Powered By Blogger

Saturday, May 5, 2012

"kasamaan ni alvin"


kumusta naman ang once a month update ko bwahihi. Busy lang talaga ngayon. Yung pagkabusy eh nadagdagan pa ng napakaraming issues sa buhay kaya napabayaan ko na itong blog ko. Malampasan ko lang ang mga hamon at dagok sa aking pagkatao ay makakapagpost na uli ako tungkol sa mga sira-sirang buhay ng mga tao sa paligid.

Actually kaya ako napa-post ngayon kasi recently may nasira na naman akong buhay. Okay hindi siguro buong buhay kundi childhood.

It all started with me getting on the MRT pauwi na sana sa laguna. May diarrhea ako nung araw na yun eh dahil sa nainom kong mango juice na may sumpa. Habang nasa tren nararamdaman ko na ang pagtindi ng sama ng panahon (not the weather) kaya inisa-isa ko na ang options ko kung saan ako pwede shumit.

Ang mga CR sa MRT: not even an option. Hindi naman sa nangmamata ako, pero hindi ko talaga kaya magsagawa ng drop-it-like-it's-hot dun... Ayoko sa Farmers Cubao, baka makatsamba ako ng CR na walang flush. Wala namang option na mashishitan sa Santolan. Kung sa Ortigas, ang layo ng lalakarin ko papuntang Megamall. Baka makunan ako habang naglalakad.

So bumaba ako sa Shaw Boulevard sabay pasok sa Shangri-La para shumiznit. Matapos ang ilang minutong pawisang paghahanap ng customer lounge, narating ko rin ang toilet kung saan may tatlong cubicles at occupied yung dalawa, sa gitna lang ang vacant. Kahit konti na lang yung tissue dun sa gitnang cubicle, pinatulan ko na.

So sa saliw ng pagbulusok ng kanya-kanyang diarrhea sa magkabilaang cubicle eh naitawid ko ang sarili ko sa krisis. After a few minutes, narinig kong bumukas ang pinto ng toilet at malakas ang kutob ko na kung sino man ang pumasok eh gusto ring shumit. Eh wala pa ring bakante. I can just imagine yung emotional at psychological pati spiritual torture na dinadanas nung taong yun. Ayan na eh, nasa CR ka na, abot-kamay mo na... at crowning na...

Mukhang ako ang mauunang matapos... Nagmamadali rin ako kasi baka wala nang byahe papuntang sta.rosa. So mabilis akong nag-"freshen up".
Nang matapos na ako, ang konti na lang ang natira sa tissue, sing-haba na lang ng pad paper na lengthwise, nahulog na nga sa sahig eh. And that's when the idea hit me...

Sa halip na itapon yung tissue, ni-roll ko sya uli dun sa core. Tapos nilawit ko yung dulo ng tissue, sabay binalik yung takip ng tissue holder. Inayos ko sya to the point na aakalain mong marami pang tissue...

Paglabas ko sa cubicle, may batang naghihintay. Mga Grade 5 siguro yun. Kitang-kita na tense na tense na sya, matindi rin ang pinagdadaanan nya, kaya pumasok agad sya sa cubicle na pinanggalingan ko, sabay sara ng pinto, sabay pakawala ng matinding shiznit. Saka naman bumukas ang dalawang cubicle sa gilid at nagsilabasan na ang mga ka-batch ko kanina.

Naghahasik pa rin ng lagim yung bata sa cubicle, dinig na dinig ko. As in kumbaga sa ulat panahon, may kaakibat na malalakas na hangin at manaka-nakang pagbuhos ng ulan ang narinig ko. Tropical thunderstorm. Tingin ko ganito ang tunog ng end of the world.

Naghuhugas ako ng kamay sa sink nang biglang naging tahimik... napatingin ako sa gitnang cubicle...

Maya-maya pa ay may kamay na dahan-dahang kumakapa sa sahig... gumagapang sa dingding... pilit na inaabot ang nakasabit na tissue paper sa kabilang cubicle... Eh hindi nya maabot...

Nasa hand dryer na ako nang dahan-dahang bumukas ang pinto ng gitnang cubicle, at lumabas ang bata... mabilis! Lumipat sa kabilang cubicle. Sobrang bilis, walang lingon-lingon! Hindi na sya nagkaroon ng panahon na hanapin ang nanggago sa kanya.

Kasi nakababa ang salawal nya.

Thanks for reading!

No comments:

Post a Comment