Haist! Sarap mag baliktanaw sa Mundo ng Kabataan. Life is never complicated. No responsibilities.No expectations.
Wednesday, July 27, 2011
pagbabalik tanaw sa kabataan ni alvin
Musmus palang ako nakikita ko na ang pag kakaroon ng double standard ng human race sa mga katulad ko na hindi masyadong kaputian. Okay fine sa mga maiitim na katulad ko.
Pag nag pupunta kame sa ESEM 'nung bata pa ako kasama ang aking mga pinsan na mestiso't mestisa ay nag mumuka lalo akong laking gubat dahil muka akong taga harvest ng kamote sa farmville sa aming Probinsya sa sobra kong kaitiman. Kaya pag nag sa-summer vacation ay mas gusto ko nalang sumipsip ng nectar ng bulaklak ng Santan ng kapitbahay namin o 'di naman kaya mag nakaw ng bayabas sa likod bahay namin kesa sa sumama sa ESEM para mag ice cream at mag Cindys or Tropical hut. Tunay na Matamis ang nectar ng bulaklak ng Santan basta alam mo lang ang paraan kung paano ito kukunin. Minsan habang nag ko-collect kame ng Santan flowers para sipsipin ang nectar sa silungan ng bahay namin ay nahuli ako ni Mama dahil tanghaling tapat noon at umeskapo lang ako sa pag papatulog nya, dumaan lang ako ng kusina para bumache. Yari!
"Hoy ikaw bata ka! Tanghaling tapat ke init init nasa labasan ka.. Hali ka nga dito at matulog ka na!"
"Ma' sandali nalang po.."
"Ay hindi! halika dito at matulog ka na!"
"Nandyan na po.."
Mabilis kong sinipsip ang nectar ng isang bulto ng matatabang Santan flowers para hindi ako malamangan ng mga kalaro ko, aba naghirap kameng kumuha at mamili nito, hindi pwedeng sila lang ang makikinabang. Pero ang dami palang langgam na kulay fusha red sa kalooblooban ng hiyas ng bulaklak ng Santan. Hindi me na pansin na marami palang namamahay na humongous Ants sa Putanginang santan na iyon! wtf! Nag party ang mga langgam sa musmus na red kissable lips ko. Namaga talaga ito ng bongga. Tapos pinalo pa me ni Mudrax. Mula noon ay tinigilan ko na ang pag sipsip ng Nectar ng Santan. At doon natapos ang Santan escapades ko.
Every time na niyayaya ako ng mga hampas lupa kong kalaro na sumipsip ng Nectar ng Santan ay hindi na me sumasama. Unti unti ko ng nilayo ang loob ko sa kanila kahit masakit, it really hart. Di'bale Meron na akong bagong toys ito ay ang... pag gawa ng bubbles using Gumamela flowers plus Mr. Clean at ang kapangyarihan ng tangkay ng papaya para sa pagpapalobo ng tiny bubbles shining in the sun at ang best friend kong Tirador at baril barilan na gawa sa drumsticks na may balang goma!
Lagi akong naninirador ng kalapati ni Aling Natasha Supladita. Araw araw ay namamatayan sya ng isang kalapati hihihihi. Minsan tinirador ko 'din ang window ng kapitbahay namin at doon talaga ako nahuli at kamontikan ng magulpi ni Fudrax. Nanggagaliiti talaga sya ng bongga. Buti nalang brainy ang little Jepoy.Pinairal ko lang ang pagiging artista ko, nag astma-astmahan ako 'nung nakita ko ang mataba nyang sinturon getting ready to spank me. Fuck it!
Yung baril barilan ko naman na gawa sa drumsticks na may balang mga ibat ibang colors ng goma ay ang aking sandata para sa itik at pabo na nanghahabol sakin pag inuutusan akong bumili ng mantika ni Mudrax kila aling Tabud. Ang mga Putangenang itik at Pabo ay tunay na tunay na favorite akong habulin subalit hindi sila uubra sakin dahil meron akong drumstick gun. Pero ang kinatatakutan ko talaga ng bonnga ay ang ang malaking Gangsa (Geese) ni Aling Lina. Kapag binukas nya ang pak pak nyang halos mag iisang metro ang haba at ang leeg nya ay naka pormang attack mode. Dahan dahan ko ng ilalagay ang aking tsinelas sa mag kabilang siko ko at ready narin akong kumaripas ng takbo dahil walang patawad ang Putanginang Mother Geese sa pag habol at pag tuka sakin. Takot na takot talaga me. Malakas ang pag pulpitate ng puso ko. Sa sobrang takot ko nalimutan ko ang mantika na pinabibili ni Mudrax kaya ayon napalo nanaman me.
After ng moment na iyon. Nag concentrate nalang ako sa pag papalobo ng tiny bubbles. Pero napaka boring ng game na ito, pang bading lang walang ka challenge challenge. Palobo ka lang ng palobo gamit ang Papaya trunk. Pero wala akong choice wala na akong mapag lilibangan. Kaya mag hapon kameng nag palobo ng bongga sa farmville. Pero hindi ko akalain na makati pala sa labi ang trunk ng putang Papaya. Nangati me nung gabi. Nagsugat sugat ang gilid ng labi ko dahil sa katas ng Trunk ng Papaya. Naging galis ito. Hindi me nag pa picture tuloy noong 9th birthday ko.Yes, eliminated narin ang toy na ito kinabukasan.
Matapos ang mga iyon hindi na ako masyadong nag hanap ng toys. Nakuntento nalang ako sa mga laro namin tulad ng sabayan nyo ko sa pag kanta kung alam nyo, " Langit lupa impyerno im-im-impyerno saksak puso tulo ang dugo,uno...dos..tres..ales.. "Tsaka, "Mangga Mangga hinog ka naba Oo Oo hinog na ako, kung hinog ka na ay umalis ka na" pero ang pinaka favorite ko ang Potpotjing at Doctor KwakKwak . Hindi mailaran ang happyness ko noon pag nilalaro namin iyon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment