Powered By Blogger

Thursday, October 13, 2011

musika

  • 1. Auto-tune
Hindi na importante kung sintunado ka dahil sa kapangyarihan ng autotune ay matataamaan mo na ang bawat nota. ‘Wag mong alalahanin kung para kang asong ulol tuwing kumakanta dahil sa auto-tune ay tiyak na magiging Grammy Award winning singer ka. Itanong mo pa kay Kanye West. Kung wala kang autotune na software ay pwede kang kumanta sa harap ng electric fan.
  • 2. Lyrics
‘Wag kang masyadong mag-alala dahil hindi mo kailangang maging mahusay na liriko para makagawa ng pop song. Mag-isip ka lang ng tatlong salita at ulitin mo lang ito sa loob ng tatlong minuto. Halimbaw: “Paulit-ulit, Ulitin ulit” . Tandaan naging milyonaryo ang mga miyembro ng Black Eyed Peas dahil sa dalawang salita lang “My humps, my humps, my humps, my humps”. Syempre kasali din ang lukaret ng mundo na si Lady Gaga “Pok pok pok pok pok poker face”. Kung sumikat ang mga awitin nilang paulit-ulit, walang dahilan para hindi sumikat ang kanta mong paulit-ulit din ang lyrics. At ang pinakaimportante sa lahat;  huwag na huwag kakalimutang isingit ang “Ohhhh”, “Ahhhh” at “Yeah”.
  • 3. Rap
Lahat ata ng sikat na pop songs kailangang may rap. Hindi na importante kung masira nito ang takbo ng kanta mo. Tignan mo ang “Baby” ng boses-pekpek na si Bieber, pinasingit lang niya si Ludacris sa kanyang awit at kinabaliwan na siya ng mga bagong-reglang dalagita.
  • 4. Himig
Hindi matatawag na awit ang isang awit kung wala itong himig. Kung ikaw ay pinagpala sa larangan ng paggawa ng himig ay pwede mong simplihan lamang ang gawa mo sa minimum na tatlong chords at maximum na ewan ko dahil wala din akong alam sa paglalapat ng himig. Kung ikaw ay kagaya kong walang alam sa himig maliban sa alphabet song, pwede kang pumili ng lumang awitin ay pabilisin mo ito. Isang magandang halimbawa ang “Lambada” na parang-ni-revive-pero-hindi ni J.Lo
  • 5. Ryan Bang/Sandara Park (Optional)
Kung ang target mong market ay Asya ay pwede kang kumuha ng Koreano na marunong sumayaw, tiyak magiging sold out ang concert mo sa Araneta. Sikat sa mga kabataan ang mga Koreano dahil sa kadahilanang hindi ko alam. Hindi ko maintindihan kung anong nakita nitong mga batang ‘to sa mga singkit na amoy kimchi. Tumatanda na siguro ako saka laos na din kasi ang F4.
  • 6. Lesson
Para tangkilikin ng madla ang awit mo kailangan may matututunan silang leksyon dito.  Tulad nang kung paano ka sumuka dahil sa alak. Kung bakit mo pinagmumog ang gin ‘nung bagong gising ka. Kung ano ang nangyari sa’yo habang nanonood ng porno. Kung sino sina Doug, Shorty at Shawty. O kung ano ang susunod na araw pagkatapos ng Huwebes at kung bakit masaya ang weekend.
‘Yan ang anim hakbang para makagawa ng sikat na pop song ang kailangan mo na lang ay kumikinang na kasuotan para maihayag ka nang tunay na pop star.

No comments:

Post a Comment