Kaninang umaga pag sampa ko sa timbangan parang gusto kong gibain ang bahay namin. Gusto kong basagin ang pinggan, baso, tasa, platito, aparador, at toilet bowl. Gusto kong suntukin ang walang kamuwang-muwang naming kapitbahay na kamuka ni Moi dahil imbes na mabawasan ang timbang ko na-dagdagan pa ito ng isang guhit. *Parang karne at sibuyas lang, isang guhit* Punyeta! pero syempre hindi ko ginawa yun. Arte lang.
Huminga ako ng napakalalim para ma-relaks...
Sa aking pag hinga naamoy ko ang sinangag na rice at longganisa na ni luluto ni Mama naka move on na 'ko bigla, kaya nag breakfast na me. Baket ba kasi ang hirap-hirap-hirap-hirap-raised-to-the-positive-infinity-cosec-teyta-minus-cosine-teyta mag papayat???!!! Buset!
Baket ba kasi kelangan pa ng diet at exercise?! Sana pwede nalang itae ang taba sa katawan. Tatae ako ng 20x a day promise!
Ang hirap mag papayatttttttttttttttttttttttt! I heyreeeeeeeeeeeet!
Mag lilista ako kung ano ang mga disadvantages ng pagiging fat:
1. Nakakahiya bumili ng pantalon kelangan walang masyadong tao para ibubulong ko kay ate kung meron ba silang size 24, Chos! size 34...Fine! Size 35 and half... fine 36..Mamatay na humirit!!!!
2. Kapag umoorder ka ng kaunti ayaw maniwala nang putang serbidora na iyon lang ang order ko! Like duhr! Wala ba kong karapatang umorder ng Salad at tubig lang? Wala ba 'kong karapatang mag starbucks na non fat latte at no whip?! Tangina nila!
3. Hindi sa lahat ng toilet bowl kasya ako. Yung small ones effort mag hugas ng pwet. Putakels!
4. Na tutupi ang marupok na plastik na chairs, yung mumurahin na sing-payat lang ni Palito ang kayang i with hold. At kung swe-swertihin ka mag cra-crack ito on front of beutipul sexy gels. kahiya much!!!!!!
5. lahat nalang ng tao nag tatanong kung nahihirapan akong huminga! Lahat ba ng mataba may sakit sa puso???!!!!
6. Pag pupunta ko ng Boracay sa dulo ako ilalagay ng putang CebuPac dahil mabigat daw! more more dulo ako parati uupo kahit anong airlines papuntang Caticlan, Airport. charot!... barko lang ang
sinakyan ko.
7. Masama ang tingin ng mga tao pag isa nalang ang kulang sa dyip. like i kill someone in the past?!! Masiksik sila kung masiksik sila! Letche!
Syempre para fair kelangan may advantages din para balance:
1. Cute lol
2. Lumulutang sa pool party kahit walang salbabida
3. Hindi basta-basta nalalasing lalo na kung beer ang labanan
4. Takot ang mga snatchers at holdapers hindi kaagad tatalab ang ice pick mag bou-bounce back muna sa taba bago ma-gripuhan sa kidney.
5. Masarap i-embrace kasi walang sharp edges parang stuff toy lang
6. wala na 'ko maisip! Gaahhhhhhh!!!wala kasing advantages talaga. Wala akong maimbento!!!!
Baket nga ba kasi ang hirap mag papayat?
1. Masarap kumain
2. Masarap kumutkut ng cheetos habang nanonood ng tv at nag kakamot ng betlogs
3. Nakakatamad mag fun run ang inet-inet! wala akong bagong rubber shoes. Hindi kasya ang sando na bigay ng MILO fun run kahit XL na ito.
4. I don't feel unloved even i'm chubby...okay fat!
5. Mas masarap ang nakahiga lang habang tirik ang mata JOOOOOOOKE!
6. Maraming nag sasabi na hindi bagay sa 'kin ang payat. Oo, nag papabola ako!!!
7. Ayokong mag ka abs!
8. Wala akong pang enroll sa Gym
9. Lasang lupa ang oatmeal. Lasang Papel ang tinapay na rich in fiber.
10. Ayoko ng coke zero at diet coke walang sustansya
Baket kelangan na akong mag papayat?
Dahil ayokong ma stroke at lumakad ng hindi pantay. Ayokong maging lawlaw ang fats ko pag tanda ko. Dahil mas healthy ang hindi masyadong mataba!
No comments:
Post a Comment