Powered By Blogger

Wednesday, July 27, 2011

''nung tinuli ako''

Isa sa pinaka exciting sa buhay ng isang batang lalaki ay ang pangyayari sa isang unforgettable summer na magpapabago ng kanilang buhay foever. At ito rin ay ang magpapatunay ng kanilang kisig at tapang upang harapin ang isang challenge na madalas ay kinatatakutan ng maraming batang lalaki. Ito rin ang senyales ng marami pang pag babago ng kanilang katawang panlupa. Mag sisimula ng mas exciting at mas masarap na pangyayari na magaganap sa kanila.

Tuli.

Ang kwentong ito ay ang blow by blow experience ng Batang alvin sa kanyang journey sa experience na ito. 

*Chi-ngi-ni-ngi-ning* (sound effects yan Shungaloo! para felt na felt natin ang kwento)

Sa dakong paroon. Bunga ng malikot na pag iisip. halaw sa isang daigdig ng Kababalaghan.'Di Kayang Ipaliwanag, Ngunit alam mong magaganap. Oo magaganap pala na kakanchawan ako ng putanginang klasmeyt ko nang minsan nag kasabay kaming umihi sa gilid ng sampaloc.

"Uy supot!"

"Hindi noh!"

"E ano tawag dyan?! Waaa supot!"

Nagdilim ang paningin ko at dinukduk ko ang kanyang fez sa puno. Dumugo ang ulo at nose nya. Muntik tuloy me ma-kick-out. Sa kabilang banda meron syang point pero mali ang pag de-deliver nya ng lines, so I thought he deserve that. Kaya naman noong bakasyon ng grade five sakto naman merong mga US Army na nag outreach sa aming lugar. Nag tayo sila ng mga Medical Tent sa football field na malapit sa school namin. Marami silang out reach program tulad ng libre operasyon ng bukol, bunot ngipin at pasta, tuli, eye checkup, libreng paanak, at kung anu anu pa. Namigay din sila samin ng Sneakers, toblerone, gummy worms and gummy bears. Ang saya saya namin. Meron pang mga komiks at kung ano anong imported goods. Wala pang Visiting Forces Agreement noon.

Niyaya ko ang kaibigan ko na pumila sa small tent habang abala naman ang mga iba kong klasmeyt sa pag hingi ng chocolates sa mga Puti, palibhasa mga PG! So ayun pumila kame. bali lima kameng dumagdag sa pila sa tent na may na nakasulat na.

"Circumcision (Tuli) Tent"

Aba! Hindi lang pala kame ang nakapila. Remember yung klasmeyt ko na dinukduk ko 'yung ulo. Naandun din ang putangina! Nakayuko lang sya hindi sya makatingin sakin, wtf! Hidi pa pala tuli ang kumag. Pero hindi ko na inalintana iyon dahil nakapila na kame at my number na.Kinabahan me 'nung nakita ko na ang mga heganteng puti na naka scrub suit na papasok ng Tent. Tatlo sila. Tandang tanda ko ang names nila hindi ko makakalimutaan hanggang libingan. 'Yung unang pumasok ay yung Nars, Bridget ang name nya, 'yung Doctor ay si Bob at 'yung Anesthesiologist ay si Rickey. Panglima ako sa Pila. 

Pumasok ang first victim. After five minutes lumabas sya ulet. Nag chismisan ang mga echuserong froglets kung ano ba ang maitim na dahilan baket sya lumabas kagad. Nalaman nalang namin na hindi pa sagad ang putotoy nya para tuliin. Hindi pa daw lumalabas ang turat nya sa balat. Sumunod na ang second sa line.

"ARRRRRRRRRRRRRRRAAAAAAAAAAAAAAAYY KO POOOOO"

Yan ang narining namin mula sa outside ng Tent. Sabay sabay kameng nag lunukan ng laway at nag atrasan ang putotoy. After 3o minutes lumabas ang kumag na dahan dahan ang lakad ang at soot ang polcadats na palda ng ate nya. Yez may baon syang palda, putangina!

Tinawag na ang number 3. Nanlalammig na ang aking kamay. Parang gusto ko nalang umuwi at manood ng bioman kasi mag 10 na ng umaga. Parang gusto kong next year nalang tutal bata pa naman me. Pero syempre nakakahiyang umatras. Sa sobrang kaba ko tinawag na pala ang number 4 at ang susunod na narinig ko ay. Number 5 na pala.

"Hoy alvin number 5 na daw, ikaw na!"

"Natatae ako! palit muna tayo ng number please"

"Ayoko nga! natatae din ako eh, Ikaw na daw!"

Pawisan akong pumasok sa tent. Amoy alcohol ang loob. Medyo madilim. Madamo ang ilalim ng tent kasi nga nasa football field kame. Meron silang Operating bed na may sabitan ng paa. Kinakabahan na talaga me ng todo.

"Hi I'm Bridget what's your name young man?"

"alvin po...."

"Okay I will be you assisting nurse, you can take of your pants don't be shy now"

*Lunok Laway*

Inalis ko ang salawal kong kulay green na galing sa libreng Tentay Patis, suki kasi si Mama 'nun. Umatras ang Putotoy ko. Iniisip kong sana ay hindi pa ako pwede para next year nalang. Pinahiga ako ni Bridget sa bed at tinaas ang paa ko. Meron syang pinatong sakin na kulay green na bib pero butas ito, yung betlog ko lang at putotoy ang nakalabas. Hiyang hiya na me. Umaasa parin ako na hindi pa akong pwedeng tuliin. 

Pero bigo ako.

Nag suut si ate Bridget ng gloves at may pinahid sya sa aking putotoy na malamig na something. Maganda si Ate Bridget, maliit ang muka at makinis. Lipstick lang ang meron sya sa face at naka smile sya sakin habang pinapahid ang malamig na something. Habang pinapahid nya ang malamig na something nag flag raising si Patotoy. Namula me.

"Whoa! that feels good huh?"

*Hindi ko naintindihan ang sinabi nya kasi Englis at islang pa ito*

Pinahiran nya pati ang betlog ko ng malamig na something. Hinawakan nya ang aking patutuy at ibinaba ang balat para lumabas ang helmet. Masarap sa pakiramdam parang heaven. First time kong may humawak ng aking flag pole. Tinawag nya si Rickey. At putangina! may dala syang injection. Walang kaeffort effort nya tinusok yun sa helmet ng patutuy ko. Hindi ako prepared kala ko i check lang nya or may ialalagay syang gamot. Napasigaw me.

"ARAAAAAAAYYYYYYYYYYYYYYYYYYY MAMA KOOOOOOOOOOOOOOOO, ayaw ko na pooo" Sabay tulo ng luha ko

Inubos nya ang laman ng injection. Super sakit talaga. Tumayo ako pag tapos ng injection. Ayoko na gusto ko ng umuwi ng mga oras na yun. Next year nalang ako ulet.

"Me uwi na me. im going home na.... huhuhuh"

"You're not going Anywhere kiddow, you have anesthesia down there and you signed the waiver"

"What waiver? i im going home nalang and make nood ng  bioman" (parang taong gubat pa ko mag english noon)

"Believe me kiddo, you don't wanna do that..."

Parang ang bigat ng betlog ko noon at hindi ko sya nararamdaman pero gusto ko ng umuwi talaga. Nilapitan ako ni Bridget at pinahiran ang luha ko. Pinahiga ako ulet sa bed. Napasunod nya ko ng bongga. Ang ganda kasi nya para syang anghel. After akong mapakalma ni ate Bridget tinawag na nya si Doctor Bob. Meron sya dalang tool box pota parang kotse lang ang memekanikohin, nyeta!Natakot me lalo. Wala ng pakiramdam ang putotoy ko noon. Nakita ko nalang na duguan ang ibaba ko at ginagawa na nila ang proseso ng pag tutuli habang hawak ako ni Bridget. 'Yung proseso ng pag tutuli at hindi masakit pero weird dahil nararamdaman mong may ginugupit na parte ng katawan mo pero hindi mo ramdam. Ang huli nalang nakita ko ay ang pag lalagay ng gasa ni Bridget.

"There you go alvin! Congratulations you made it" Sabay about ng isang plastic na gummy bears at may tatlong maliliit na snickers. 

Ngiti lang ang naibalik ko sa kanya. Dahil hapong hapong ang mura kong katawan. Nag lakad me papalabas ng tent ng naka bukaka at nakatiklop ang tuhod ng kaunti dala dala ko ang brip ko at ang gummy bears. Nakatingin sakin ang mga frogles sa pila na putlang putla.

"Masakit ba?"

"Oo sobra. Uwi nakayo sobrang sakit"

Umuwi na ang mga hinayupak. Pati 'yung inuntog ko sa pader umuwi din. nakipag palit pala sya ng number 'dun sa tropa nya kanina. 

pag uwi ko sa bahay para i check ang pututuy ko. Laking gulat ko nang... 

Nangamatis ng bongga. hindi ko makita kung alin ang ulo at alin ang kamatis. Natakot me. 

After 3 days...

Magaling na sya...

---End---------

No comments:

Post a Comment