Magaan ang katawan ko at pakiramdam kaya na-excite akong pumunta sa mall para magshopping. Wooohoooo!
Dali-dali akong naligo at mabilis na nagbihis pagkatapos. Spray ng perfume.
Tumingin ako sa salamin.
"wow, gwapo pa rin!" bulong ko sa sarili ko.
I checked my face, then my teeth.... and then...
"Shit!" as in napa-shit ako nung nakita kong may yellowish stain sa upper front teeth ko. Akala ko yema lang na tumigas pero ayaw matangal. Hmmmm? Pinagpawisan ako ng slight. Kinutkot ko yung naninilaw sa aking ngipin at....
sa di inaasahang pangyayari...
bigla na lang natanggal yung dalawang unahang ngipin ko... :(
bigla ako nag-panic pero pinilit kong hindi ipahalata sa mga tao sa bahay na bungi na ako. Hindi ako pwedeng magshopping na walang ngipin sa unahan. Para akong si Rene Requiestas nun. Ohmaygawd!
Eh kung magtakip na lang ako ng panyo??
Waaahhh.. Paano ako papasok sa opisina?
Parang gusto ko na kainin ng lupa sa kahihiyan.
Mabilis akong umisip ng paraan kung ano ang dapat kong gawin. I check my wallet at buti na lang may cash pa ko dun. Pupunta na sana ako sa dentista para magpacheck up at magpasukat ng pustiso ng maisipan kong magtoothbrush muna.
Habang sinisipilyo ko ang mga natitirang ngipin ko, bigla na lang isa-isang naglaglagan yung mga ngipin ko sa lababo.
Tangennaaaaaaaaaaaaaaa!!! Badtrip!
Nakakapagsisi na madalas ako kumain ng candy nung bata pa ko at takot magpacheck up sa dentista.
Pinuntahan ko si Mamita at nagsumbong sa kanya.
Para akong bata ng iyak ng iyak.
Me: "Mama, nabungi mga ngipin ko." (sabay hagulgol)
Mamita: "Halika, samahan na kita sa dentista. Dun tayo pumunta kina Dr. Burog."
Me: "Eh kasi naman ang dami mo pwede maging asawa si Papita pa. Pati yung pustiso nya, namana ko pa! Lintek na yan!" (sabay iyak ng malakas)
Mamita: "Eh wala na tayo magagawa. Oh sya tara, samahan na kita sa dentista."
Pagdating sa clinic..
Hiyang hiya akong ipakita sa doktor na nalagas ang aking mga ngipin. Sinabihan nya ko na hindi na raw tutubo pa ang mga ngipin ko kaya kelangan nya na ko sukatan ng pustiso.
Nanlumo ko. Ang hirap pala ng ganito. Di ko mapigilan umiyak.
Doc: "Tuturukan na muna kita ng anesthesia. para hindi mo maramdaman ang sakit. Kelangan na natin bunutin lahat ng ngipin mo."
Me: "Nakakahiya po doc pag pustiso na ngipin ko. Pwede po ba lagyan ng braces yung false teeth para hindi halatang pustiso na ngipin ko?? Palalabasin ko na lang na nagpabrace ko para hindi dyahe sa mga circle of friends ko." (sabay tulo ng isang patak na luha sa right eye ko)
Di ko na namalayan ang sunod na pangyayari after nya ko turukan.
Nung nagkaroon na ko ng malay...
Medyo malabo ang aking paningin. Sobrang tindi ng kabog sa aking dibdib at dahan dahan kong kinapa ang aking ngipin.
Haaaaayyy.. gagong panaginip yan akala ko totoo na!
No comments:
Post a Comment