1st time ko nakilala ang english teacher ko, sya si mrs.leonor imperio romualdo.
nung una natatakot ako sakanya... kasi bihira ko lang siyang nakikitang ngumingiti sa klase.
at kung talagang loko-loko ka kaya ka nyang ipahiya. basta istrikto sya, ayaw nya ng hindi naka uniform
tsaka may hikaw ang mga lalake. sabi pa nga nya, "mag-suot ka lang ng maong kung levi's na original yan
pero kung hinde, lumabas ka sa klase ko" ganun sya.. nung una kala ko masungit sya, takot mga ako sakanya
noon, pero nung 4th year na ako english teacher ko ulit sya, medyo takot parin ako sakanya, naalala ko
pa nung pinagbasa nya ako nabanggit ko yung salitang "country" ang sabi ko ay ''kawntri'' ganun ang
pagkakabigkas ko. mali pala yun kaya sumagot agad sya ng " no!.... its kantri..'' nataranta ako nun kaya ginaya ko nalang yung sinabi nya. after ko magbasa, narealize ko na tama lang na minsan magalit sya, kase matitigas nga manan ang mga ulo namin, minsan nga hindi sya pumasok sa section namin ng isang linggo, di ko na maalala kung bakitsya nagtampo samin. naisip ko na anghirap pala ng ginagawa nila, hindi lang sa pag lakad papunta sa mga class room sila napapagod, at pati na din saming mga estudyante nya. si mrs.romualdo na yata ang pinaka marami akong natutunan, sa pananamit ng disente, sa pag-uugali, at sa tamang pag pronounce ng mga english word. kung di ko siguro sya naging teacher baka para parin akong si pacman
or si erap pag nag english.
pinapakilala ko sa inyo ang teacher ko, sya po si mrs.leonor imperio romualdo.
No comments:
Post a Comment