Powered By Blogger

Sunday, June 19, 2011

ang pag pili ng sapatos at ang pag-ibig

   Hindi ko maiwasang mapangiti kahapon nung bumibili ako ng sarili kong sapatos sa isang department store.. At habang sinusukat ko ito, bigla na lang ako napaisip...

     Ang pagpili ng sapatos ay maikukumpara rin sa isang karelasyon. Hindi ako basta-basta manliligaw o bibili ng sapatos kung hindi ko naman ito gusto, at mas lalong hindi naman tama na ipagpipilitan kong isuot ang isang sapatos o makipagrelasyon sa isang tao na hindi naman ako masaya. Dahil aminin man natin o hindi, para ko na rin niloko ang sarili ko kung gagawin ko ito. 

     Alam mo yung feeling na nakasuot ka ng sapatos na sobrang luwag o di kaya naman ay sobrang sikip, uncomfortable di ba?! Hindi masaya. Mabigat sa loob. Ganun rin kapag pinilit natin makipagrelasyon sa taong mahal natin pero hindi naman tayo gusto, o mahal tayo pero hindi naman natin sila gusto. 

     It's complicated ika nga. Kaya ako, ikaw, tayo... ay dapat maging maingat at mapili sa pagpili ng ating 'sapatos'. Pero wag naman yung sobrang choosy o pihikan dahil baka mapagaya kayo saken, tignan nyo oh.. I have my shoes, it fits perfectly... but the problem is..    















No comments:

Post a Comment