Sa sobrang hirap ng buhay, kung anu-ano ng kalokohan ang ginagawa ng ibang mga tao para lang may mapagkakitaan. Hindi na natinag ang pagmumukha nila sa posibleng kahihiyan na pwedeng idulot nito sa kanila. Nakalulungkot lang isipin na yung iba ay lantaran na talaga ang kakapalan ng kalyo sa mukha kaya gumagawa sila ng mga bagay na hindi tama. Halika't ating isa-isahin ang ilan sa mga karanasan ko sa kamay ng mga manlolokong 'to.
1. Nariyan na ang nagpapanggap na member ng religious group o kung ano mang sektor ng lipunan at nangangalap kuno ng donasyon para sa kanilang samahan. Sila yung biglaang sasakay sa jeep o pampublikong bus at magpapakilala with matching props pa tulad ng leaflet, ID at mamimigay ng envelope kung saan mo ilalagay yung perang idodonate mo. One time naka-encounter ako ng ganito at ito ang nangyari:
Nakasakay ako ng bus sa may Buendia. At biglaang may sumakay na lalaki at nag-umpisang magdadakdak sa unahan ng bus habang ako naman ay punong abala sa pagtetext at pagkain ng chichirya.
Lalaki: "Ang aming pong samahan ay nangangalap ng donasyon para matulungan ang mga kabataang kapus-palad na hindi makapag-aral. Blah. Blah. Blah. (marami pa siyang sinasabi kung anu-ano) Humihingi lang po kami ng konting donasyon na bukal sa inyong mga puso at pagpalain nawa kayo."
Maya-maya pa unti-unti na siyang lumalapit sa lahat ng pasahero at nagbibigay ng sobre. At dahil narinig ko na ang misyon nila ay tumulong sa mga kabataang hindi makapag-aral, aba eh dumukot na ko ng bente pesos sa bulsa ko at handa ko ng iabot sa kanya (alam nyo naman na mabuti ang aking puso).. Kaya lang......
Paglapit nung lalaki sa akin at nakita ko ng malapitan - napa-WOW ako ng bongga!
Si koya naka-braces ang ngipin at orig na Jag polo ang suot!! Hayuuppp!! Nangangalap ng donasyon tapos sobra siyang maka-porma! Nahiya naman ako sa ngipin ko at suot kong t-shirt pagkakita ko sa kanya. Hahaha. Saktong umakyat sa bus yung nagtitinda ng mani, oh well, ano pa ba ginawa ko dun sa bente kong hawak? Ibinili ko na lang ng mani at yung sobreng inabot niya saken ay ibinalik ko rin sa kanya ng walang laman. LOL.
2. Isa 'to sa hinding hindi ko malilimutan. July 25, 2010 nangyari. Alas singko ng hapon. Pagkatapos ng misa sa simbahan ng Quiapo, dali-dali na kong lumabas ng simbahan. Ayaw ko kasi makakiskisang siko yung mga miron dun na mukhang yagit and dirty. Hello! I'm so sosyal kaya! Allergic ako sa mga panget at poor! Dyuk lang! First time ko lang kasing magsimba all alone dun at ayon sa mga nakalap kong tsismis at balita, marami daw manloloko at mandurukot dun kaya umuwi agad ako after nung mass.
Ang kaso, paglabas ko pa lang may matandang babaeng maitim na kulot ang buhok ang lumapit saken. Pero dali-dali akong lumakad papalayo sa kanya dahil wala ako sa mood makipagpic and greet sa mga fans during that time. Dyuk ulet!
Nagdisguise na nga ako para di ako mapagkamalang mayaman pero etong si ate, panay ang pagbuntot sa akin. Alalay ka teh?!
Aling Maitim: Utoy, para sayo 'to. (abot ng booklet)
berdugo: Sorry, gtg. (parang chat lang)
Aling Maitim: Libre lang 'to.
berdugo: (lumaki bigla ang tenga ko since narinig ko ang aking favorite word - ang LIBRE! haha. Bigla kong kinuha yung inabot niya saken na booklet.)
Aling Maitim: (pagkabigay niya saken) magbigay ka naman kahit magkano lang.
berdugo: I thought this is libre? (nairita ko kaya napa-english na me! at since baka need niya lang ng donation, kinuha ko yung wallet ko at binigyan ko siya ng Tweni pesos. Oo, tweni. Slang right?)
Aling Maitim: Dasalin mo lang palagi yan at basahin. Teka, dagdagan mo naman 'tong bigay mo saken. Dagdagan mo pa ng bente?
berdugo: Aba namimihasa ka ata! Wala na kong barya. Pasensya na ho. (Nanggigigil na ko sa kanya that time at lumakad na ko ulit ng mabilis na mabilis. At sa sobrang bilis umabot ako ng Lawton. Hehehe.)
Aling Maitim: Teka, magbigay ka kahit bente pa. Patingin nga ng wallet mo.
berdugo: (Amputaaaahhh ka! Nakakaburaot!! yun ang gusto ko sabihin sa kanya.) Oh etong Tweni pesos para matigil ka na!
Maya-maya may lumapit pa saken na isang babaeng mukhang whaleshark. Kasamahang tindera rin ni Aling Maitim.
Aling Whaleshark: Eto ang kwintas, para lagi kang ligtas at nabasbasan na rin yan.
beredugo: (Kinuha ko ang inabot niyang kwintas) What's this? Libre din?
Aling Whaleshark: Hindi. May bayad na. Kwarenta yan.
berdugo: Grabe ang mahal ha! Sa'yo na yan! (sabay sauli ko sa kanya ng kwintas)
Aling Whaleshark: Hindi mo na pwedeng isauli yan! (gigil na sabi nung ale)
berdugo: (sa isip isip ko, SHET!!! isang malaking PAKSHET!!!) Grabe kayo!! Ganyan ba talaga kayo dito!!! Mga ganid sa pera!!!
Aling Whaleshark at Aling Maitim: HUWAG KANG SUWAPANG SA PERA!!!
Potaahhhh!! Ako pa etong suwapang sa pera!!??? Hanggang sa napansin ko unti-unti ng naglalapitan saken yung mga mukhang iskwater na pipol. Natakot na ko kaya dali dali na kong nagbigay ng Forty pesosesoses at sumakay ng armoured car pauwi. Bwiset!
Hanggang ngayon, di pa rin talaga ko maka-getover sa pangyayaring yun. Pramis!
3. Habang nagdidinner kami ni khim sa Shakey's Robinsons Manila, may lumapit sa amin na batang babae. Maayos ang itsura niya, nakadress at may hawak na plastik.
Bata: Kuya, Ate, bili na po kayo ng tinda kong yema.
berdugo: Teka, allowed ba yan dito sa loob ng mall? (Pagdududa kong tanong kay khim)
khim: Hindi ko alam. Wait, kausapin natin 'tong bata. Hija, sinong kasama mo dito?
bata: Yung tita ko po.
khim: Nasaan siya?
Bata: Nandun po sa labas. Ako lang po pinapasok niya dito.
khim: Bakit ka nagtitinda ng yema?
Bata: Pambaon ko lang po.
berdugo: Bakit hindi yang tita mo ang pagtindahin mo? Dapat nag-aaral ka di ba? Asan mga magulang mo?
khim: alvin, wag mo takutin yung bata.
berdugo: Eh kasi naman, nakakagigil. Bakit kelangan pa pagtindahin yung bata sa loob ng mall?
khim: Oh sige, bibili na ko. Magkano ba yang tinda mong yema? Magkano per pack?
Bata: Twenty pesos po.
khim: Huwaatt? Ang mahal naman. Tapos kokonti yung laman.
berdugo: Hehehe. Sabi ko sa'yo nanloloko lang yang mga ganyan eh. Modus operandi lang yan. Wait, papatawag ko yung guard.
khim: Huwag! Baka umiyak yung bata. Sige, eto yung twenty pesos oh. Pabili ako ng isang pack ng yema tapos uwi ka na ha? Gabi na.
Bata: Opo. Eto po yung yema oh.
khim: Masarap ba naman 'to?
Bata: Opo. Salamat po. (sabay alis nung bata)
Pagkaalis nung bata, tinignan ni khim yung binili niya at laking gulat pagkakita, dahil kasinlaki lang ng kuko sa hinliliit na daliri yung bawat yema! Bwahahahahaha!!
4. Isa ito sa pinakatalamak na scam sa kasalukuyan! Ganito ang una kong naging karanasan sa isang Text Scammer.
Toot-toot. Toot-toot.
One messages received. (Oo, plural yung messages kahit iisa! Ganun pag China phone ang gamit. Putek!)
Text message from a certain cellphone number: "Kumusta na kayo dyan sa pinas? Okay naman ako dito. Paloadan nyo ko wala na kong load"
Hmmmm. Sa isip-isip ko, si lala lang naman ang nasa abroad na friend ko. So nagtextback ako:
"May i know hus ds?" (oo kahit sa text suplado ako at nag-uumenglish.. LOL)
Nagreply siya agad: "Hindi mo ba ako kilala. Bakit di naka-save sa'yo roaming number ko?"
Aba! Tanungin pa ba kita ng hu u kung kilala kita. Gago ka ba?!(syempre sa isip-isip ko lang yan.)
Nagtext ako ulit: "Sige papadalhan kita ng 300 na load. Wait lang ha. Papabili lang ako ng call and text card. Asan po ba kayo ngayon?"
Nagreply siya: "Ok sge, wait ko." (Pansinin mo, deadma sya sa tanong ko kung nasaan sya!)
After 30 minutes, nagtext siya ulit: "Wala pa ba? Tagal naman"
After an hour, nagreply ako sa kanya..
"Eto na po yung load nyo...
llllllllllllllllllllllllllllllllllllll
Lightly scratch off to reveal the PIN."
Bwahahahaha! ching!
Ikaw, anong experience mo tungkol sa mga ganitong taong manloloko?
No comments:
Post a Comment