Powered By Blogger

Saturday, June 11, 2011

divisoria escapade

Two weeks ago ay nagpunta ako sa Divisoria at nag-early Christmas shopping. 

Wala kasing pasok nung Tuesday na yun dahil sa paggunita ng isang 'special occasion ' para sa mga kapatid nating Muslim. 

Wala ako gaanong dalang pera at tanging face lang ang dala ko dahil mataas naman ang value nito!

Pinaghiwa-hiwalay ko yung baon kong pera. Yung dalawang libo, nasa left pocket. Yung isang libo nasa right pocket. Yung another two thou, nasa wallet, at syempre, in case na madukutan ako, naglagay ako ng 500 sa brief ko. Bwahihihihi.

Kasama ko ang ibang mga officemates at engineers na boss ko. 

Nagsuot lang ako ng white shirt, shorts pati shoes na puti. Trip ko lang magwhite nung araw na yun para pa-virgin effect.

Alas nuwebe pa lang ng umaga andami dami ng tao. Nakakahilo. May mga mamimili at tinderang amoy panis na kanin, merong amoy camel, meron naman amoy kupal, may amoy sampaguita at may amoy mayaman, AKO yun! Salamat sa Downy Passion. :D (oo ako na ang endorser.)

Kaya lang naman ako nagpunta dun ay para magpagawa ng mga giveaways ng company. ako kasi ang naatasan ng head engineer namin. mga pina print na t-shirt at calendar lang yun. 

Effort kung effort talaga. At nung naka-order na ko, medyo may ilang libo pang natira sa pera ko kaya inisip ko na lang kung paano ko uubusin yun. Eh saktong ang init init, ayun, pinampunas ko na lang ng pawis then tinapon afterwards. Hahahaha. Joke.

Since Christmas naman is coming na, namili na lang ako ng kung anu-ano dun sa buong Divisoria. Una kong naalalang bilhan syempre si Mamita, at yung isa kong kapatid na sumunod sa akin. Madami pang sukli kaya bili ulit ako ng kung anu anong toys para sa mga inaanak ko. 

Saktong biglang umulan. Senyales na yun ng lunch time kaya tsumibog muna kami kasama ang daan-daang mga patay gutom na people. Sobrang liit lang ng food court dun sa bagong bukas na mall kaya dapat talaga uminom ka muna ng isang case na cobra energy drink bago magpunta dun. 

Sobrang haba ng pila sa bawat food chain, tapos kokonti lang yung mga tables and chairs. Kaya yung iba, habang kumakain pa sila at nakaupo, maiinis na lang kasi may mga tao ng nakapaligid sa kanila at binabantayan silang matapos sa pagkain dahil sila naman ang sunod na gagamit ng lamesa at upuan. Parang Trip to Jerusalem lang. Agawan ng upuan. Ganun!

After kumain, maputik na sa labas. Bwiset. Naalala ko bigla ang aking white shoes. Di ko feel umuwi na puro putik yung sapatos ko na parang galing lang sa bukirin. Kaya naghanap ako ng Havaianas na slippers. 

Sakto may nakita ko.
 
Me: "Miss, how much is this?" sabay hawak dun sa tsinelas. (oo nag-uumingles ako dun. para sosyal kunwari ang dukhang maintenace.)

Saleslady: "Php 120 lang sir."

Me: "Ohhh. how cheap naman. Gimme 10 pairs with assorted designs ha. Pang-gift ko sa mga nangangaroling sa haus namin." 

Saleslady: "Sige po sir. Kuha lang ako sa stockroom."

Sa loob-loob ko, naku patay. Pinagtitripan ko lang naman si ate eh. Kaya isip agad ako ng paraan para makalusot.

ching!

Me: "Miss, size 41 'to eh. Ano katumbas nito sa american size?" 

Saleslady: "Sir, size 9 po yan." confident na sagot ni ate.

Me: "Sure ka? sandali ha. Hawakan mo 'tong mga dala-dala ko." Sinukat ko yung tsinelas gamit yung kamay ko. "Anong size 9!! Eh kita mo oh, isang dangkal lang yan. Sa tingin mo paano ko pagkakasyahin ang paa ko dyan sa tsinelas na kasing laki lang ng palad ko?!? Sinasayang mo oras ko ate. Aalis na ko." sabay eskapo. 

******************************
 
Kahit maputik sa labas, namili pa din kami dun. Mas makakamura pa daw kasi pag bumili ka dun nasa labas kesa sa nasa loob ng mall. 

Napansin din ng isa kong officemate na hindi ako marunong tumawad pag namimili kaya sinabihan nya ko na dapat pag tumawad daw sa presyo ng bibilhin, kalahati agad. Sabi ko okay copy.

Testing.

Lumapit ako sa bilihan ng mga christmas lights. Koreana si ate pero nagtatagalog. 

Me: "Ate magkano christmas lights na 'to?"

Koreana: "Wan twi-ne." sagot ni ate na ang ibig sabihin ay Php 120.
 
Me: "Ang mahal. Bente na lang!"

Koreana: "Di popwedi. Kami wala na tubo dyan."

Me: "Oh singkwenta bilhin ko na. Dali.."

Koreana: "Hindi pwede. Kami luge."

Me: "Okay, sa iba na lang ako bibili. Andami pa pala dun oh. (Sabay turo sa kalaban nilang tindahan) Kelangan ko kasi ng almost 5,000 pcs. na light bulbs para sa haus ko."

Koreana: "Okay sige bigay ko na pipte.. Wag ka ingay sa iba ha."
 
Me: "Oh sure."

Koreana: "Ilan bilhin mo? Isang christmas light, 100 bulbs."

Me: "Ayy. bigyan mo lang muna ako ng apat na piraso. Eto dalawang daan bayad ko. Testingin ko muna kung hindi ito sasabog bago ako bumili sa'yo ng madaming madaming lights." 

Muntik na mapa-tumbling si Ate. Bwahahahaha. Sorry naman, napagtripan ko lang din sya lokohin.

Alas sais na ng gabi ako nakauwi ng bahay. Ang natirang pera na lang sa akin ay yung Php 500 na nasa brief ko. Chineck ko ito kung andun pa. Pagkakita, ko si Ninoy nakasimangot na! Hahahahaha.

************************************

Nung Sabado, maaga ako gumising para bumalik sa Divisoria. Kukunin ko na kasi yung mga pinagawa kong giveaways. 

Di na ako nagsama ng alalay or taga-buhat since its weekend at gusto ko magpahinga naman yung mga bodyguard ko sa opisina. Feeling ko naman kasi magaan lang yung mga dadalhin ko dahil giveaways lang yun.

Todo porma ko. Wax ng hair. Lotion. Pabango. Parang may date lang. 

Pagdating ko sa Divisoria, hinanap ko na si Kuya na may ari ng souvenir shop.

Me: "Kuya, asan na yung order ko?

Tindero: "Oh alvin. Sandali ha. Pakuha ko sa bodega."

Me: "Sige.."
 
Habang naghihintay, pinagmamasdan ko yung mga tao sa paligid. May sosyal na buyer, meron namang mukhang snatcher, meron ding maarte, may mayabang, may mukhang adik at merong simpleng tao lang.. AKO ulit yun. Hahahaha. 

Iniisip ko bibili na ako ng sack bag na stylish para doon ko na ilalagay yung mga souvenirs. Para hindi naman dyahe pag inuwi ko sa apartment pati sa bacoor. Di ba?

Maya maya may mga dumadaan ng nagbubuhat ng kahoy, christmas trees, basura.  Pero deadma lang ako.

Tapos nagsabi na si manong ng: "Antagal naman nung pinapakuha kong giveaways. Nakakahiya dito kay alvin."

"Okay lang po." tugon ko sa kanya.

Maya-maya pa ay may nakita akong isang lalaking may buhat buhat na balikbayan box at pasan nya ito sa balikat nya.

Patay malisya ako.

Tinignan ko ang relo ko.

Ang tagal naman, sa loob loob ko.

Ang layo ng aking tingin nang biglang huminto sa harapan ko yung lalaking may dalang balikbayan box. 

Akala ko nangalay lang sya kaya ibinaba sa harapan ko yung kahon..

Tinignan ko. 

Taena!!! 

May nakasulat na "alvin v. :p" at smiley na nakadila pa. 

Ninerbyos ako abot hanggang betlog.

Pucha! Ang laki pala. Binuhat ko. Napamura ulit ko. "Taena, ang bigat."

Aaminin ko. Never mo ko mapagbubuhat ng kung anu-ano lalo na at ganyang karton tapos mabigat pa sa akin. Lagi ako may alalay, bodyguard or taga-buhat. Kaya bigla ako namroblema nung oras na yun dahil wala akong kasama.

Me: "Kuya, ang laki pala nyan. Hehe. (teary eyed ako habang plastik na ngumingiti.)  Baka magkaluslos ako sa pagbubuhat nyan. Pwede bang bayaran ko na lang yang kargador nyo para ihatid lang ako sa sakayan going to Buendia?"

Tindero: "Naku di pwede eh.. Nagkakahulihan ngayon."

Me: "Ganun ba? Puta much. Paano ko iuuwi yan? Bayaran ko kayo ng isang libo." 

Tindero: "Hindi talaga pwede. Madali ka lang naman makakasakay dyan."

Tinuro nya sa akin ang sketch para madali ako makalabas sa Divisoria buhat buhat yung lintek na balikbayan box.

Wag nyo na tanungin kung ano itsura ko habang nagbubuhat ako ng kahon na parang Kargador. 

Kasi kahit ako, ayaw ko na balikan pa ang masalimuot kong nakaraan!!

Bwahahahahahaha!





No comments:

Post a Comment