Powered By Blogger

Tuesday, October 11, 2011

usapang condom muna tayo


Pagbrowse ko sa internet kahapon, nakita ko ang mga bagong flavors ng condom na kumiliti sa aking pilyong isipan. 

Kung ganito kaastig ang mga bagong flavors ng condom, mukhang maaattract ang mga madlang pipol na subukang gumamit nito at harinawa ay mapigilan ang paglobo ng ating populasyon dahil sa unwanted pregnancies at ang pagkalat ng mga nakakatakot na sakit like HIV and other shits. 

Halika at inyong pagpilian ang mga iba't ibang favors na sa tingin ko ay papatok sa inyong panlasa.
















Astig di ba?!

Kung may kalib*gan kang taglay, paniguradong gusto mong lahat gamitin yan.

Pero kung hindi ka pa kuntento, narito pa ang kakaibang uri ng condom na sa tingin ko ay iyo rin magugustuhan. 

 Kung ikay ay sosyal o feeling sosyal eto ang bagay sa'yo - Louis Vuitton condom.

 Kung gusto mo naman na lights off habang nakikipag-lovemaking, 
bakit di mo subukan ang Glow in the Dark condom? 

Kung gusto mo naman ng dual purpose, try Condometric
May condom ka na, may panukat ka pa. 

Pero kung ang hanap mo ay matinding thrill at excitement para sa iyong partner, bakit di mo subukan ang Scotch Whisky Flavoured Condom? Mag-eenjoy na, malalasing pa siya.


Ooooppsss. Hindi pa tapos. 

Sa mga pa-virgin effect pa ang brains, may iba't ibang klase at laki ng condom. Parang ganito. 


Paunawa: Gumamit lamang ng tamang laki ng condom na sasakto sa ari nyo, regular size para sa mga ordinaryong pinoy ika nga.

Huwag OA.

Sa tingin ko kasi, yung iba ay nabili ng condom na extra large para makapagyabang lang sa barkada o sa syota, tapos kasinlaki lang pala ng daliri o longganisa yung ari nila. LOL!

Unless na lang kung gifted ka. Ehem!  

Anyway, hindi lang para sa mga lalaki ang condom dahil meron din nito para sa mga babae. 

Gusto nyo makakita ng sample?

Female and Male condom

Sa mga interesado kung paano isuot ng tama ang condom, text mo ko at ide-demo ko sa'yo ng live. Haha. Joke!






Mas mainam talagang gumamit ng condom kung takot kang makabuntis o mabuntis. At proteksyon na rin yung kung mahilig kang makipag-one night stand para hindi makakuha ng iba't ibang klase ng nakahahawang sakit. 

Totoo ngang mas masarap ang sex kung walang suot ng condom (May Premier Ultra-Thin condom naman, try it!), pero wala ng mas sasarap pa kung ginagawa nyo ito ng tama at ligtas na paraan. 

Kaya mga readers, ugaliin na magbaon nito anytime, anywhere. Magstock ng maraming condom sa bag o  wallet at huwag itong gamitin paulit-ulit sa tatlong rounds. Oki doki?


Be safe and sexy everyone! 


No comments:

Post a Comment