Powered By Blogger

Wednesday, October 26, 2011

humor blog tips

Dumanak ang dugo sa ilong ko ng walang humpay dahil sa kaka-english sa blog kaya hindi ko na kinayangpangatawanan ito, kaya naman hindi na ko nag think twice at tinigilan ko na. Juk! Bigla kasi akong nadulas sa cr dahil natapakan ko ang tamod ko sa cr tapos nabagok ang bungo ko kaya naisip kong mag blog ng tagalog nalang para mas comfortable ako mag sulat. Okay, fine! Hindi kasi ako magaling mag english talaga kaya tagalog nalang. Bwahihihi.

Lumipas ang mga araw ng pag pepetiks sa office at pag-blogphop ng walang humpay at pag awit ko sa entablado (kasali?!)

Tapos nagising nalang ako isang araw na sikat na pala ako. Juk!!!!!! Bigla nalang dumami ang mga post ko na walang ka kwenta-kwenta. Mga kwento nang paggiling ko habang nag totoothbrush at naglilinis ng tenga. Mga kwento nang pangangati ng singit at pagnanana (puss) ng pusod ko. Mga kwentong tae at kung ano-ano pang shit. And then dumami ang mga nakakulitan at kaibigan sa blogs dahil sa kapangyarihan ng comment field sa kada isang post. Ang saya! Ang dami kong naging mga online tropapits.

Dumami rin ang mga blog na babasahin ko, haggard tuloy! Nahihirapan tuloy ang retina, cornea at irish ng mata ko ahahaa

Syempre nakakaenjoy magbasa ng mga blog nyo. Masipag akong mag back read lalo pa pagnahuli ng blog ang kiliti ko sa talampakan at betlogs or na tats ako at naluha sa kanang mata ng tatlong patak ng luha. Hindi totoo ang pag skip read ko. Chismis lang 'yun. Okay, minsan nag skip read pag emoness at english na parang pang essay writing contest or pang editorial ang dating. Hindi naman kasi ako tumitingin sa structure at composition at kung anong lead ang ginamit. Basta ang sa akin kapag entertaining at may moral lesson akong napulot nang hindi ako nag nose bleed pasok ka sa banga! Kasali ka sa blogroll ko at mag babackread ako ng bongga sa blog mo. Pero lately hindi ako masyadong nakakabasa dami kasing work eh. Sorry naman. Oo, may-pageexplain na kaganapan.

Well ano ba ang tinutumbok ng post ko na ito?

Ang katotohanan ay....Wala. Sorry naman.

mag thank you lang sana ako sa mga blogs nyo. Naging parte na kasi nang aking pang araw-araw na buhay ang magbasa ng blog nyo. Kaya gusto kong mag pasalamat, EMO BIGLA???! hahahhaa

Salamat pala sa 259 followers kahit na 9 lang naman talaga ang nag babasa. Na tats nyo ang puso ko. Dahil dyan kiss ko kayo. Mhua! ahahaha

nawala ako sa totoong topic nyetakels!

So... dahil naging humor blogger na nga ako mag share ako ng tips kung paano ba maging humor blogger hihihi. Based on experience at observations ko galing sa mga favorite kong humor blogs ha. Eto mga tips:

1. Kelangan mong i take note ang mga trending expressions kahit hindi mo naman ito ginagamit. useful kasi ito.Dapat alam mo rin i execute para pag ginamit mo sa blog pasok ka sa banga. Makakapag pa smile ka ng tao.

2. Maging natural lang you. Wag mong pilitin. Lalabas din yan pag shinake. Juk! lalabas din ang humor sa sulatin mo basta maging natural lang you. Lahat naman ng Pinoy masayahin kaya in one way or another lalabas at lalabas yan sa panulat mo kaya steady lang.

3. Wag kang mangaapak ng tao para lang masabi nakakatawa ang sinulat mo. Sana ma gets nyo to. Uhhhm pwede kasing minumura mo 'yung tao kunyari pero dalawa kasi yung dating nun. Pwedeng minumura mo sya and you mean it.Meron namang isa na minumura mo 'yung tao pero out of humor lang. May thin line sila. Hindi ko na maexplain. Punyeta! Basta yun na yun.

4. Wag mong limitahan ang sarili mong mag kwento. Isipin mo ung details. tapos isulat mo. Wag yung tipong makikipag laban ka ng Editorial Writing contest ha. Dapat yung parang nakikipag usap ka lang sa barkada mo. Ganown!

5. Magbasa ka ng blog ni Glentot tsaka ni Badoodles tsaka ni Paps tsaka ni Maldito tsaka ni Kokey Monster at ate Powkie makakakuha ka ng style na pwede mong maging guide sa pag sisimula ng humor blog.

6. Hindi mo kelangan nang matinding topic like Android versus Apple. Wag yung mga ganong shit. Mga simple lang. Like tutule. Tulok. Tae. Kulangot. Tinga. Mga ganyan lang makakakiliti ka na.

7. Pwede kang sumulat ng Fiction kung wala kang mahita sa experience mo basahin mo si Gillboard magaling na fiction blogger yan.

8. Dapat malinis ang puso mo. Juk! Halukayin mo yung mga childhood experiences mo kasi madaming comedy sa buhay natin nung bata pa tayo or past experiences natin. Tapos ikwento mo ng parang kinukwento mo langsa kaibigan mo. Ganown.

9. Enjoy ka dapat sa ginagawa mo

10. World peace (walang kuneksyon para lang maging sampu ang points)

No comments:

Post a Comment