Powered By Blogger

Tuesday, June 21, 2011

anong brand ng sinelas ang gamit mo?

                                            ikaw? anong brand ng tsineas ang gamit mo?


                                                               ako ito ang gamit ko.
                                                               ano naman ang sayo?..

Sunday, June 19, 2011

Want some hot 'penis'?

Tumingin ka sa larawang nasa ibaba at pagmasdan itong mabuti...


Ano'ng napapansin mo?

Cute di ba? Hugis etits pa. Pero hindi kay alvin villanueva yan.. (mahaba kaya yung saken!) LoLz! 

Ito ay ang Peter Red Chili na kilala rin sa tawag na Peter Pepper o Penis Pepper at may scientific name na Capsicum Annuum. (Feeling Kuya Kim Atienza ko ngayon kaya bumabanat pa ng scientific name.)

Ang Peter Red Chili ay isang uri ng hot pepper na tulad din ng ordinaryong sili natin dito sa Pinas, berde sa simula pero kapag nahinog na ay nagiging kulay pula. Ang sukat nito ay pangkaraniwang umaabot sa tatlo hanggang apat na pulgada ang haba, at isa hanggang isa't kalahating pulgada naman ang lapad. Aba nga naman, parang tunay na etits lang ng pinoy noh? 

Base sa aking pagsasaliksik, ang anghang nito ay umaabot sa 5,000 hanggang 30,000 scoville units na kung tutuusin ay maanghang pa sa Tabasco at mas maanghang pa sa JalapeƱo.

Kung interesado kang magpunla nito at magparami, pwede kang magpunta sa Texas at Louisiana ng U.S. of A dahil dun lang ito matatagpuan. Maganda din siguro itong gamitin sa pagluluto ng Bicol Express dahil maraming babae at bading na dito ay mahuhumaling. Pero kung wala ka namang pamasahe para pumunta sa Amerika at habol mo lang ay makakita ng siling ito sa personal, bakit di mo subukang tignan na lang ang 'birdie' ng dyowa mo at ibabad ito sa atsuwete o di kaya ay pahiran ng lipstick na pula and voila, may instant Penis Pepper ka na! 

ang pag pili ng sapatos at ang pag-ibig

   Hindi ko maiwasang mapangiti kahapon nung bumibili ako ng sarili kong sapatos sa isang department store.. At habang sinusukat ko ito, bigla na lang ako napaisip...

     Ang pagpili ng sapatos ay maikukumpara rin sa isang karelasyon. Hindi ako basta-basta manliligaw o bibili ng sapatos kung hindi ko naman ito gusto, at mas lalong hindi naman tama na ipagpipilitan kong isuot ang isang sapatos o makipagrelasyon sa isang tao na hindi naman ako masaya. Dahil aminin man natin o hindi, para ko na rin niloko ang sarili ko kung gagawin ko ito. 

     Alam mo yung feeling na nakasuot ka ng sapatos na sobrang luwag o di kaya naman ay sobrang sikip, uncomfortable di ba?! Hindi masaya. Mabigat sa loob. Ganun rin kapag pinilit natin makipagrelasyon sa taong mahal natin pero hindi naman tayo gusto, o mahal tayo pero hindi naman natin sila gusto. 

     It's complicated ika nga. Kaya ako, ikaw, tayo... ay dapat maging maingat at mapili sa pagpili ng ating 'sapatos'. Pero wag naman yung sobrang choosy o pihikan dahil baka mapagaya kayo saken, tignan nyo oh.. I have my shoes, it fits perfectly... but the problem is..    















Saturday, June 18, 2011

oo!! naka pustiso ako, may reklamo?!!

Gumising ako na punong-puno ng energy. 

Magaan ang katawan ko at pakiramdam kaya na-excite akong pumunta sa mall para magshopping. Wooohoooo! 

Dali-dali akong naligo at mabilis na nagbihis pagkatapos. Spray ng perfume.
Tumingin ako sa salamin.

"wow, gwapo pa rin!" bulong ko sa sarili ko. 

 I checked my face, then my teeth.... and then...

"Shit!" as in napa-shit ako nung nakita kong may yellowish stain sa upper front teeth ko. Akala ko yema lang na tumigas pero ayaw matangal. Hmmmm? Pinagpawisan ako ng slight. Kinutkot ko yung naninilaw sa aking ngipin at....



sa di inaasahang pangyayari...



bigla na lang natanggal yung dalawang unahang ngipin ko... :( 


bigla ako nag-panic pero pinilit kong hindi ipahalata sa mga tao sa bahay na bungi na ako. Hindi ako pwedeng magshopping na walang ngipin sa unahan. Para akong si Rene Requiestas nun. Ohmaygawd! 

Eh kung magtakip na lang ako ng panyo?? 

Waaahhh.. Paano ako papasok sa opisina? 

Parang gusto ko na kainin ng lupa sa kahihiyan. 

Mabilis akong umisip ng paraan kung ano ang dapat kong gawin. I check my wallet at buti na lang may cash pa ko dun. Pupunta na sana ako sa dentista para magpacheck up at magpasukat ng pustiso ng maisipan kong magtoothbrush muna. 

Habang sinisipilyo ko ang mga natitirang ngipin ko, bigla na lang isa-isang naglaglagan yung mga ngipin ko sa lababo. 

Tangennaaaaaaaaaaaaaaa!!! Badtrip! 

Nakakapagsisi na madalas ako kumain ng candy nung bata pa ko at takot magpacheck up sa dentista.

Pinuntahan ko si Mamita at nagsumbong sa kanya. 

Para akong bata ng iyak ng iyak.

Me: "Mama, nabungi mga ngipin ko." (sabay hagulgol)
Mamita: "Halika, samahan na kita sa dentista. Dun tayo pumunta kina Dr. Burog."
Me: "Eh kasi naman ang dami mo pwede maging asawa si Papita pa. Pati yung pustiso nya, namana ko pa! Lintek na yan!" (sabay iyak ng malakas)
Mamita: "Eh wala na tayo magagawa. Oh sya tara, samahan na kita sa dentista."


Pagdating sa clinic..

Hiyang hiya akong ipakita sa doktor na nalagas ang aking mga ngipin. Sinabihan nya ko na hindi na raw tutubo pa ang mga ngipin ko kaya kelangan nya na ko sukatan ng pustiso. 
Nanlumo ko. Ang hirap pala ng ganito. Di ko mapigilan umiyak.

Doc: "Tuturukan na muna kita ng anesthesia. para hindi mo maramdaman ang sakit. Kelangan na natin bunutin lahat ng ngipin mo."
Me: "Nakakahiya po doc pag pustiso na ngipin ko. Pwede po ba lagyan ng braces yung false teeth para hindi halatang pustiso na ngipin ko?? Palalabasin ko na lang na nagpabrace ko para hindi dyahe sa mga circle of friends ko." (sabay tulo ng isang patak na luha sa right eye ko)

Di ko na namalayan ang sunod na pangyayari after nya ko turukan.

Nung nagkaroon na ko ng malay... 

Medyo malabo ang aking paningin. Sobrang tindi ng kabog sa aking dibdib at dahan dahan kong kinapa ang aking ngipin.

Haaaaayyy.. gagong panaginip yan akala ko totoo na! 

Thursday, June 16, 2011

luko-luko

Isang araw.

Paglabas ko ng opisina, may babaeng nakatingin sa akin. Hindi ko sya pinansin.

Maya-maya pa, napansin ko parang may gusto syang sabihin sa akin..

Nung sumunod na dumaan ako sa may glass door ng office, hinawakan nya ko sa braso.

"Iho iho, kilala mo ga ako?" sabi nya sa akin.

"Nope. Sino ka?" sagot ko naman.

"Ako yung pinsan ni tatay mo? Yung katapat ng bahay ng lola mo. Ako yung kapatid ni edeng at nanay ako ng kaklase ni kuya mo nung high school pa kayo..." dire-direcho nyang sabi sa akin.

"Ay naku, kahit ano hong sabihin nyo, pasensya na ho, di ko kayo kilala. Mawalang galang na ho." sabay walkout.

Eh di ko naman talaga sya kilala, bakit ba?!

***************************

Nanonood sa youtube yung kapatid kong bunso na si nene.

nene: "Friend*, halika dali. Tignan mo 'to. Nakanta gamit ang bibig." (*friend ang tawagan naming magkakapatid)

Me: "Eh alangan namang kumanta yan gamit ang mata!"

nene: "Siraulo. Nagkamali lang naman ako ng sabi eh. Nakanta pala kahit sarado ang bibig."

Sabay kaming nagkatawanan.

***************************

Isang umaga ng Sabado habang naglalaba si nanay..

Me: "Mamita, anong niluto mong breakfast para sa gwapo at paborito mong anak?"

nanay: "Bunso, nagprito lang ako dyan ng dolphin."

Me: "Huhwaatt??? Seryoso ka?" lumawlaw ang betlog ko sa pagkagulat.

nanay: "Hahaha. Lagi ako nagkakamali dyan. Yellow fin pala."

Me: "Hay naku mama, buti hindi pating yung niluto mo o balyena!" pabiro kong sagot sa kanya.

nanay: "Luko luko. Saan ko naman ipi-prito yun eh wala akong malaking kawali.." sabay tawa nya ng malakas.

At talagang seryoso nga ata sya magluto ng balyena. hahahahaha.

***************************

Isang gabi, di ko maaalala kung ano ang english translation ng salitang 'payo'.

Me: "Oi, ano nga ba english sa payo?" tanong ko sa katambayan ko.

Me: "A ang start nun eh..."

tambay1: "ano nga ba? sandali nasa dulo na din ng dila ko.

Me: "Nakakabobo naman kasi kausap 'tong mga Danish na 'to. Ano nga ba sa english yun? anyone. help please."

Sumagot si tambay1.

"Ahhhh.. A-MBRELLA!!!

Ampotah!

Muntik na ko bumalentong sa kinauupuan ko.

May luko-luko pa pala kay? berdugo....

Monday, June 13, 2011

like a virgin


Malinis. Sariwa. Busilak.

Ganyan ko mailalarawan ang bagong blog design ng aking online opisina.

Halata naman di ba? Wala itong bahid ng kahit anong kalokohan o kalaswaan. 

Wholesome kasi ang aking image. Bwahihihi.

 Anyway, dahil sa sobrang init ng panahon ngayon at wala pang magawa sa bahay, madalas na lang akong makipaglaro kay junior. 

Sabi kasi nila, mas mainam kung hinihimas-himas palagi ang alaga natin, at lagi itong pakakainin para mabilis lumaki at tumaba. 

Epektib naman kaya tignan nyo ang ebidensya, malusog na ang alaga kong si junior. 

From left to right: daddy pig, JUNIOR pig at si mommy pig

Sabi ko naman sa inyo, napaka-wholesome ng blog ko na 'to. 

nabiktima ka na ba ng manloloko?


   Sa sobrang hirap ng buhay, kung anu-ano ng kalokohan ang ginagawa ng ibang mga tao para lang may mapagkakitaan. Hindi na natinag ang pagmumukha nila sa posibleng kahihiyan na pwedeng idulot nito sa kanila. Nakalulungkot lang isipin na yung iba ay lantaran na talaga ang kakapalan ng kalyo sa mukha kaya gumagawa sila ng mga bagay na hindi tama. Halika't ating isa-isahin ang ilan sa mga karanasan ko sa kamay ng mga manlolokong 'to.

1. Nariyan na ang nagpapanggap na member ng religious group o kung ano mang sektor ng lipunan at nangangalap kuno ng donasyon para sa kanilang samahan. Sila yung biglaang sasakay sa jeep o pampublikong bus at magpapakilala with matching props pa tulad ng leaflet, ID at mamimigay ng envelope kung saan mo ilalagay yung perang idodonate mo. One time naka-encounter ako ng ganito at ito ang nangyari:

     Nakasakay ako ng bus sa may Buendia. At biglaang may sumakay na lalaki at nag-umpisang magdadakdak sa unahan ng bus habang ako naman ay punong abala sa pagtetext at pagkain ng chichirya.

Lalaki: "Ang aming pong samahan ay nangangalap ng donasyon para matulungan ang mga kabataang kapus-palad na hindi makapag-aral. Blah. Blah. Blah. (marami pa siyang sinasabi kung anu-ano) Humihingi lang po kami ng konting donasyon na bukal sa inyong mga puso at pagpalain nawa kayo."

     Maya-maya pa unti-unti na siyang lumalapit sa lahat ng pasahero at nagbibigay ng sobre. At dahil narinig ko na ang misyon nila ay tumulong sa mga kabataang hindi makapag-aral, aba eh dumukot na ko ng bente pesos sa bulsa ko at handa ko ng iabot sa kanya (alam nyo naman na mabuti ang aking puso).. Kaya lang......

     Paglapit nung lalaki sa akin at nakita ko ng malapitan - napa-WOW ako ng bongga!
     Si koya naka-braces ang ngipin at orig na Jag polo ang suot!! Hayuuppp!! Nangangalap ng donasyon tapos sobra siyang maka-porma! Nahiya naman ako sa ngipin ko at suot kong t-shirt pagkakita ko sa kanya. Hahaha. Saktong umakyat sa bus yung nagtitinda ng mani, oh well, ano pa ba ginawa ko dun sa bente kong hawak? Ibinili ko na lang ng mani at yung sobreng inabot niya saken ay ibinalik ko rin sa kanya ng walang laman. LOL.

2. Isa 'to sa hinding hindi ko malilimutan. July 25, 2010 nangyari. Alas singko ng hapon. Pagkatapos ng misa sa simbahan ng Quiapo, dali-dali na kong lumabas ng simbahan. Ayaw ko kasi makakiskisang siko yung mga miron dun na mukhang yagit and dirty. Hello! I'm so sosyal kaya! Allergic ako sa mga panget at poor! Dyuk lang! First time ko lang kasing magsimba all alone dun at ayon sa mga nakalap kong tsismis at balita, marami daw manloloko at mandurukot dun kaya umuwi agad ako after nung mass.

     Ang kaso, paglabas ko pa lang may matandang babaeng maitim na kulot ang buhok ang lumapit saken. Pero dali-dali akong lumakad papalayo sa kanya dahil wala ako sa mood makipagpic and greet sa mga fans during that time. Dyuk ulet! 

     Nagdisguise na nga ako para di ako mapagkamalang mayaman pero etong si ate, panay ang pagbuntot sa akin. Alalay ka teh?!

Aling Maitim: Utoy, para sayo 'to. (abot ng booklet) 
berdugo: Sorry, gtg. (parang chat lang)
Aling Maitim: Libre lang 'to.
berdugo: (lumaki bigla ang tenga ko since narinig ko ang aking favorite word - ang LIBRE! haha. Bigla kong kinuha yung inabot niya saken na booklet.)
Aling Maitim: (pagkabigay niya saken) magbigay ka naman kahit magkano lang.
berdugo: I thought this is libre? (nairita ko kaya napa-english na me! at since baka need niya lang ng donation, kinuha ko yung wallet ko at binigyan ko siya ng Tweni pesos. Oo, tweni. Slang right?)
Aling Maitim: Dasalin mo lang palagi yan at basahin. Teka, dagdagan mo naman 'tong bigay mo saken. Dagdagan mo pa ng bente?
berdugo: Aba namimihasa ka ata! Wala na kong barya. Pasensya na ho. (Nanggigigil na ko sa kanya that time at lumakad na ko ulit ng mabilis na mabilis. At sa sobrang bilis umabot ako ng Lawton. Hehehe.)
Aling Maitim: Teka, magbigay ka kahit bente pa. Patingin nga ng wallet mo.
berdugo: (Amputaaaahhh ka! Nakakaburaot!! yun ang gusto ko sabihin sa kanya.) Oh etong Tweni pesos para matigil ka na!

Maya-maya may lumapit pa saken na isang babaeng mukhang whaleshark. Kasamahang tindera rin ni Aling Maitim.
Aling Whaleshark: Eto ang kwintas, para lagi kang ligtas at nabasbasan na rin yan.
beredugo: (Kinuha ko ang inabot niyang kwintas) What's this? Libre din?
Aling Whaleshark: Hindi. May bayad na. Kwarenta yan.
berdugo: Grabe ang mahal ha! Sa'yo na yan! (sabay sauli ko sa kanya ng kwintas)
Aling Whaleshark: Hindi mo na pwedeng isauli yan! (gigil na sabi nung ale)
berdugo: (sa isip isip ko, SHET!!! isang malaking PAKSHET!!!) Grabe kayo!! Ganyan ba talaga kayo dito!!! Mga ganid sa pera!!!
Aling Whaleshark at Aling Maitim: HUWAG KANG SUWAPANG SA PERA!!!

    Potaahhhh!! Ako pa etong suwapang sa pera!!??? Hanggang sa napansin ko unti-unti ng naglalapitan saken yung mga mukhang iskwater na pipol. Natakot na ko kaya dali dali na kong nagbigay ng Forty pesosesoses at sumakay ng armoured car pauwi. Bwiset!

     Hanggang ngayon, di pa rin talaga ko maka-getover sa pangyayaring yun. Pramis!

3. Habang nagdidinner kami ni khim sa Shakey's Robinsons Manila, may lumapit sa amin na batang babae. Maayos ang itsura niya, nakadress at may hawak na plastik. 

Bata: Kuya, Ate, bili na po kayo ng tinda kong yema.
berdugo: Teka, allowed ba yan dito sa loob ng mall? (Pagdududa kong tanong kay khim)
khim: Hindi ko alam. Wait, kausapin natin 'tong bata. Hija, sinong kasama mo dito?
bata: Yung tita ko po.
khim: Nasaan siya?
Bata: Nandun po sa labas. Ako lang po pinapasok niya dito.
khim: Bakit ka nagtitinda ng yema?
Bata: Pambaon ko lang po.
berdugo: Bakit hindi yang tita mo ang pagtindahin mo? Dapat nag-aaral ka di ba? Asan mga magulang mo?
khim: alvin, wag mo takutin yung bata.
berdugo: Eh kasi naman, nakakagigil. Bakit kelangan pa pagtindahin yung bata sa loob ng mall?
khim: Oh sige, bibili na ko. Magkano ba yang tinda mong yema? Magkano per pack?
Bata: Twenty pesos po.
khim: Huwaatt? Ang mahal naman. Tapos kokonti yung laman.
berdugo: Hehehe. Sabi ko sa'yo nanloloko lang yang mga ganyan eh. Modus operandi lang yan. Wait, papatawag ko yung guard.
khim: Huwag! Baka umiyak yung bata. Sige, eto yung twenty pesos oh. Pabili ako ng isang pack ng yema tapos uwi ka na ha? Gabi na.
Bata: Opo. Eto po yung yema oh.
khim: Masarap ba naman 'to?
Bata: Opo. Salamat po. (sabay alis nung bata)

Pagkaalis nung bata, tinignan ni khim yung binili niya at laking gulat pagkakita, dahil kasinlaki lang ng kuko sa hinliliit na daliri yung bawat yema! Bwahahahahaha!!

4. Isa ito sa pinakatalamak na scam sa kasalukuyan! Ganito ang una kong naging karanasan sa isang Text Scammer. 


Toot-toot. Toot-toot. 


One messages received. (Oo, plural yung messages kahit iisa! Ganun pag China phone ang gamit. Putek!)

Text message from a certain cellphone number: "Kumusta na kayo dyan sa pinas? Okay naman ako dito. Paloadan nyo ko wala na kong load"

Hmmmm. Sa isip-isip ko, si lala lang naman ang nasa abroad na friend ko. So nagtextback ako:

"May i know hus ds?" (oo kahit sa text suplado ako at nag-uumenglish.. LOL)

Nagreply siya agad: "Hindi mo ba ako kilala. Bakit di naka-save sa'yo roaming number ko?"

Aba! Tanungin pa ba kita ng hu u kung kilala kita. Gago ka ba?!(syempre sa isip-isip ko lang yan.)

Nagtext ako ulit: "Sige papadalhan kita ng 300 na load. Wait lang ha. Papabili lang ako ng call and text card. Asan po ba kayo ngayon?"

Nagreply siya: "Ok sge, wait ko." (Pansinin mo, deadma sya sa tanong ko kung nasaan sya!)

After 30 minutes, nagtext siya ulit: "Wala pa ba? Tagal naman"

After an hour, nagreply ako sa kanya.. 

"Eto na po yung load nyo...  

llllllllllllllllllllllllllllllllllllll
Lightly scratch off to reveal the PIN."




Bwahahahaha! ching!



Ikaw, anong experience mo tungkol sa mga ganitong taong manloloko?

Saturday, June 11, 2011

divisoria escapade

Two weeks ago ay nagpunta ako sa Divisoria at nag-early Christmas shopping. 

Wala kasing pasok nung Tuesday na yun dahil sa paggunita ng isang 'special occasion ' para sa mga kapatid nating Muslim. 

Wala ako gaanong dalang pera at tanging face lang ang dala ko dahil mataas naman ang value nito!

Pinaghiwa-hiwalay ko yung baon kong pera. Yung dalawang libo, nasa left pocket. Yung isang libo nasa right pocket. Yung another two thou, nasa wallet, at syempre, in case na madukutan ako, naglagay ako ng 500 sa brief ko. Bwahihihihi.

Kasama ko ang ibang mga officemates at engineers na boss ko. 

Nagsuot lang ako ng white shirt, shorts pati shoes na puti. Trip ko lang magwhite nung araw na yun para pa-virgin effect.

Alas nuwebe pa lang ng umaga andami dami ng tao. Nakakahilo. May mga mamimili at tinderang amoy panis na kanin, merong amoy camel, meron naman amoy kupal, may amoy sampaguita at may amoy mayaman, AKO yun! Salamat sa Downy Passion. :D (oo ako na ang endorser.)

Kaya lang naman ako nagpunta dun ay para magpagawa ng mga giveaways ng company. ako kasi ang naatasan ng head engineer namin. mga pina print na t-shirt at calendar lang yun. 

Effort kung effort talaga. At nung naka-order na ko, medyo may ilang libo pang natira sa pera ko kaya inisip ko na lang kung paano ko uubusin yun. Eh saktong ang init init, ayun, pinampunas ko na lang ng pawis then tinapon afterwards. Hahahaha. Joke.

Since Christmas naman is coming na, namili na lang ako ng kung anu-ano dun sa buong Divisoria. Una kong naalalang bilhan syempre si Mamita, at yung isa kong kapatid na sumunod sa akin. Madami pang sukli kaya bili ulit ako ng kung anu anong toys para sa mga inaanak ko. 

Saktong biglang umulan. Senyales na yun ng lunch time kaya tsumibog muna kami kasama ang daan-daang mga patay gutom na people. Sobrang liit lang ng food court dun sa bagong bukas na mall kaya dapat talaga uminom ka muna ng isang case na cobra energy drink bago magpunta dun. 

Sobrang haba ng pila sa bawat food chain, tapos kokonti lang yung mga tables and chairs. Kaya yung iba, habang kumakain pa sila at nakaupo, maiinis na lang kasi may mga tao ng nakapaligid sa kanila at binabantayan silang matapos sa pagkain dahil sila naman ang sunod na gagamit ng lamesa at upuan. Parang Trip to Jerusalem lang. Agawan ng upuan. Ganun!

After kumain, maputik na sa labas. Bwiset. Naalala ko bigla ang aking white shoes. Di ko feel umuwi na puro putik yung sapatos ko na parang galing lang sa bukirin. Kaya naghanap ako ng Havaianas na slippers. 

Sakto may nakita ko.
 
Me: "Miss, how much is this?" sabay hawak dun sa tsinelas. (oo nag-uumingles ako dun. para sosyal kunwari ang dukhang maintenace.)

Saleslady: "Php 120 lang sir."

Me: "Ohhh. how cheap naman. Gimme 10 pairs with assorted designs ha. Pang-gift ko sa mga nangangaroling sa haus namin." 

Saleslady: "Sige po sir. Kuha lang ako sa stockroom."

Sa loob-loob ko, naku patay. Pinagtitripan ko lang naman si ate eh. Kaya isip agad ako ng paraan para makalusot.

ching!

Me: "Miss, size 41 'to eh. Ano katumbas nito sa american size?" 

Saleslady: "Sir, size 9 po yan." confident na sagot ni ate.

Me: "Sure ka? sandali ha. Hawakan mo 'tong mga dala-dala ko." Sinukat ko yung tsinelas gamit yung kamay ko. "Anong size 9!! Eh kita mo oh, isang dangkal lang yan. Sa tingin mo paano ko pagkakasyahin ang paa ko dyan sa tsinelas na kasing laki lang ng palad ko?!? Sinasayang mo oras ko ate. Aalis na ko." sabay eskapo. 

******************************
 
Kahit maputik sa labas, namili pa din kami dun. Mas makakamura pa daw kasi pag bumili ka dun nasa labas kesa sa nasa loob ng mall. 

Napansin din ng isa kong officemate na hindi ako marunong tumawad pag namimili kaya sinabihan nya ko na dapat pag tumawad daw sa presyo ng bibilhin, kalahati agad. Sabi ko okay copy.

Testing.

Lumapit ako sa bilihan ng mga christmas lights. Koreana si ate pero nagtatagalog. 

Me: "Ate magkano christmas lights na 'to?"

Koreana: "Wan twi-ne." sagot ni ate na ang ibig sabihin ay Php 120.
 
Me: "Ang mahal. Bente na lang!"

Koreana: "Di popwedi. Kami wala na tubo dyan."

Me: "Oh singkwenta bilhin ko na. Dali.."

Koreana: "Hindi pwede. Kami luge."

Me: "Okay, sa iba na lang ako bibili. Andami pa pala dun oh. (Sabay turo sa kalaban nilang tindahan) Kelangan ko kasi ng almost 5,000 pcs. na light bulbs para sa haus ko."

Koreana: "Okay sige bigay ko na pipte.. Wag ka ingay sa iba ha."
 
Me: "Oh sure."

Koreana: "Ilan bilhin mo? Isang christmas light, 100 bulbs."

Me: "Ayy. bigyan mo lang muna ako ng apat na piraso. Eto dalawang daan bayad ko. Testingin ko muna kung hindi ito sasabog bago ako bumili sa'yo ng madaming madaming lights." 

Muntik na mapa-tumbling si Ate. Bwahahahaha. Sorry naman, napagtripan ko lang din sya lokohin.

Alas sais na ng gabi ako nakauwi ng bahay. Ang natirang pera na lang sa akin ay yung Php 500 na nasa brief ko. Chineck ko ito kung andun pa. Pagkakita, ko si Ninoy nakasimangot na! Hahahahaha.

************************************

Nung Sabado, maaga ako gumising para bumalik sa Divisoria. Kukunin ko na kasi yung mga pinagawa kong giveaways. 

Di na ako nagsama ng alalay or taga-buhat since its weekend at gusto ko magpahinga naman yung mga bodyguard ko sa opisina. Feeling ko naman kasi magaan lang yung mga dadalhin ko dahil giveaways lang yun.

Todo porma ko. Wax ng hair. Lotion. Pabango. Parang may date lang. 

Pagdating ko sa Divisoria, hinanap ko na si Kuya na may ari ng souvenir shop.

Me: "Kuya, asan na yung order ko?

Tindero: "Oh alvin. Sandali ha. Pakuha ko sa bodega."

Me: "Sige.."
 
Habang naghihintay, pinagmamasdan ko yung mga tao sa paligid. May sosyal na buyer, meron namang mukhang snatcher, meron ding maarte, may mayabang, may mukhang adik at merong simpleng tao lang.. AKO ulit yun. Hahahaha. 

Iniisip ko bibili na ako ng sack bag na stylish para doon ko na ilalagay yung mga souvenirs. Para hindi naman dyahe pag inuwi ko sa apartment pati sa bacoor. Di ba?

Maya maya may mga dumadaan ng nagbubuhat ng kahoy, christmas trees, basura.  Pero deadma lang ako.

Tapos nagsabi na si manong ng: "Antagal naman nung pinapakuha kong giveaways. Nakakahiya dito kay alvin."

"Okay lang po." tugon ko sa kanya.

Maya-maya pa ay may nakita akong isang lalaking may buhat buhat na balikbayan box at pasan nya ito sa balikat nya.

Patay malisya ako.

Tinignan ko ang relo ko.

Ang tagal naman, sa loob loob ko.

Ang layo ng aking tingin nang biglang huminto sa harapan ko yung lalaking may dalang balikbayan box. 

Akala ko nangalay lang sya kaya ibinaba sa harapan ko yung kahon..

Tinignan ko. 

Taena!!! 

May nakasulat na "alvin v. :p" at smiley na nakadila pa. 

Ninerbyos ako abot hanggang betlog.

Pucha! Ang laki pala. Binuhat ko. Napamura ulit ko. "Taena, ang bigat."

Aaminin ko. Never mo ko mapagbubuhat ng kung anu-ano lalo na at ganyang karton tapos mabigat pa sa akin. Lagi ako may alalay, bodyguard or taga-buhat. Kaya bigla ako namroblema nung oras na yun dahil wala akong kasama.

Me: "Kuya, ang laki pala nyan. Hehe. (teary eyed ako habang plastik na ngumingiti.)  Baka magkaluslos ako sa pagbubuhat nyan. Pwede bang bayaran ko na lang yang kargador nyo para ihatid lang ako sa sakayan going to Buendia?"

Tindero: "Naku di pwede eh.. Nagkakahulihan ngayon."

Me: "Ganun ba? Puta much. Paano ko iuuwi yan? Bayaran ko kayo ng isang libo." 

Tindero: "Hindi talaga pwede. Madali ka lang naman makakasakay dyan."

Tinuro nya sa akin ang sketch para madali ako makalabas sa Divisoria buhat buhat yung lintek na balikbayan box.

Wag nyo na tanungin kung ano itsura ko habang nagbubuhat ako ng kahon na parang Kargador. 

Kasi kahit ako, ayaw ko na balikan pa ang masalimuot kong nakaraan!!

Bwahahahahahaha!





pag-ibig na parang sapatos

ang pag pili ng sapatos ay parang relasyon. Pag syempre pumipili tayo ng matibay, at maganda. Pumipili tayo ng sapatos ayon sa ating kagustuhan. Syempre. Pag masikip, di tayo komportable. Pag maluwag, ayaw din naten. kaya maging mapili tayo sa pag bili ng sapatos.

lalo na tayong mga lalake,
wag tayong pipili ng maluwang. Di baleng medyo masikip. Luluwang din yun pag madalas ginagamit.

Teka, parang iba ang nasa isip ko ah....

Wednesday, June 8, 2011

who am i?...

i am alvin v.
i am the person you are looking at. You may find someone that looks like me, walk or talk like me, and act like me, but they are not me.

ako toh

im alvin v. this is what i am,
and this is what i might be.

Wala lang. pose lang.

Monday, June 6, 2011

blog ko toh.

blog ko toh, pwede mo basahin kung gusto m0.
Nasayo kung ayaw mo,
magc0mment ka kung
kaya m0, just make sure
na may account ka dito.
Ginawa ko lang ito para
ilabas ang mga keme ko
sa buhay. Dito ako nakahinga
ng maluwag kase dito ko
nasasabi yung hindi ko
kayang sabihin sa tao,
kase may bagay na di
talaga naten kayang
sabihin sa pamilya o
kaibigan. ito ang diary ko,
kase nga account ko to.
Gets m0h?!

Sunday, June 5, 2011