Powered By Blogger

Saturday, July 9, 2011

Si alvin at Si Kuya Manong

Sa mga panahon na ganito nakakairitang lumabas para gumimik or mag shopping or even makipag siksikan sa rush hour papuntang office. Bukod sa fact na wala akong pang shopping which by the way is most frustrating of all, eh, sasabayan pa ng potanginang bigat ng trapiko sa metro at mga strong bones na taxi drivers na more-more hingi ng dagdag, at hindi lang basta bente-bente ang hinihingi nila. Anak baka! Strong bones?! Hindi lang 'yon, nakukuha pang mamili ng pasahero (Choosy much?!) kahit na isang tornilyo nalang ang umaagapay sa sasakyan nila para hindi ito tuluyang mapunta sa junk shop. Hindi ko naman ni lalahat pero ang dami nila these days, mga mapag samantala, palibhasa maraming pasahero.

Meron akong na experience, last week lang, kumurap lang ako ng isang mili-second nadag-dagan na ng 2o petot yung metro. Inisip ko kung Airport Taxi ba ung nasakyan ko at medyo maatim ko yung mabilisang dagdag ng metro, but NOOOOOOOOOOOOOO, K-I-A Pride ito na pupugas-pugas ang Aircon. 'Yung tipong mas malamig pa sa labas ng taxi kesa sa loob. Feeling ko nga chicharong bulaklak na ko pag labas ko. Yung super crunchy or minsan iniisip ko kung nasa loob nga ba talaga ako ng taxi or nasa compartment ako, ang inet kaya.

Okay, dahil sa spirit ng Christmas pinag bigyan ko si Kuya Manong. Maya-maya pa, tinanong ko baket kame dumaan sa mga eskinita na hindi familiar sa akin, natakot me ng slight baka salvage 'to. Sabi nya short-cut daw para iwas traffic. Sabi ko naman, kahit saan ma-traffic, dadag-dagan ko nalang 'yung bayad ko.

Ampotah shet!

Si Kuya Manong nag marunong-marunung pa sa pasaherong araw-araw the same ang route. Naipit kame sa traffic lalo tuloy, by this time gusto ko nang ingud-ngud ang pag mumuka nya hindi sa manubela kundi 'dun sa ilalim ng paa nya, dun sa tapakan ng gas para maamoy nya yung paa nya, buset! kaso naisip ko ang hirap naman ata 'nun effort on my part kasi nasa likod ako nakaupo (Naiimagine mo ba ang effort na gagawin ko?!) Kaya sa manubela na nga lang. Pero, dahil nga mag papasko, hinayaan ko nalang si Kuya Manong at nag txt nalang ako sa Boss ko na i'll be comming in late because something came up. Gasgas na gasgas na ang something came up na dahilan ko, 'di ko sure tuloy kung may kapangyarihan pa iyon, Puta!

Para hindi ako masyadong ma-bore nag sit ups muna me para sa aking six pack abs. Juk! Natulog muna ako ng 8 hrs, chos! Mga 20 minutes lang. Pag gising ko... Sa kabutihangng palad, hindi parin kame umaandar. Putanginaaaaaa! nasa 120 na ang metro. Lampas na sa budget ko.

Okay lang sana kung malamig ang taxi like yung mga bagong Vios na nagkalat kaso hindi eh. Nakita ni Kuya Manong na hindi na ako kumpurtable Ate Charo kaya para gumaan ang loob ko bigla nyang kinabig ang manubela at nag U-turn papuntang Edsa. Nampota kung kanina pa kame dumaan dun eh nasa office na ako at nakapag update na nang blog. Sucks to be me!

Total ng metro ay 160 petot, binigyan ko sya ng 200 petot, sabi ko sa kanya na yung 40 petot na sukli muka kasing 3 months na syang hindi nakakakain. Imbes na mag pasalamat humirit pa ang punyeta na dagdagan ko daw ng 10 pesos para 50 na. WTF!!!!!! Pag hahanapin mo pa ako ng Barya Kuya Manong?! Seriously?!

Dahil mabuti ang puso ko (walang kokontra blog ko 'to, mag blog ka rin at doon mo sabihin mabuti ka) nag hanap talaga ako ng barya sa bag ko. Puta sya! kung di lang mag papasko sinungal-ngal ko na 'tong si Kuya Manong ate charo.

Pag baba ko naman may lumapit sa akin na 3 street children, sabi ko sa kanila, "Dude! I can only do so much" Arte lang.

Binigyan ko sila ng baon kong Gummy Worms.

Pinish!

No comments:

Post a Comment