Ano'ng napapansin mo?
Cute di ba? Hugis etits pa. Pero hindi kay alvin villanueva yan.. (mahaba kaya yung saken!) LoLz!
Ito ay ang Peter Red Chili na kilala rin sa tawag na Peter Pepper o Penis Pepper at may scientific name na Capsicum Annuum. (Feeling Kuya Kim Atienza ko ngayon kaya bumabanat pa ng scientific name.)
Ang Peter Red Chili ay isang uri ng hot pepper na tulad din ng ordinaryong sili natin dito sa Pinas, berde sa simula pero kapag nahinog na ay nagiging kulay pula. Ang sukat nito ay pangkaraniwang umaabot sa tatlo hanggang apat na pulgada ang haba, at isa hanggang isa't kalahating pulgada naman ang lapad. Aba nga naman, parang tunay na etits lang ng pinoy noh?
Base sa aking pagsasaliksik, ang anghang nito ay umaabot sa 5,000 hanggang 30,000 scoville units na kung tutuusin ay maanghang pa sa Tabasco at mas maanghang pa sa JalapeƱo.
Kung interesado kang magpunla nito at magparami, pwede kang magpunta sa Texas at Louisiana ng U.S. of A dahil dun lang ito matatagpuan. Maganda din siguro itong gamitin sa pagluluto ng Bicol Express dahil maraming babae at bading na dito ay mahuhumaling. Pero kung wala ka namang pamasahe para pumunta sa Amerika at habol mo lang ay makakita ng siling ito sa personal, bakit di mo subukang tignan na lang ang 'birdie' ng dyowa mo at ibabad ito sa atsuwete o di kaya ay pahiran ng lipstick na pula and voila, may instant Penis Pepper ka na!
No comments:
Post a Comment