Sa Araw Na iyon. May darating na malakas na bagyo. Walang pasok sa paaralan at trabaho. Babaha. Lahat hindi makalabas dahil masiyadong malakas ang hangin at ulan. Hanggang sakong ng paa ang baha.
Commercial Holiday. Para makapag benta ng bulaklak ang mga bakla. Para mabili na ang mga tsokolateng malapit ng masira. At para mabahing at ma-allergy ang mga makakatanggap ng mabalahibong teddy bear. Para mapuno ng mga taong umaariba at nag hahanap ng sakit sa Sogo at Victoria court. Commercial Holiday para kumita ang mga minsan lang makabenta.
Kaso nga sa araw na iyon, uulan, malakas. Baka malugi lang sila.
Aanuhin ko?.Aanhin ko naman ang magandang panahon sa araw na iyon, wala naman akong gagawin. Wala naman akong sisindihang pulang kandila para maging masaya ang relasyon namin. Wala naman akong sisindihan puting kandila para tumagal ang purity ng pag mamahalan namin. Mag sisindi na lang ako ng katol para di ako lamukin sa kakahintay ng soulmate ko.
Baka kaming dalawa na naman ng laptop ko ang mag haharap sa araw na iyon. Baka ang laptop ko ang soulmate ko.
Mahina. Palpak sa mga banat kaya walang nasungkit. Ilang taon na ba akong nakikipag date sa sarili kong bayag? Isa, dalawa, o baka higit pa sa tatlo. Hindi kase epektib ang "Miss anong number mo? Nag loload kase ako" at " Miss alam mo hindi ako kontento sa iphone 4s ko, wala kase ang number mo."
Current Status
[ ] Single
[ ] In a relationship
[ ] It's complicated
[✔] Nag papataas ng level sa tetris battle
Baka lang. . .Pag bumalik siya sakin, baka lang sa commercial holiday, baka gumanda ang panahon, baka umaraw sa paningin ko. Baka lang wala naman talagang bagyo. Baka naman nasa isip ko lang.
Pero kung wala. Sa FEBUARY 14. Malakas ang Bagyo. (www.BecauseI'mbitter.com)
Sincerely yours,
No comments:
Post a Comment