"Bhe, anong gupit?" tanong niya sa akin.

"Dos!" suplado kong sagot sa kanya na sinabayan nya ng isang malagkit na ngiti. Na halata ko naman pustiso ang kanyang ngipin.

Naiwan lang kaming dalawa sa loob ng barber shop kaya kinabahan ako kay Manong.

Nilagay ko sa kandungan ko ang dala-dala kong mini body bag para maprotektahan si Junior laban kay Manong Bampira. (Ang mga bampira ay ang mga kalaban na nang-uubos ng lakas at katas.)

Kumuha si manong ng tissue para ilagay sa leeg ko. Oo alam ko naman normal yun sa mga barber shop pero yung...

yumuko ka sa likuran ko at amuyin ang Davidoff Cool Water na perfume sa likod ng tenga ko..

isang malaking kalokohan. 

Obvious na si Manong! 

Isa siyang praning este Bading!

"Ang bango bango mo naman..." malambing niyang sabi sa akin.

Kinilabutan ako kay Manong. 

Hinanap ko agad kung nasaan yun gunting at labaha para in case may gawin siyang masama sa akin, madali ko syang mapapaslang. Okay lang saken maging male version ni Flor Contemplacion para lang maisalba ang aking virginity. Bwahahaha! 

Habang akmang lalagyan nya na ko ng tissue sa leeg, hinawakan niya ang kwelyo ng polo ko.

"Pwede bang buksan ang butones ng polo mo?" nakakatakot niyang tanong sa akin.

Kinakabahan na ko that time, abot hanggang betlog. 

Mabilis ang kamay niya kaya hindi na ko nakapalag. Sinilip niya pa ang loob ng polo ko at kitang kita ko sa salamin na nasa harapan ko kung paano siya nanggigigil na maka-chancing sa akin. Puwes, maglaway sya sa seksing si alvin v.. Pak!

Inumpisahan niya na ang pag-shave ng buhok sa aking ulo at kung makahawak sya sa ulo ko, para syang nanghihimas ng etits. Ganun!

Kaya diring-diri ako. 

Habang ako'y kanyang ginugupitan ay pumapatak ang mga luha sa aking maaamong mata. 

"Ang dirty dirty ko..." paulit ulit na bulong ko sa aking sarili.

Hihihi. Arte lang!

Nabastusan na ko sa kanya nung binuksan nya ng biglaan yung butones ng polo ko at sinilip yung dibib at 6-pack abs ko kaya pinaramdam ko sa kanya kung paano ako mabadtrip.

"Bhe, matagal ka na dito?" muli niyang tanong.

"Hindi." sagot ko. 

"Ahh, so bago ka pa lang. Anong trabaho mo dito?" pahabol niya,

"Pumapatay ako ng baklang manyakis!" pagtatapos kong sagot sa madaldal na bampira.

Dali-dali niyang tinapos ang paggugupit sa akin at naging seryoso na ang kanyang mukha.

Matapos niya kong gupitan, inabot ko sa kanya ang 50 pesos na bayad ngunit di niya ito tinanggap.

Inihaba niya lang ang kanyang nguso at itinuro yung babaeng mukhang kuhol sa may pintuan. 

Sa kanya ko inabot ang bayad at dali-dali akong lumabas sa barberya ni Manang Bampira.

The End. 



KUNG ALAM KO LANG DITO NALANG SANA AKO NAGPAGUPIT......





  

No comments:

Post a Comment