Powered By Blogger

Tuesday, July 5, 2011

DALANGHITA

Isang nakakatawang eksena sa aming opisina:

ALVIN: gusto ko ng dalanghita para mawala 'tong sipon ko. (sabay tawag sa OJT na si Ariel...)

ALVIN: Ariel, may nakikita ka ba dyan sa baba ng building na nagtitinda ng dalanghita?

Ariel: ano yun sir? (sir ang tawag nya kahit assistant personel lang ako.)

ALVIN: ano ka ba, hindi mo alam yun? Yung hugis bilog. Kasinglaki ng bayag. Parang malaking kalamansi.

Ariel: Yung ganito kalaki sir? (nagdemonstrate. isang malaking malaking bilog)

ALVIN: hindi. ano ka ba! suha yan eh! yung mas maliit ng kaunti. (nagdemonstrate) ganito oh.. Yung iba dalandan ang tawag dun. Sa iba naman sinturis.

Ariel: Ahh! CITRUS!! citrus ang tawag sa amin nun sir eh.

ay paksyet! sa gulat ko, napa-LOL na lang ako... wahahahahaha... sosyal si OJT! 

nahiya naman me. 

yun lang. bye!

No comments:

Post a Comment