Powered By Blogger

Thursday, June 16, 2011

luko-luko

Isang araw.

Paglabas ko ng opisina, may babaeng nakatingin sa akin. Hindi ko sya pinansin.

Maya-maya pa, napansin ko parang may gusto syang sabihin sa akin..

Nung sumunod na dumaan ako sa may glass door ng office, hinawakan nya ko sa braso.

"Iho iho, kilala mo ga ako?" sabi nya sa akin.

"Nope. Sino ka?" sagot ko naman.

"Ako yung pinsan ni tatay mo? Yung katapat ng bahay ng lola mo. Ako yung kapatid ni edeng at nanay ako ng kaklase ni kuya mo nung high school pa kayo..." dire-direcho nyang sabi sa akin.

"Ay naku, kahit ano hong sabihin nyo, pasensya na ho, di ko kayo kilala. Mawalang galang na ho." sabay walkout.

Eh di ko naman talaga sya kilala, bakit ba?!

***************************

Nanonood sa youtube yung kapatid kong bunso na si nene.

nene: "Friend*, halika dali. Tignan mo 'to. Nakanta gamit ang bibig." (*friend ang tawagan naming magkakapatid)

Me: "Eh alangan namang kumanta yan gamit ang mata!"

nene: "Siraulo. Nagkamali lang naman ako ng sabi eh. Nakanta pala kahit sarado ang bibig."

Sabay kaming nagkatawanan.

***************************

Isang umaga ng Sabado habang naglalaba si nanay..

Me: "Mamita, anong niluto mong breakfast para sa gwapo at paborito mong anak?"

nanay: "Bunso, nagprito lang ako dyan ng dolphin."

Me: "Huhwaatt??? Seryoso ka?" lumawlaw ang betlog ko sa pagkagulat.

nanay: "Hahaha. Lagi ako nagkakamali dyan. Yellow fin pala."

Me: "Hay naku mama, buti hindi pating yung niluto mo o balyena!" pabiro kong sagot sa kanya.

nanay: "Luko luko. Saan ko naman ipi-prito yun eh wala akong malaking kawali.." sabay tawa nya ng malakas.

At talagang seryoso nga ata sya magluto ng balyena. hahahahaha.

***************************

Isang gabi, di ko maaalala kung ano ang english translation ng salitang 'payo'.

Me: "Oi, ano nga ba english sa payo?" tanong ko sa katambayan ko.

Me: "A ang start nun eh..."

tambay1: "ano nga ba? sandali nasa dulo na din ng dila ko.

Me: "Nakakabobo naman kasi kausap 'tong mga Danish na 'to. Ano nga ba sa english yun? anyone. help please."

Sumagot si tambay1.

"Ahhhh.. A-MBRELLA!!!

Ampotah!

Muntik na ko bumalentong sa kinauupuan ko.

May luko-luko pa pala kay? berdugo....

No comments:

Post a Comment