"mahirap i'let go yung taong hindi naman talaga naging sayo"
walang kinalaman yan sa blog ko ngayon, wala lang akong maisip na intro.
Malapit na pala ang Belentayms, nag order na ko ng flowers sa xpressflowers.com para ma surprise naman ang dapat ma surprise. Kalande?!
at bilang balentimes mag enumerate ako ng top 10 reasons baket kelangan ng Jowa?!
1. Malungkot ang walang sex life (una talaga ha?)
2. Naniniwala ako na isa sa primary empotional need ng isang tao ay ang sense of belongingness and togetherness na hindi mo basta-basta matatagpuan sa mga kaibigan.
3. Mura ang may ka-share sa gastusin lalo na pag nasa boarding house ka. Imagine, kung ang room mo ay worth 2500 petot magiging 1250 nalang, may libre kapang kaharutan sa gabi. hihihihi
4. Oo masarap mag isa, "Me time" ika nga. Wala kang iniisip kundi sarili mo lang. Pero wag na tayong mag paka plastic. Mas masarap ang may ka holding hands, may nasasandalan na mainit na braso at katawan sa movie house, mas masarap may kahati sa popcorn. Mas masarap may kayakap kahit walang sex, mas masarap may katitigan tapos naka smile lang ng mga 5 minutes. Umamin ka! Gusto mo yan, ganyan.
5. Mas masarap makipag away sa jowa tapos kiss and make up afterwards. Dahil pag nakipag away ka sa kaibigan as in kaibigan lang ha, walang kiss and make up. Inuman lang siguro. ganyan.
6. Shit nauububsan na ko. LOL Uhhhhmmm ano pa ba, mas masarap ng may nag lalaba ng brip mo with love and affection. Sama mo narin 'yung may nag luluto sayo at nag aalaga pag may sakit. 'yung nag txt sayo parati. eh pag wala kang jowa ang laman lang ng inbox moh eh promo lang ng smart or globe maghapon. Kundi ka mag laslas ng pulso sabay patak ng kalamansi.
7. Masarap yung putanginang mamatay ka sa kilig dahil sa mga surprises na sobrang wala kang idea. Awwww! Balentimes na talaga....
8. Masarap yung may kausap kang matino at malalim that is kung intelehente jowa mo. Minsan, hindi lang alindog ang masarap sa jowa pati ang intelehenteng conversation sa Starbucks tapos alam na susunod... LOL
9. Uhhhm nauubusan na ko talaga, Ihatechit. Masaya mag simba na may kasamang jowa, tapos makikita mo syang mag pray ng tunay at wagas.
10. Masarap may jowa kasi may hihingan ka ng pera pag walang-wala ka na. Isang himas lang ang katapat. CHARAUGHTS!
Ikaw ano masasabi mo? Go!
Happy Balentimes Blogger friends! Love is kind. Love is patient... *HUGS Everyone*
No comments:
Post a Comment