Powered By Blogger

Monday, September 17, 2012

facestalk

Bilang isang retired stalker, nais kong ibahagi ang aking konting kaalaman pagdating sa pangangalap ng impormasyon ukol sa kung sino man ang inyong kinahuhumalingan sa Facebook. Ikaw ba ay isang frustrated lover na ligaw-tingin? Sya ba ang laman ng bawat pintig ng iyong reproductive organs, pero hindi nya dapat malaman? Ikaw ba ay isang ex na nagpapanggap na wala nang pakialam, pero mahal na mahal mo pa rin sya? If YES then this post is for you!

Nabanggit ko kanina na retired na ako dahil hindi ko na ito gawain, at dahil nga itinigil ko na eh handa na akong ipamana ang aking nalalaman sa susunod na salinlahi, at sana ay makatulong ito sa inyong maiitim na balak.



#1 Potah nakaprivate lahat ng pics nya, paano na to???

Let's say na yung crush mo sa school o sa office eh nakaprivate lahat ng pictures at wala ka man lang makita ni isa na pwede mong ipa-print for "personal use." Ang pinakamadaling solusyon dito ay nasa profile ng kanyang nanay.

Kung alam mo ang profile ng  nanay nya, dun ka tumingin. Mothers are typically proud of their children, kaya malamang meron silang 1,082 albums ng mga pictures ng mga anak nila. At may tendency rin ang parents na hindi na alamin ang privacy settings ng Facebook kaya naka-public ang lahat ng albums. Upload lang nang upload ganun.

Yung crush ko noon na ayaw magpost ng pics sa FB eh naisahan ko sa ganitong paraan. Kung anong private nya, sya namang buyangyang ng nanay nya. Ultimo pictures ng interior ng bahay nila eh nakapost sa Facebook. Ayaw paawat. So hindi lamang ako nakakalap ng pictures ng crush ko, alam ko na rin ang pasikot-sikot sa kanilang tahanan, mula sa front door hanggang sa kanyang kwarto LOL.

DISCLAIMER: For obvious reasons hindi ka lagi magtatagumpay sa paraang ito. Lalo na kung walang panahon ang nanay nya na magcamwhore sa FB. Kung ganun, try mo ang bunso nyang kapatid.

ON THE OTHER HAND: Sana ay magsilbi itong lesson sa mga babae (at oo pati mga lalaki) na sadyang camwhore sa FB. Hindi nyo alam kung ano ang ginagawa ng mga tao sa inyong mga pics. Pwedeng nakaka-"forty calls" sila araw-araw sa kakatitig sa pics nyo sa Boracay. At kahit anong privacy feature ang i-on mo kung nakadisplay naman ang pics mo sa profile ng ibang tao, then useless. Know your friends!

#2  Gusto ko syang makita "by accident". Saan kaya ang usual hangouts nya?

Ang kasagutan ay nasa maps. Eto eh hindi ko naman masyadong pinapansin pero helpful ito para malaman kung saan ang paborito nyang mall. Pwede rin mga status nya. Pag-aralan maigi kung anong oras at saan sya nagchecheck-in. Maaari mong paghandaan ang "accidental" na pagkakasalubong nyo which could lead to many things. "Uy nandito ka pala! Wanna grab some coffee?" ganyan.

Halimbawa naman, nakita mong status nya ay "Walking alone!" tapos ang location ay "Kamagong Street", na alam mong isang madilim na eskinita... Ano pa ang hinihintay mo? Grab the chance! Ihanda na ang choloroform at sako LOL HOY JOKE LANG.

DISCLAIMER: May mga nagchecheck-in sa mga kalokohang places like "Pacific Ocean" o kaya "Moon". Huwag agad maniwala.

ON THE OTHER HAND: Sana marealize rin ng mga taong mahilig mag-turn on ng location na pwede itong gamitin to do them harm. Maswerte ka kung stalker lang ang nagbabantay sa maps mo. Paano kung ang naka-abang sa bawat check in mo ay isang kriminal na nagbabalak kang gawan ng masama, rape included? Hindi lahat ng bagay ay dapat i-share online. Like puday.


#3 What if nag-away kami at kailangan kong magpanggap na wala na akong pakialam sa kanya pero araw-araw kong gustong makibalita sa kanyang whereabouts dahil sya pa rin ang itinitibok ng aking... puso? at dahil nga nag-away kami ay malamang i-unfriend nya na ako! shet!

Ang kasagutan: i-block mo sya! Agad-agad! Now na!

Ganito kasi yun. Kapag blinock mo ang isang Facebook friend, hindi ka makikita ng taong blinock mo. Bigla kang maglalaho, at hindi ka nya pwede i-restrict, i-unfriend o i-block rin. Basically you don't exist, so wala syang magagawa sa iyo. This means you have all the control. Dahil hindi ka nya mahanap, malamang malimutan nya na nandiyan ka lang sa tabi-tabi, nag-aabang... parang aswang lang.

Kaya dapat matapos na matapos ang away nyo, bago ang lahat, ang una mong gawin ay maglogin sa FB at i-block sya. Dapat ma-block mo sya bago ka pa nya ma-block.

Kapag gusto mo na uli titigan ang kanyang Facebook profile, in-unblock mo lang sya. Friends pa rin kayo, at kung ano ang nakikita mo sa profile nya bago mo sya i-block eh makikita mo pa rin. Ang una mong tignan ay ang relationship status at kung may nakalagay na "In a relationship with". Tapos check mo kung (mas)panget ang ipinalit nya sayo.

Kung gagawin mo ito, mangyaring i-unblock sya sa dis-oras ng gabi o kung kelan ang alam mong hindi sya nakalogin sa FB. Gamitin ang oras na ito para makakalap ng gusto mong impormasyon.

At dahil hindi naman nya alam na online ka, hindi ka nya marestrict, unfriend o block habang pinagpipiyestahan mo ang kanyang wall. At pag nakalap mo na lahat ng kailangan mo, i-block mo na sya uli. Pakatandaan lamang na hindi ka dapat nya makita online, dahil kapag nakatunog sya at ikaw naman ang blinock nya, then game over.

DISCLAIMER Hindi ko alam if this still works dahil napakatagal na nung huli ko itong nagawa.

OK UPDATE: Ngayon raw pag blinock mo ang isang tao, automatically hindi na kayo friends. Dati kasi, pag-inunblock mo sya, friends pa rin kayo. So I'm not sure if this still works. Testing ko. Mai-block nga si Khikhi

UPDATE ULI: Sa halip na i-block sya, ang maaari mong gawin ay i-deactivate ang iyong account. Hindi ka nya ma-unfriend at ma-block, at kapag handa ka nang i-stalk sya, ireactivate mo lamang ang iyong account at lapastanganin ang kanyang profile nang hindi nya nalalaman.

ON THE OTHER HAND: No amount of cyberstalking will equal a real interaction. Kausapin mo na sya. Yung masinsinan. At magbaon ng vetsin.

Yan lang naman ang maibabahagi ko at hindi ko sinisigurado na they all work 100% at hindi ko rin maipapangako na ang resulta eh ayon sa pangarap mo. But you can always try.

OK thanks goodbye.

DISCLAIMER ULI: Hindi po seryoso ang tae-taeng post na ito at hindi ko po pinopromote ang rape, violence and acts of lasciviousness. I only promote love, peace, harmony and necking...

WHAT ABOUT YOU? May nalalaman ka bang tips kung paano gamitin ang Facebook sa maling paraan upang mang-stalk? Tell us! Sharing na to.

No comments:

Post a Comment