Powered By Blogger

Monday, September 17, 2012

facestalk

Bilang isang retired stalker, nais kong ibahagi ang aking konting kaalaman pagdating sa pangangalap ng impormasyon ukol sa kung sino man ang inyong kinahuhumalingan sa Facebook. Ikaw ba ay isang frustrated lover na ligaw-tingin? Sya ba ang laman ng bawat pintig ng iyong reproductive organs, pero hindi nya dapat malaman? Ikaw ba ay isang ex na nagpapanggap na wala nang pakialam, pero mahal na mahal mo pa rin sya? If YES then this post is for you!

Nabanggit ko kanina na retired na ako dahil hindi ko na ito gawain, at dahil nga itinigil ko na eh handa na akong ipamana ang aking nalalaman sa susunod na salinlahi, at sana ay makatulong ito sa inyong maiitim na balak.



#1 Potah nakaprivate lahat ng pics nya, paano na to???

Let's say na yung crush mo sa school o sa office eh nakaprivate lahat ng pictures at wala ka man lang makita ni isa na pwede mong ipa-print for "personal use." Ang pinakamadaling solusyon dito ay nasa profile ng kanyang nanay.

Kung alam mo ang profile ng  nanay nya, dun ka tumingin. Mothers are typically proud of their children, kaya malamang meron silang 1,082 albums ng mga pictures ng mga anak nila. At may tendency rin ang parents na hindi na alamin ang privacy settings ng Facebook kaya naka-public ang lahat ng albums. Upload lang nang upload ganun.

Yung crush ko noon na ayaw magpost ng pics sa FB eh naisahan ko sa ganitong paraan. Kung anong private nya, sya namang buyangyang ng nanay nya. Ultimo pictures ng interior ng bahay nila eh nakapost sa Facebook. Ayaw paawat. So hindi lamang ako nakakalap ng pictures ng crush ko, alam ko na rin ang pasikot-sikot sa kanilang tahanan, mula sa front door hanggang sa kanyang kwarto LOL.

DISCLAIMER: For obvious reasons hindi ka lagi magtatagumpay sa paraang ito. Lalo na kung walang panahon ang nanay nya na magcamwhore sa FB. Kung ganun, try mo ang bunso nyang kapatid.

ON THE OTHER HAND: Sana ay magsilbi itong lesson sa mga babae (at oo pati mga lalaki) na sadyang camwhore sa FB. Hindi nyo alam kung ano ang ginagawa ng mga tao sa inyong mga pics. Pwedeng nakaka-"forty calls" sila araw-araw sa kakatitig sa pics nyo sa Boracay. At kahit anong privacy feature ang i-on mo kung nakadisplay naman ang pics mo sa profile ng ibang tao, then useless. Know your friends!

#2  Gusto ko syang makita "by accident". Saan kaya ang usual hangouts nya?

Ang kasagutan ay nasa maps. Eto eh hindi ko naman masyadong pinapansin pero helpful ito para malaman kung saan ang paborito nyang mall. Pwede rin mga status nya. Pag-aralan maigi kung anong oras at saan sya nagchecheck-in. Maaari mong paghandaan ang "accidental" na pagkakasalubong nyo which could lead to many things. "Uy nandito ka pala! Wanna grab some coffee?" ganyan.

Halimbawa naman, nakita mong status nya ay "Walking alone!" tapos ang location ay "Kamagong Street", na alam mong isang madilim na eskinita... Ano pa ang hinihintay mo? Grab the chance! Ihanda na ang choloroform at sako LOL HOY JOKE LANG.

DISCLAIMER: May mga nagchecheck-in sa mga kalokohang places like "Pacific Ocean" o kaya "Moon". Huwag agad maniwala.

ON THE OTHER HAND: Sana marealize rin ng mga taong mahilig mag-turn on ng location na pwede itong gamitin to do them harm. Maswerte ka kung stalker lang ang nagbabantay sa maps mo. Paano kung ang naka-abang sa bawat check in mo ay isang kriminal na nagbabalak kang gawan ng masama, rape included? Hindi lahat ng bagay ay dapat i-share online. Like puday.


#3 What if nag-away kami at kailangan kong magpanggap na wala na akong pakialam sa kanya pero araw-araw kong gustong makibalita sa kanyang whereabouts dahil sya pa rin ang itinitibok ng aking... puso? at dahil nga nag-away kami ay malamang i-unfriend nya na ako! shet!

Ang kasagutan: i-block mo sya! Agad-agad! Now na!

Ganito kasi yun. Kapag blinock mo ang isang Facebook friend, hindi ka makikita ng taong blinock mo. Bigla kang maglalaho, at hindi ka nya pwede i-restrict, i-unfriend o i-block rin. Basically you don't exist, so wala syang magagawa sa iyo. This means you have all the control. Dahil hindi ka nya mahanap, malamang malimutan nya na nandiyan ka lang sa tabi-tabi, nag-aabang... parang aswang lang.

Kaya dapat matapos na matapos ang away nyo, bago ang lahat, ang una mong gawin ay maglogin sa FB at i-block sya. Dapat ma-block mo sya bago ka pa nya ma-block.

Kapag gusto mo na uli titigan ang kanyang Facebook profile, in-unblock mo lang sya. Friends pa rin kayo, at kung ano ang nakikita mo sa profile nya bago mo sya i-block eh makikita mo pa rin. Ang una mong tignan ay ang relationship status at kung may nakalagay na "In a relationship with". Tapos check mo kung (mas)panget ang ipinalit nya sayo.

Kung gagawin mo ito, mangyaring i-unblock sya sa dis-oras ng gabi o kung kelan ang alam mong hindi sya nakalogin sa FB. Gamitin ang oras na ito para makakalap ng gusto mong impormasyon.

At dahil hindi naman nya alam na online ka, hindi ka nya marestrict, unfriend o block habang pinagpipiyestahan mo ang kanyang wall. At pag nakalap mo na lahat ng kailangan mo, i-block mo na sya uli. Pakatandaan lamang na hindi ka dapat nya makita online, dahil kapag nakatunog sya at ikaw naman ang blinock nya, then game over.

DISCLAIMER Hindi ko alam if this still works dahil napakatagal na nung huli ko itong nagawa.

OK UPDATE: Ngayon raw pag blinock mo ang isang tao, automatically hindi na kayo friends. Dati kasi, pag-inunblock mo sya, friends pa rin kayo. So I'm not sure if this still works. Testing ko. Mai-block nga si Khikhi

UPDATE ULI: Sa halip na i-block sya, ang maaari mong gawin ay i-deactivate ang iyong account. Hindi ka nya ma-unfriend at ma-block, at kapag handa ka nang i-stalk sya, ireactivate mo lamang ang iyong account at lapastanganin ang kanyang profile nang hindi nya nalalaman.

ON THE OTHER HAND: No amount of cyberstalking will equal a real interaction. Kausapin mo na sya. Yung masinsinan. At magbaon ng vetsin.

Yan lang naman ang maibabahagi ko at hindi ko sinisigurado na they all work 100% at hindi ko rin maipapangako na ang resulta eh ayon sa pangarap mo. But you can always try.

OK thanks goodbye.

DISCLAIMER ULI: Hindi po seryoso ang tae-taeng post na ito at hindi ko po pinopromote ang rape, violence and acts of lasciviousness. I only promote love, peace, harmony and necking...

WHAT ABOUT YOU? May nalalaman ka bang tips kung paano gamitin ang Facebook sa maling paraan upang mang-stalk? Tell us! Sharing na to.

Things to do pag inaantok sa trabaho

Umamin kayong lahat dumarating sa point ng office life natin na punong-puno tayo ng antok. As in parang may ibong haliparot na adarna ang humihele sa ulirat natin na nagiging dahilan para maantok tayo ng parang wala ng bukas. 'Yung tipong ang saket-saket na ng ulo mo kakapigil ng antok.

Dahil genious me. Meron akong mga naisip na tips.

Here it goes...

1. Talagang number one ito. Kalibugan! 'Yan lamang ang pupuksa sa sumpa ng isang balde mong antok. Pwede ba namang libog na libog you tapos sleepy you?!

 Pwes...

Ang suggestmentations me eh, mag tikol ka sa work station mo. Challenge dito ang slow movement, yung swabe lang 'yung tipong ang konti lang ng movements sapagkat pag nahuli you. Para ka naring na 9gag. Hindi po ito applicable sa akin dahil malinis at banayad ang puso mey.

2. Kelangan mong mag basa ng humor blogs tulad ng blog ni alvin para magising ka sa kaka tawa na labas tonsils at kita kanin sa bituka. Try mong mag basa ng emo fuck habang inaantok ka, wala pang tatlong segundo yung laway mo nasa shoes mo na at parang tora-tora na ang hilik you.

3. Kelangan mong mag isip ng happy tots, wag na yung kalibugan kasi applicable na yun sa point number one natin. Happy tots like yung mag papakilig sa betlogs mo. Happy tots nyo ng shota mo habang nag lalampungan kayo sa kagubatan at nalalaglag ang mga dahol ng bayabas ng dahan-dahan tapos may music tapos tumatawa sya ng, "hihihihi kashe naman ihhhhhhhhhhhh". I'm sure magigising ka.

4. Pag inaantok ka ibig sabihin wag ka na mag focus sa trabaho mo kasi lalo kang aantukin. I swear pag pinag patuloy mo ang trabaho mo pangit ang output kaya ang dapat na gawin mo ay kumuha ka ng coloring book at kulayan mo sya ng walang lampas. Charot!

5. Mag facebook at mag stalk ng pictures ng mga hidden desires mo sa friendslist mo. Buksan mo ang mga photos at isa-isang tignan ang mga latest pictures and post nya. Tapos mag comment ka, mag pa cute ka ganyan. Hindi ito applicable ulet sa akin kasi mahiyain mey.

6. Pag inaantok ka kumuha ka ng blade laslasin mo ang pulso mo at patakan mo tatlong kalamansi. Ewan ko lang kung di ka magising. Juk! Pumunta ka sa toilet at maghilamos ka ng kumukulong tubig na may tatlong patak ng asido. Juk ulet. Kelangan mong maghilamos ng malamig na tubig at tumalon-talon ng 20 times. Oo dapat 20 times talaga. Tsaka sa toilet mo gawin wag ka papahuli mapapagkamalan kang may aning-aning.

7. Mag baon ka ng USB na may lamang Porn. Hindi ito applicable sakin dahil hindi me na nonood ng porn. Nakuha ko lang itong Idea na tio kay Glentot kasi gawain nya to.

8. Pag sobrang antok ka na makipag chat ka sa kahit kanino tapos murahin mo. For example. Goodmorning Putangina mo! I'm sure mag rereply yun at magigising ka. Please note na dapat gagawin mo lang ito sa close friend mo. Wag sa stranger.

9. Related ito sa point number 8 but this time ang dapat mong gawin ang makipag landian ng parang walang bukas. Matutu ka sa gawain ng pusa tuwing madaling araw. More more landiiiiii ang gawin mo. Pwede mo itong gawin sa YM at pwede morin itong gawin sa Twitter.

10. Bumalik ka sa Point number 1. Yun ang pinaka effective sa lahat. LOLz


Ang lahat ng mga suggestions at hindi proven kaya wag masyadong dibdibin. Pwede rin itry wala namang masama ihhhh.


Hihihihihi.

Monday, August 6, 2012

"BIOMAN"

♫Kimi no kokoro ni shirushi wa aru ka?♪
♪Tatakau tame ni erabareta♫
♫Sorujaa Sorujaa Baioman♪

Kung nakanta nio ang lyrics sa itaas, aba-aba-aba mukang inabutan nio din angpalabas na featured for today! 

Congratumalations! Isa ka sa mga mapapalad na nilalang na umabot sa great period kung saan mababangis at malulupit at magaganda ang mga palabas sa telebisyon.


Bioman! Mas nauna ito kesa sa maskman pero maganda din dahil di ito tagalized at english speaking ang mga characters ng napanood ko to sa TV na may antenna na V-shaped.

Ganto ang wento, centuries ago (centuries talaga?) e dumating sa earth ang golden colored android named Peebo kasama ang Bio Robot. Tapos nagpakalat ng bio particles ang robot sa limang humans na pedeng ipamana from generations to generations.

 Peebo

Then one time, may chuvaness na tinatawag na New Empire na gustong sakupin ang earth. So kaya etong si Peebo ay ginoogle na kung sino ang mga merong bio particles para iligtas ang mundo.

 New Empire

Anhaba ng hair ng kalaban.
Doctorman

Dito na makikilala ang 5 colored heroes na may Bio powers at sila ang proprotekta sa world (naks, world).

Okay, pakikilala ko kayo sa aking mga friendship na Bioman. lols.


1. Red One


Pangalan: Shirou Gou
Edad: 24
Trabaho: Former Space Shuttle Pilot
Weapon (sagwa pag sandata) : Fire Sword, Spark Sword
Abilidad: Bio Radar
Paboritong Pokemon: Charmander


2. Green Two


Pangalan:Shingo Takasugi
Edad: 23
Trabaho: Former Race Car Driver
Weapon (sagwa pag sandata) : Hurricane Sword, Bio Boomerang
Abilidad: Bio Scope
Paboritong Gulay: Spinach


3. Blue Three


Pangalan:Ryuuta Nanbara
Edad:18
Trabaho: Former Marine Sports Enthusiast
Weapon (sagwa pag sandata) : Electric Sword
Abilidad: Bio Ear
Paboritong Website: Twitter.com


4. Yellow Four
4.1  

Pangalan:Mika Koizumi
Edad:18
Trabaho: Photographer
Weapon (sagwa pag sandata) : Thunder Sword
Abilidad: BioHolograph
Paboritong Camera: Nikon

4.2 

Pangalan:Jun Yabuki
Edad:19
Trabaho: Olympic Archer
Weapon (sagwa pag sandata) : Thunder Sword, Bio Arrow
Abilidad: BioHolograph
Paboritong Palabas: Be Careful with my Heart


5. Pink Five 


Pangalan:Hikaru Katsuragi
Edad:20
Trabaho: Former Carnival Flutist
Weapon (sagwa pag sandata) : Laser Sword
Abilidad: Bio Beam Light
Paboritong Underwear: So-en

Nagtaka ba kayo kung bakit may 4.1 at 4.2 ang yellow four? Nag-pbb teens kasi si yellow four at nakipagtanan. Joke lang. Namatay kasi si yellow four. Di kayo nakasama sa libing nia. Walang public viewing e.


So since kilala nio na ang mga Biomans, heto ang larawan ng sasakyans nila. Yung Bio Robot.






Hehehehe. Isa ang Bioman sa memorable Sentai series katulad ng maskman. 

Saturday, May 5, 2012

"kasamaan ni alvin"


kumusta naman ang once a month update ko bwahihi. Busy lang talaga ngayon. Yung pagkabusy eh nadagdagan pa ng napakaraming issues sa buhay kaya napabayaan ko na itong blog ko. Malampasan ko lang ang mga hamon at dagok sa aking pagkatao ay makakapagpost na uli ako tungkol sa mga sira-sirang buhay ng mga tao sa paligid.

Actually kaya ako napa-post ngayon kasi recently may nasira na naman akong buhay. Okay hindi siguro buong buhay kundi childhood.

It all started with me getting on the MRT pauwi na sana sa laguna. May diarrhea ako nung araw na yun eh dahil sa nainom kong mango juice na may sumpa. Habang nasa tren nararamdaman ko na ang pagtindi ng sama ng panahon (not the weather) kaya inisa-isa ko na ang options ko kung saan ako pwede shumit.

Ang mga CR sa MRT: not even an option. Hindi naman sa nangmamata ako, pero hindi ko talaga kaya magsagawa ng drop-it-like-it's-hot dun... Ayoko sa Farmers Cubao, baka makatsamba ako ng CR na walang flush. Wala namang option na mashishitan sa Santolan. Kung sa Ortigas, ang layo ng lalakarin ko papuntang Megamall. Baka makunan ako habang naglalakad.

So bumaba ako sa Shaw Boulevard sabay pasok sa Shangri-La para shumiznit. Matapos ang ilang minutong pawisang paghahanap ng customer lounge, narating ko rin ang toilet kung saan may tatlong cubicles at occupied yung dalawa, sa gitna lang ang vacant. Kahit konti na lang yung tissue dun sa gitnang cubicle, pinatulan ko na.

So sa saliw ng pagbulusok ng kanya-kanyang diarrhea sa magkabilaang cubicle eh naitawid ko ang sarili ko sa krisis. After a few minutes, narinig kong bumukas ang pinto ng toilet at malakas ang kutob ko na kung sino man ang pumasok eh gusto ring shumit. Eh wala pa ring bakante. I can just imagine yung emotional at psychological pati spiritual torture na dinadanas nung taong yun. Ayan na eh, nasa CR ka na, abot-kamay mo na... at crowning na...

Mukhang ako ang mauunang matapos... Nagmamadali rin ako kasi baka wala nang byahe papuntang sta.rosa. So mabilis akong nag-"freshen up".
Nang matapos na ako, ang konti na lang ang natira sa tissue, sing-haba na lang ng pad paper na lengthwise, nahulog na nga sa sahig eh. And that's when the idea hit me...

Sa halip na itapon yung tissue, ni-roll ko sya uli dun sa core. Tapos nilawit ko yung dulo ng tissue, sabay binalik yung takip ng tissue holder. Inayos ko sya to the point na aakalain mong marami pang tissue...

Paglabas ko sa cubicle, may batang naghihintay. Mga Grade 5 siguro yun. Kitang-kita na tense na tense na sya, matindi rin ang pinagdadaanan nya, kaya pumasok agad sya sa cubicle na pinanggalingan ko, sabay sara ng pinto, sabay pakawala ng matinding shiznit. Saka naman bumukas ang dalawang cubicle sa gilid at nagsilabasan na ang mga ka-batch ko kanina.

Naghahasik pa rin ng lagim yung bata sa cubicle, dinig na dinig ko. As in kumbaga sa ulat panahon, may kaakibat na malalakas na hangin at manaka-nakang pagbuhos ng ulan ang narinig ko. Tropical thunderstorm. Tingin ko ganito ang tunog ng end of the world.

Naghuhugas ako ng kamay sa sink nang biglang naging tahimik... napatingin ako sa gitnang cubicle...

Maya-maya pa ay may kamay na dahan-dahang kumakapa sa sahig... gumagapang sa dingding... pilit na inaabot ang nakasabit na tissue paper sa kabilang cubicle... Eh hindi nya maabot...

Nasa hand dryer na ako nang dahan-dahang bumukas ang pinto ng gitnang cubicle, at lumabas ang bata... mabilis! Lumipat sa kabilang cubicle. Sobrang bilis, walang lingon-lingon! Hindi na sya nagkaroon ng panahon na hanapin ang nanggago sa kanya.

Kasi nakababa ang salawal nya.

Thanks for reading!

isang pagbabalik tanaw..


kumusta naman ang blog ko? hahaha hindi ko na naasikaso mula nung balentayms dey. kaya medyo mahaba ang kwento ko ngayon. at dahil bakasyon, naalala ko ang kabataan ko at ang maga bahagi nito.

Minsan, ansarap magbalik sa past. Lalo na kung mga nakakatawa at nakakaaliw na mga bagay ang iyong maaalala.

For today, tayo ay magbalik-tanaw sa dekada nobenta at alalahanin ang mga ilang bagay.

Kinidnap ko si IDA ng shaider kaya....' Time Space Warp....... Ngayon din!'

Balikan muna natin ang mga makukutkot noong 90's. Eto yung mga panlaman tyan. :D


Naaalala nio ba ang pagpapanggap na pari at susubuan mo ang friendships mo ng ostya-ostyahang kulay red na kedi.? Sasabihin mo.... Katawan ni ____(insertname here)___..... sasagot sila ng... Macho.


Nananawa ka ba sa tindang ice cream nila manong sa kalsada? Eto ang alternatibong pamatay init sa hapon. Ikrambol. Ang kinaskas na yelo na hinaluan ng food color tapos bubudburan ng choco syrup at milk powder!


 Pwera pa sa choknat at chocobots, ang La-La na chocolate ay isa sa nakakaadik na chocolate noong 90's.


Nangolekta ka ba nitong parang dodo na may lamang gatas? Ginagamit mo ba yung mini straw o tinataktak mo lang lahat sa bibig mo?


Kahit ayaw na ayaw ng mga magulang na kumakain ka ng junk food, kebs lang. Heto at bibili ka ng pritos ring at gagawin mong singsing sa daliri at isa-isang kakainin. 


Hindi mo pa alam ang lactobacili-shirota-cheverlyn pero alam mo ang common term na yakult na binebenta ng mga aleng naka-uniporme at hila at stroller na naglalaman ng paborito mong drink.

Lipat naman tayo sa mga anik-anik ng kabataan. :D


Uso pa yung bala ng baril-barilan na kulay red na may pulbura. Hahati-hatiin mo at ilalagay sa laruan na nasa itaas at ihahagis pataas. Aantayin mo ang mga supot at medyo malakas na putok ng mga bomba-bombahan.

Elisi- Isang laruan na uso din noong 90's. Eto yung ikikiskis mo sya sa pagitan ng iyong dalawang palad at hahayaang lumipad ang mala-helikapter na laruan.


Ang kamag-anak ng mga ewoks. Etong laruan na ito ay pupular dahil laging pinapalatastas sa palabas sa channel 2 na puro laruan lang ang binibida. Syempre nangarap ang mga bata noon na magka-furby na nagsasalitang kuwago.
Ang mga batang lalaki at kahit na mga babae ay naglalaro ng baril-barilan gamit ang laruang nasa itaas. Noong uso pa ang mga action films e, uso din ang laruan na ito sa mga nag-iilusyon maging bida sa isang ma-aksyon na peliks.


Kahit na magkanda-beke at mamaga at lumaki ang pisngi ay keri lang basta nakakapagpalobo ka ng plastic balloon. Pede mo syang pagdikit-dikitin  at gumawa ng mga korteng bear o anik-anik. At kapag may butas, aba, instant surgeon ka at tatapalan ito gamit lang ng pagtikom ng bibig sa plastic balloon.


Ang maka-ubos hiningang laruan noong 90's. Ito yung kailangan mong hipan ang mala-yosing laruan at palulutangin mo sa ere yung bola. Make sure na hindi sobra ang pag-buga ng hininga or else, titilamsik ito.

Sa mga gamit noong 90's naman tayo.


Di pa uso ang mga external hard-drive. Di pa uso ang usb flash drive. Eto ang ninuno ng mga instant storage ng mga computer files. Sila ang mag-amang floppy disk o mas kilala na diskette. Depende sa laki ng file kung gaano kadaming diskette ang kakailanganin mo.


Hindi kumpleto ang gaming life ng batang 90's kung di sya nakahawak ng bonggang-bonggang Family Computer.  Ito ang pamatay oras sa mga batang naglalaro ng Mario, Circus, Galactian at 99 in 1 na bala.


Kapag nangangamoy araw ka na at inutusan ka ng maligo, may times na eto ang naging shampoo mo. Ang shampoo na may napakahabang pangalan. 


Noong panahon na uso ang brownout, eto ang pansagip buhay sa mga batang takot sa dilim. Ang re-chargable lights. Bidang-bida tuwing biglaan na lamang namamatay ang ilaw at ilang oras kang mangangapa sa dilim.


Sosyals ba noon sa bahay ninyo? Yung tipong may VHS player sa bahay? Well, kung oo ang sagot, alam mo na hindi laruan ang nasa imahe sa itaas. Iyan ang taga-rewind ng VHS.


Eto ang ninuno ng keyboard at printer. Ang makinilya o ang typewriter. Kung may nakita kang madiin pumindot sa keyboard, tyak, inabutan nia ang typewritter na kailangn madiin ang pag-tipa.

Huling topic ay ang mga peliks.


Noong kasikatan ang kanta ni Willie Garte na bawal na Gamot, aba, syemps, inilabas din ang pelikula na tila hango sa kanta.


Wala pa noong Aljur Abrenica pero merong Gardo at Osang. Ang peliks tungkol sa taglibog na girlay na umukit ng kabembang wood na nagiging tao.


kalansay-tabi-tabi-po-sa-bangkay..... Eto ang isa sa mga peliks na naging blockbuster sa sinehan. Bidang-bida sa mga bata ang adventures ng tatlong bagets.


papatalo ba ang pinoy sa mga banyagang may suot na makukulay at felix bakat na costumes? No, hindi. Kaya nga merong Super ranger Kids ang pinas.


A-daga-daga-daga-daga-daga-daga..... Ang peliks ni Joey De Leon na isa syang ano pa.... daga. Dito kakalabanin niya ang mga lumusob na mga roBURATS Roborats.

O sya, hanggang dito na langs muna. tama na muna ang balik tanaw. hahahahaah.

Pero bago yan, eto ang bonus oldies pic ng dalawang tv networks sa pinas. Di pa uso ang salitang kapuso at kapamilya. Ang meron ay Sarimanok at ang bahaghari.



grabe, effort talaga ang pagbablog. anghirap na maghanap ng mga imahe....

Sunday, February 12, 2012

"ang english teacher ko"

1st time ko nakilala ang english teacher ko, sya si mrs.leonor imperio romualdo.
nung una natatakot ako sakanya... kasi bihira ko lang siyang nakikitang ngumingiti sa klase.
at kung talagang loko-loko ka kaya ka nyang ipahiya. basta istrikto sya, ayaw nya ng hindi naka uniform
tsaka may hikaw ang mga lalake. sabi pa nga nya, "mag-suot ka lang ng maong kung levi's na original yan
pero kung hinde, lumabas ka sa klase ko" ganun sya..  nung una kala ko masungit sya, takot mga ako sakanya
noon, pero nung 4th year na ako english teacher ko ulit sya, medyo takot parin ako sakanya, naalala ko
pa nung pinagbasa nya ako nabanggit ko yung salitang "country" ang sabi ko ay ''kawntri'' ganun ang
pagkakabigkas ko. mali pala yun kaya sumagot agad sya ng " no!.... its kantri..'' nataranta ako nun kaya ginaya ko nalang yung sinabi nya. after ko magbasa, narealize ko na tama lang na minsan magalit sya, kase matitigas nga manan ang mga ulo namin, minsan nga hindi sya pumasok sa section namin ng isang linggo, di ko na maalala kung bakitsya nagtampo samin. naisip ko na anghirap pala ng ginagawa nila, hindi lang sa pag lakad papunta sa mga class room sila napapagod, at  pati na din saming mga estudyante nya. si mrs.romualdo na yata ang pinaka marami akong natutunan, sa pananamit ng disente, sa pag-uugali, at sa tamang pag pronounce ng mga english word. kung di ko siguro sya naging teacher baka para parin akong si pacman
or si erap pag nag english.

pinapakilala ko sa inyo ang teacher ko, sya po si mrs.leonor imperio romualdo.

Saturday, February 11, 2012

"proteksyon, bago umaksyon"

happy valentines mga friendship.....
tutal eh ilang araw nalang ay araw na ng mga (pukepuso,
eh meron lang akong gustong ishere sa inyo. baka
pakinabangan nyo din naman. wala lang ito,..
picture lang. eto oh....


oh sya,.... hanggang dito nalang muna. hapi balentayms.......