Powered By Blogger

Saturday, October 15, 2011

para sa magiging baby boy ko


dear, anak.....

Pwede kang magkamali. Karapatan mo ‘yan bilang tao. At bilang iyong ama, pinahihintulutan kitang magkamali. Hindi ako magiging istrikto, gusto ko maging cool. Barkada lang tayo, pwede kang humingi sa’kin ng condom kung kailangan mo. Kung kailangan mo ng pang-inom, ‘wag kang mahihiyang humingi sa’kin. Mas gusto ko nang humingi ka sa’kin kesa naman mabalita pa sa TV Patrol o 24 Oras na nagnakaw ka ng alak sa 7/11.


Habang baby ka pa e umihi ka kung saan mo man gusto, pwede mong ihian ang shirt ko habang karga kita. You fucking little son of alvin villanueva. Friends lang tayo pero ‘wag mo lang akong gagalitin dahil ayaw mo akong makitang magalit.


Mag-aral ka. ‘Wag mo akong gayahin. Wala akong pake kung kailangan kong magbenta ng kidney para lang makapagtapos ka. Kahit ilang kurso ang kunin mo basta may maibebenta pa akong laman-loob kakayanin ko. Ang importante makagraduate ka, pagsusumikapan natin ‘yan. Isa ‘yan sa maipapangako ko. Barkada tayo pero pagdating sa pag-aaral ako muli ang tatay mo.


Makikinig ka sa’king mabuti dahil kahit walang sense ang mga pinagsasabi ko sa moderno mong tenga e kailangan mo ito. Pwede kang magdala ng ilang babae sa bahay basta lagi mong iisipin na sa bawat tamod na nawawala sa’yo ay maaring madadagan ang resposibilidad mo. Muli kong inuulit; pwede kang humingi ng condom sa’kin habang wala ka pang trabaho pero kapag nagkatrabaho ka na e dapat ilibre mo ako.


Wala naman akong masyadong hinihiling sa’yo. Hindi ko hinihiling na maging basketball player ka sa NBA o maging Austronaut na unang tatapak sa Jupiter. Lumaki ka lang na mabuting tao e para na rin akong nanalo sa lotto.


‘Wag kang padadala sa tukso. Sa likod ng bawat sarap ay may kabayaran na sakit. ‘Wag kang manloloko ng babae. Babae rin ang nanay mo. Magmahal ka pero ‘wag lang sobra. Ngayon pa lang binabalaan na kita, MAG-INGAT KA!!!


Pwede kang umiyak, ano pang silbi ng tear ducts mo kung wala din naman palang luha na lalabas diyan. Hindi kabawasan sa pagkalalake ang ilang patak ng luha. Umibig ka at masaktan dahil diyan ka matututo kung paano mabuhay. At kapag nakilala mo na ang gusto mong makasama habang buhay e ‘wag mo na siyang pakakawalan.


Isa lang akong normal na tao pero mamahalin kita anak. Aalagan kita at proprotektahan nang higit pa sa kakayahan ng isang superhero.


P.S Magpasalamat ka sa Mommy mo dahil hindi ka niya nilunok at hinayaan niya akong iputok
kita sa loob.


Nagmamahal,
Ang Iyong Kaibigan/Tatay

No comments:

Post a Comment