Masaya naman ang kainan at kantahan at kwentuhan. Kaso ang aga magsara nung napuntahan naming place sa Seaside Macapagal, at dahil bitin pa kami, dumiretso kami sa MOA para ipagpatuloy ang alcohol intake.
Pagdating sa isang bar/restaurant dun, pag-upo sa table namin, mabilis akong nagmasid-masid at sa di-kalayuang table, may nakaupong limang babae.
Actually, dalawang babae at tatlong apo ni Don Tiburcio. Yups, mga teenager na tibo. At sa aking pagmamasid sa ayaw-paawat na PDA, yung dalawa dun eh mukhang magjowa, yung isang tomboy lang ang walang jowa. Fifth wheel sya.
Wala naman akong masamang masasabi sa kanila, or sa mga lesbian in general. Pansinin lang talaga sila kasi full blown lesbian get-up silang tatlo. Gupit lalaki, over-sized shirt, at lalaki talaga sila kumilos, sa unang tingin eh mapagkakamalan mo talagang mga lalaki. Hindi na phase ang pinagdadaanan nila. Hindi na sila confused. Decided na sila. Tahong over talong. Sugat over ugat.
Syempre napansin din ng mga kasama ko yung grupo ng mga tiboli, lalo pa at panay ang point out ko sa kanila na "LOL, may KFC sa kabilang table..."
KFC as in finger-lickin' good.
At ni-point out naman nila sa akin, "Ah, mga Lulu..."
"Huh? Anong Lulu?" tanong ko.
"Lulu... Basta, Lulu. Ulit-ulitin mo..."
"Lulululululululululululululululululululululu- ah OK gets!"
Mga ilang minuto pa eh nakaramdam ako ng weewee kaya nagpunta ako sa toilet. Eh yung toilet ng place na yun, unisex. May bowl at urinal sa loob (sabi nga ng kasama naming balikbayan blogger na itago natin sa pangalang Pkpk Queen, kapag nakaupo daw sya sa bowl eh kaharap nya na yung urinal, pwede na sya maghilamos dun sa sobrang lapit sa mukha nya).
Anyway, dahil isa lang ang toilet, may pila. At isa sa mga nakapila eh yung isang teenager na tibo. Habang nakapila kami eh palihim ko syang in-assess. Naka-wax ang hair, check. Baggy pants, check. Wala syang boobs, check. Tingin ko eh nagsuot sya ng girdle or something para mag-flat yung dibdib nya. Tinignan ko ang face nya, maganda sya. Hawig nya si Pia Archangel.
Panay ang tingin nya sa salamin, tinitignan ang sarili nya. Parang nag-papractice sya ng iba-ibang pose. May nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa, merong nakasandal ang siko sa wall. Pa-macho effect. Naisip ko, "Ang siga-siga mo eh pagpasok mo jan sa toilet, uupo ka rin. Hihi."
Uulitin ko, I have nothing against sa kanila. Naaliw lang ako dun sa teenager na yun. Kaya habang nakapila eh parang gusto ko syang alayan ng awiting "If I Were A Boy..." hahaha joke.
Pagbalik ko sa table namin, tuloy uli ang kwentuhan at inuman at hindi nagtagal, naiihi na naman ako. So nag-CR ako at pagbalik ko, excited yung mga kasama ko na ikwento ang mga pangyayari habang wala ako.
"Pina-take-out nila ang naiwan nilang beer!"
Paalis na siguro ang mga tomboy at nanghinayang sila sa hindi nila naubos na beer, kaya gusto nilang dalhin. Pero syempre ayaw nilang dalhin ang mga bote. Kaya ipinaplastic nila ang beer. Parang softdrinks lang. At dahil maraming bote ng beer yun, maraming plastic ang ginamit. Kaya pagsulyap ko sa table nila, may isang malaking plastic bag dun (yung plastic na pang-grocery) na ang laman eh mga nakasupot na beer.
OK wala namang masama kung ayaw nilang iwan yung beer na hindi nila naubos. Pero first time kong makakita ng ganun.
At mukhang nag-CR ang mga kasama ng tomboy, kasi mag-isa na lang sya (yung fifth wheel na walang jowa ang naiwan). Kaya habang hinihintay nya silang bumalik eh nilantakan nya yung kropeck.
Tuloy pa rin ang kwentuhan at inuman namin as time went by. Kailangan kong i-emphasize ang time went by, dahil mahabang oras na ang nakalipas, hindi pa rin bumabalik ang mga kasama nung tomboy. Pero cool lang sya, pa-munch-munch lang ng kropeck at pa-bounce-bounce ng head sa beat ng live band.
Tuloy pa rin ang kwentuhan at inuman namin as time went by. Hindi pa bumabalik yung mga friends ng tomboy, but it's cool. Natagalan lang siguro sa pila sa toilet.
Tuloy pa rin ang kwentuhan at inuman namin as time went by. Hmm nasaan na kaya yung mga friends nya... For sure may reason kung bakit sila natagalan. No need to panic though. Hawak nya ang cellphone nya pero hindi ginagamit, low-batt siguro. Munch-munch pa rin ng kropeck.
Tuloy pa rin ang kwentuhan at inuman namin as time went by. Ubos na ang kropeck. No need to panic. Pabalik na rin siguro sila.
Tuloy pa rin ang kwentuhan at inuman namin as time went by. Balisa na ang tomboy. Balisa na rin ako kasi bakit hindi na sya binalikan ng mga friends nya! (affected???) Nagsisimula nang magligpit ang mga waiter. Magsasara na ang bar.
Nilapitan na ng waiter ang tibo. Syempre hindi ko marinig ang usapan, pero parang ganito:
Waiter: Sir we're about to close.
Tiboli: Sandali lang kasi hinihintay ko pa yung mga kasama ko, nag-CR lang sila.
Waiter: Sir, are you THAT stupid? Don't be naive. Look around you, look at your watch! They were gone for hours! Your friends ditched you! They're probably out there by now, laughing their faces off because you were so stupid to fall for the toilet trick. You think this only happens in movies?And you really wanna wait here? My God, wake up!
Ako naman, sa isip-isip ko, kapag itong mga kasama ko eh biglang nagpaalam mag-CR nang sabay-sabay, magkakamatayan muna bago ako magpaiwan.
Maya-maya pa eh tinawag na ng Manager ang tibo kaya pumunta na sya dun sa counter, habang kami naman eh pack-up na at uwian na. Kahit gusto ko pang masubaybayan kung anong nangyari dun sa tibo, hindi naman pwedeng lumapit ako sa counter at maki-uzi.
Pero malamang, nagkaroon ang tibo ng isang ma-Axion na moment.
Umalis na kami, and all I can do was look back at that lonely, abandoned plastic bag na puno ng beer at naiwan sa upuan...
Sa totoo lang nakakaawa ang nangyari dun sa tibo. Biruin mo, pumunta ka dun na walang ka-partner, habang yung mga kasama mo eh naglalaplapan sa harap mo, ikaw eh nagkukuyakoy na lang... Tapos surprise! Ikaw ang magbabayad ng bill! At uuwi kang mag-isa!
Parang gusto ko syang alayan ng isang awitin... "Ang kawawang tomboy... may baril walang bala blah blah blah"
At ang masasabi ko lang dun sa kaibigan nyang iniwan sya na walang pambayad sa inorder nila,
SHAME ON YOU! KAHIHIYAN KAYO SA LAHI NI DON TIBURCIO!
No comments:
Post a Comment