Powered By Blogger

Saturday, May 5, 2012

isang pagbabalik tanaw..


kumusta naman ang blog ko? hahaha hindi ko na naasikaso mula nung balentayms dey. kaya medyo mahaba ang kwento ko ngayon. at dahil bakasyon, naalala ko ang kabataan ko at ang maga bahagi nito.

Minsan, ansarap magbalik sa past. Lalo na kung mga nakakatawa at nakakaaliw na mga bagay ang iyong maaalala.

For today, tayo ay magbalik-tanaw sa dekada nobenta at alalahanin ang mga ilang bagay.

Kinidnap ko si IDA ng shaider kaya....' Time Space Warp....... Ngayon din!'

Balikan muna natin ang mga makukutkot noong 90's. Eto yung mga panlaman tyan. :D


Naaalala nio ba ang pagpapanggap na pari at susubuan mo ang friendships mo ng ostya-ostyahang kulay red na kedi.? Sasabihin mo.... Katawan ni ____(insertname here)___..... sasagot sila ng... Macho.


Nananawa ka ba sa tindang ice cream nila manong sa kalsada? Eto ang alternatibong pamatay init sa hapon. Ikrambol. Ang kinaskas na yelo na hinaluan ng food color tapos bubudburan ng choco syrup at milk powder!


 Pwera pa sa choknat at chocobots, ang La-La na chocolate ay isa sa nakakaadik na chocolate noong 90's.


Nangolekta ka ba nitong parang dodo na may lamang gatas? Ginagamit mo ba yung mini straw o tinataktak mo lang lahat sa bibig mo?


Kahit ayaw na ayaw ng mga magulang na kumakain ka ng junk food, kebs lang. Heto at bibili ka ng pritos ring at gagawin mong singsing sa daliri at isa-isang kakainin. 


Hindi mo pa alam ang lactobacili-shirota-cheverlyn pero alam mo ang common term na yakult na binebenta ng mga aleng naka-uniporme at hila at stroller na naglalaman ng paborito mong drink.

Lipat naman tayo sa mga anik-anik ng kabataan. :D


Uso pa yung bala ng baril-barilan na kulay red na may pulbura. Hahati-hatiin mo at ilalagay sa laruan na nasa itaas at ihahagis pataas. Aantayin mo ang mga supot at medyo malakas na putok ng mga bomba-bombahan.

Elisi- Isang laruan na uso din noong 90's. Eto yung ikikiskis mo sya sa pagitan ng iyong dalawang palad at hahayaang lumipad ang mala-helikapter na laruan.


Ang kamag-anak ng mga ewoks. Etong laruan na ito ay pupular dahil laging pinapalatastas sa palabas sa channel 2 na puro laruan lang ang binibida. Syempre nangarap ang mga bata noon na magka-furby na nagsasalitang kuwago.
Ang mga batang lalaki at kahit na mga babae ay naglalaro ng baril-barilan gamit ang laruang nasa itaas. Noong uso pa ang mga action films e, uso din ang laruan na ito sa mga nag-iilusyon maging bida sa isang ma-aksyon na peliks.


Kahit na magkanda-beke at mamaga at lumaki ang pisngi ay keri lang basta nakakapagpalobo ka ng plastic balloon. Pede mo syang pagdikit-dikitin  at gumawa ng mga korteng bear o anik-anik. At kapag may butas, aba, instant surgeon ka at tatapalan ito gamit lang ng pagtikom ng bibig sa plastic balloon.


Ang maka-ubos hiningang laruan noong 90's. Ito yung kailangan mong hipan ang mala-yosing laruan at palulutangin mo sa ere yung bola. Make sure na hindi sobra ang pag-buga ng hininga or else, titilamsik ito.

Sa mga gamit noong 90's naman tayo.


Di pa uso ang mga external hard-drive. Di pa uso ang usb flash drive. Eto ang ninuno ng mga instant storage ng mga computer files. Sila ang mag-amang floppy disk o mas kilala na diskette. Depende sa laki ng file kung gaano kadaming diskette ang kakailanganin mo.


Hindi kumpleto ang gaming life ng batang 90's kung di sya nakahawak ng bonggang-bonggang Family Computer.  Ito ang pamatay oras sa mga batang naglalaro ng Mario, Circus, Galactian at 99 in 1 na bala.


Kapag nangangamoy araw ka na at inutusan ka ng maligo, may times na eto ang naging shampoo mo. Ang shampoo na may napakahabang pangalan. 


Noong panahon na uso ang brownout, eto ang pansagip buhay sa mga batang takot sa dilim. Ang re-chargable lights. Bidang-bida tuwing biglaan na lamang namamatay ang ilaw at ilang oras kang mangangapa sa dilim.


Sosyals ba noon sa bahay ninyo? Yung tipong may VHS player sa bahay? Well, kung oo ang sagot, alam mo na hindi laruan ang nasa imahe sa itaas. Iyan ang taga-rewind ng VHS.


Eto ang ninuno ng keyboard at printer. Ang makinilya o ang typewriter. Kung may nakita kang madiin pumindot sa keyboard, tyak, inabutan nia ang typewritter na kailangn madiin ang pag-tipa.

Huling topic ay ang mga peliks.


Noong kasikatan ang kanta ni Willie Garte na bawal na Gamot, aba, syemps, inilabas din ang pelikula na tila hango sa kanta.


Wala pa noong Aljur Abrenica pero merong Gardo at Osang. Ang peliks tungkol sa taglibog na girlay na umukit ng kabembang wood na nagiging tao.


kalansay-tabi-tabi-po-sa-bangkay..... Eto ang isa sa mga peliks na naging blockbuster sa sinehan. Bidang-bida sa mga bata ang adventures ng tatlong bagets.


papatalo ba ang pinoy sa mga banyagang may suot na makukulay at felix bakat na costumes? No, hindi. Kaya nga merong Super ranger Kids ang pinas.


A-daga-daga-daga-daga-daga-daga..... Ang peliks ni Joey De Leon na isa syang ano pa.... daga. Dito kakalabanin niya ang mga lumusob na mga roBURATS Roborats.

O sya, hanggang dito na langs muna. tama na muna ang balik tanaw. hahahahaah.

Pero bago yan, eto ang bonus oldies pic ng dalawang tv networks sa pinas. Di pa uso ang salitang kapuso at kapamilya. Ang meron ay Sarimanok at ang bahaghari.



grabe, effort talaga ang pagbablog. anghirap na maghanap ng mga imahe....

No comments:

Post a Comment