Mama what is chikchik? Mama what is sulit? lols. Wala akong matinong opening statement kaya ang famous lines na lang ni bebi jims ang gagamitin ko. :p
Kahapon, hindi ako pumasok, tambay muna me sa bahay at nanood ng tv. Dito ko nabalitaan na binalik ng GMA 7 ang isa sa cartoon/ anime na inabangan ko noong nasa high school pa ako. Eto ay ang anime na Hunter X Hunter.
Ang anime na nabanggit ay tungkol sa isang batang paslit na may name na Gon. Siya ay naghandang hanapin ang kanyang ama na kanyang nalaman na isa palang Hunter (hindi po yung mangangaso). Upang mahanap ang ama, kailangan niyang sundan ang bakas ng tatay at maging Hunter. At dito magsisimula ang adventure. :D
Sa paglalakbay ni Gon, makakakilala siya ng mga kaibigan. Heto ang taklo sa mga naging friendships at berks ng bata sa kanyang pag-apply (nag-submit ng resume at may interview, joke) bilang Hunter.
1. Leorio- Siya ang tila Alfred (ghost fighter) sa grupo. Isang lalaking gustong maging doktor. Naging kaibigan siya ni Gon noong nasa Hunter examination pa. Matapos ang Hunter examination, medyo di nabigyan ng progress ang character na ito.
2. Kurapika- Ang tila Dylan (Flame of Recca) sa grupo. Ang lalaking mukang babae. :D Nag-apply bilang isang hunter dahil nais niyang maghiganti sa grupong umubos sa kanyang tribe (ethnic si koya, may tribe). Nagiging pula ang mata niya kapag nakakakita ng gagamba. Nag-evolve (parang pokemon lang ah) sya bilang mahusay na hunter dahil sa pagpupursige sa revenge plan niya.
3. Killua- Ang parang Vincent (Ghost Fighter) sa grupo. Siya ay isang assassin na bored sa buhay mayaman niya kaya naisipang sumali sa Hunter exam. Dito naging best buddy niya si Gon dahil halos magkasing age lang sila. Bihasa siya sa pagpaslang dahil iyon ang ikinabubuhay ng buong pamilya niya.
Syemps, kung may mga bida, syempre may naging kontrabida sa anime. Ang famous kalabs at kontrabids ay ang Genei Ryodan. Sila ang grupong may kinalaman sa pagkaubos ng tribo ni kurapika.
Ang Ryodan ay binubuo ng 13 members. Bakit trese? Di ko alam. joke. Ito ay kumakatawan sa 12 paa ng isang gagamba at ang ulo ang 13th member o ang boss.
Ang mga pangalan ng 13 members ay sina: Kuroro (Boss, Skill Hunter), Bonorenofu (mummy-like) , Feitan (Bandit looking), Franklin (Frankenstein-look), Hisoka (clown/juggler look), Kortopi (Sadako-look), Machi (Mananahi skills :p), Nobunaga (samurai), Pakunoda (big-tits girl), Phinks (Egyptian look/jogging pants attire), Sharnark (guy with cellphone), Shizuku (girl with vacuum cleaner) and Uvo (Sabbertooth look).
Maganda ang anime na to subalit nahinto dahil tinamad yung artist ng manga na pinanggagalingan ng story. Inpernes e oks ang anime na ito, pero sana maka-catch up na yung anime sa kwento ng manga. :D
No comments:
Post a Comment