Powered By Blogger

Friday, December 23, 2011

hindi ako perpekto

nothing has been easier to find than my very own imperfections.

Hindi naman kasi ako gwapo na tipong boy next door. I don't even have that six-pack abs or a hunky body to die for. I don't have that kissable lips or an almond eye na pwedeng kakiligan. My teeth are not perfect para pumasa man lang kahit sa isang toothpaste commercial. My skin is not that soft at mas lalong hindi pwedeng mapagkamalang kutis-mayaman. Even my height, ay hindi rin papasa para maging modelo o pang-basketball player. 

And yet, I accept them. Because they are the perfect little pieces that make me whole.






I love myself, and i love every part of it.

Thursday, December 22, 2011

justin bieber photo pose


"The magde-devil's horn ako dahil gusto kong magmukang rocker pose."
(Sa totoo lang, kung hindi ka rock star, muka ka lang pacool pag nagde-devil's horn ka.
Tingin mo nakakatuwa ka pag ginagawa mo yan?)


 "The wala akong maisip na iba pero dahil gusto kong maghand-sign sa picture
magpi-peace sign ako pose."
(Kung hindi mo naman talaga pinagkakalat ang mensahe ng kapayapaan, tigilan mo na yan. 
Halata namang nanggagaya ka lang. Seryoso, mga taong gumaganyan lang din ang hindi mag-iisip na muka kang tanga.)


"The ang galing ko dahil nakagawa ako ng heart shape gamit lang ang kamay ko pose."
(Kung babae ka, mejo ok lang. Pero kung lalake ka, wag ka na. May mga taong ginagawa 'to para magtrip, pero kung ginagawa mo 'to dahil tingin mo maganda, gago ka.)


 "The that's my boy pose."
(Acceptable lang para sa mga batang 12 years old and below. Retarded ka kung ginagawa mo 'to kahit 13 years old or above ka na.)

Thursday, December 15, 2011

Programmed Audio Reaction


Ok na diskarte sana 'to para makalakad ka ng mas mabilis sa mataong lugar. Kaso sa Japan at China lang gagana yan dahil programmed na ang reaksyon nila na tumabi at magbigay daan pag nakarinig ng bicycle bell. Kung sa Pilipinas mo gagawin 'to, lalapitan ka lang ng mga naghahanap ng ice cream.

Tuesday, December 13, 2011

"manirina"

                                      manilyn reynes                                    rina s.r vergara


        60's pa kasi nung nag artista si manilyn reynes,
        di ko pa inabutan yun,.. pero ngayon alam ko na
        kung anung itsura ni manilyn nung kabataan nya.

Wednesday, November 23, 2011

alvin's simple wish for christmas...

Dahil malapit na ang pasko 'tas bored pa 'ko today like subrang antok! Antok-na-Antok pala. Ektweli, natutulog nga ko habang sinusulat ko 'to kaya just for fun naisipan kong mag sulat ng mga kahilingan ko ngayong kapaskuhang darating.

So ito ang mga list. 'Yung mga list ko hindi naman superficial, medyo malapit naman sya sa katotohanang pwedeng matupad. Kung hindi eh, sasampalin ko si Santa Klaws ng palayok hanggang dumugo bibig nya.

Game. Gow!

1. World Peace. I TEYNK YOOOOW! hihihihi

2. Boxers. Wag naman 'yung nabibilisa palengke. Medyo susyalan naman sana ng Konti like D&G, CK. Charut lang. Kahit Bench lang pwede na.

3. Alikansya. Gusto ko ng malaking Alikansya. 'Yung hindi madaling sungkitin ang berrrya. Gusto ko malaki sing laki me. Juk! Sana wag naman 'yung Urinola na Alikansya powz ha.

4. Live Strong Bauler. Matagal na kong nag hahanap ng Bauler na Live Strong ng Nike. Gusto ko yung kulay Owenge okaya kulay Gween. Ayoko ng glow in the dark powz ha.

5. Box. Uu gusto ko ng box na lalagyan ng kung anik-anik, gusto ko yung may dibi-dibishun pwede lagyan ng relo. Resibo.Alcohol. Pantutuli. Pulvoron.Gamot. Inshort lalagyan ng kung ano-anong shit.

6. Gusto ko ng CorkBoard sa Wall. Yung lalagyan ng mga emo shit pictures, announcements, reminders. samahan mo narin ng pins. Pwede rin whiteboard samahan mo narin ng magnets. Lalagyan ng mga pictures emo fuck. Para titingin nalang ako dun pag nalolongkot me. Hirap mag browse ng album sa phone ihhhh.

7. Mejas. Gusto ko ng makukulay na mejas. Mga sampu. Wag knee saks ha. Yung mababa lang. PWede mejas pamasok, pantakbo, tsaka panlaro. Pwede rin pahiran ng ano... Ng sipon wag ka bastos sampalin kita ng tumbler na may bato eh.

8. Gusto ko ng sabitan ng tukbras sa banyo. Minsan kasi pag nag tutukbras na ko ang dumi ng tukbras ko may tae ng daga. Yuck! Gusto ko 'yung sabitan ng tukbras na may design-design ganyan. Gusto me smurfs or kahit anong animals wag lang monkey. May galit sa monkey?!

9. Gusto ko lalagyan ng MacBook na may fan at naka incline sya para masarap manood ng walking dead habang kumakain ng mane tsaka cornbits tsaka sinigang at kanen. ANg dame?! Dining table?!

10. Gusto ko nang mag aalaga sakin, pag sisilbihan, mamahalin ng tunay at wagas at hindi sasaktan. ANG EMOOOOOOOOOOOO?!! Katulong ang gusto??????!!!!

JUK Unli... I wasted your time again. Ha!

Kthanksbye...

Monday, November 14, 2011

erotica

Paalis na ako nang bigla syang kumatok... tok tok tok. Hindi ko namalayan pero bigla na lang nasa likod ko na ang estranghero. Pipigilan ko sana sya sa binabalak nya pero mabilis ang kanyang mga kamay. Bigla syang nagsalita... "sige, sige pa."... Nilingon ko sya sa likuran ko at nakita kong patuloy parin sya. Nagsalita ulit ang estranghero... "sige!". Ayaw ko ang ginagawa nya pero wala akong magawa. Paulit-ulit at sunod-sunod na ang mga sigaw nya... "sige! sige! sige!". Nang matapos ang lahat, napilitan akong bayaran ang kanyang serbisyo. Hayup na parking boy yan, nakunan pako ng limang piso.

Tuesday, November 1, 2011

pag namatay na ako

Una. Gusto ko nakalagay ako sa itim na kabaong para eleganteng tignan. Ayaw ko ng puti o ng ibang kulay. 


Ikalawa. Gusto ko nakasuot ako ng americana formal suit. Kapag barong kasi, masyado ng ordinaryo. Parang aabay lang sa kasal. 


Ikatlo. Dapat may hawak akong black na rosary. Pwede rin kahit anong kulay, basta required na may rosary. Para pag umakyat ako sa heaven, hindi ako pagdudahan ni Papa Jesas. 


Ika-apat. Puting bulaklak lang ang pwedeng gamitin. Wag yung masyadong mabango dahil baka matusing ako.


Ikalima. Gusto kong iburol sa isang private chapel. Bawal ang mga natives or jejemons. Ayaw ko kasi na maraming tao kahit patay na ko. 


Ika-anim. Kailangan na may tutugtog ng piano. Special request si Maestro Leomer na tutugtog ng "What Matters Most". 


Ikapito. Starbucks coffee and ham & cheese croissant ang ipapakain sa mga bisita at nakikiramay. Haha! Sushal right?! Pero pag walang budget yung maiiwan kong pamilya, okay, back to 3-in-1 coffee, Zest-O and de-latang biscuits. 


Ikawalo. Sa araw ng libing, ayaw ko ng karo ang maghahatid saken sa huling hantungan. Dapat ay isang karwahe na hila-hila ng dalawang itim na kabayo. Kapag walang available na kabayo, motor na lang. LOL! 


Ikasiyam. Nakaitim na damit din dapat ang makikipaglibing sa akin (pamilya, kamag-anak, mga kaibigan pati na rin ang aking mga imaginary fans!). Kapag walang itim na damit, maghubo't hubad na lang. 


Ikasampu. Dapat ililibing ako sa maganda at bagong sementeryo. Ayaw ko ng masyadong crowded na tipong pag araw ng mga patay, ay tatapak-tapakan na lang ang nitso ko ng mga dumadalaw sa sementeryo. 


Ikalabing-isa. Magpapalipad kayo ng mga puti at itim na lobo kasabay ng mga panalangin nyo para sa kaluluwa ko.


At panghuling request, gusto kong lahat ng miyembro ng iBloggers ay umattend sa libing at kailangang suot nila ang t-shirt na dinesenyuhan ko... 



Oh ano, handa na ba kayo? 

galit si leonaidas

Sunday, October 30, 2011

pilosopo kasi ako

(Nakakita siya ng maganda, di nakapagpigil)
alvin: Hi, ano pangalan mo?
chikas: Ako po?
alvin: Hindi,... sila, may nakikita ka pa bang tao? Malamang ikaw, ang tanga.

(Sa gasoline station, pagbaba nya ng window)
Gas boy: Magpapagas po?

alvin: Hindi magpapaconfine ako. Malamang magpapagas, gasolinahan ‘to 'di ba? Alangan magpaconfine ako dito, tapos dextrose ko 'yung unleaded gasoline niyo, at ayun na yung ikakamatay ko.

(Sumakay siya ng jeep na walang laman papuntang palengke)
alvin: Manong bayad po.
Manong1: Ilan ‘to?
alvin: Ay manong dalawa yan, nakakahiya kasi sayo, kahit ako lang mag-isa sakay mo, dalawa na ibabayad ko, libre na kita kahit sayo 'tong jeep.

(Bababa na sya)
alvin: Manong, para.
Manong1: Bababa ka na?
alvin: Ay hindi manong, sasakay ako. Sasakay ako ulit, dun naman ako sa bubong, mas presko kasi dun.

(2nd attempt)
alvin: Para ho.
Manong1: Dyan ba sa tabi?
alvin: Ay hindi manong. Dun ako sa gitna, sa gitna para masagasaan ako.

(Binaba siya sa gitna)
 si alvin  mabundol ng isa pang jeep…

Manong2: Nasaktan ka ba?
alvin: (naasar) Ay hindi, nag-enjoy ako. Ulitin natin, bunguin mo pa. Isa pa! Dali! Ang sarap kasi! Nakabundol ka tapos itatanong mo kung masakit? Ikaw kaya bundulin ko? Tapos i-share mo skin feelings mo, kaya na-enjoy mo, sige magbungguan tayo. Laruin natin, ipauso natin, bunggu-bungguan.

 

just beats

         jovit baldivino = JOBEATS

Wednesday, October 26, 2011

fatness

Kaninang umaga pag sampa ko sa timbangan parang gusto kong gibain ang bahay namin. Gusto kong basagin ang pinggan, baso, tasa, platito, aparador, at toilet bowl. Gusto kong suntukin ang walang kamuwang-muwang naming kapitbahay na kamuka ni Moi dahil imbes na mabawasan ang timbang ko na-dagdagan pa ito ng isang guhit. *Parang karne at sibuyas lang, isang guhit* Punyeta! pero syempre hindi ko ginawa yun. Arte lang.

Huminga ako ng napakalalim para ma-relaks...

Sa aking pag hinga naamoy ko ang sinangag na rice at longganisa na ni luluto ni Mama naka move on na 'ko bigla, kaya nag breakfast na me. Baket ba kasi ang hirap-hirap-hirap-hirap-raised-to-the-positive-infinity-cosec-teyta-minus-cosine-teyta mag papayat???!!! Buset!

Baket ba kasi kelangan pa ng diet at exercise?! Sana pwede nalang itae ang taba sa katawan. Tatae ako ng 20x a day promise!

Ang hirap mag papayatttttttttttttttttttttttt! I heyreeeeeeeeeeeet!

Mag lilista ako kung ano ang mga disadvantages ng pagiging fat:

1. Nakakahiya bumili ng pantalon kelangan walang masyadong tao para ibubulong ko kay ate kung meron ba silang size 24, Chos! size 34...Fine! Size 35 and half... fine 36..Mamatay na humirit!!!!

2. Kapag umoorder ka ng kaunti ayaw maniwala nang putang serbidora na iyon lang ang order ko! Like duhr! Wala ba kong karapatang umorder ng Salad at tubig lang? Wala ba 'kong karapatang mag starbucks na non fat latte at no whip?! Tangina nila!

3. Hindi sa lahat ng toilet bowl kasya ako. Yung small ones effort mag hugas ng pwet. Putakels!

4. Na tutupi ang marupok na plastik na chairs, yung mumurahin na sing-payat lang ni Palito ang kayang i with hold. At kung swe-swertihin ka mag cra-crack ito on front of beutipul sexy gels. kahiya much!!!!!!

5. lahat nalang ng tao nag tatanong kung nahihirapan akong huminga! Lahat ba ng mataba may sakit sa puso???!!!!

6. Pag pupunta ko ng Boracay sa dulo ako ilalagay ng putang CebuPac dahil mabigat daw! more more dulo ako parati uupo kahit anong airlines papuntang Caticlan, Airport. charot!... barko lang ang
sinakyan ko.

7. Masama ang tingin ng mga tao pag isa nalang ang kulang sa dyip. like i kill someone in the past?!! Masiksik sila kung masiksik sila! Letche!

Syempre para fair kelangan may advantages din para balance:

1. Cute lol

2. Lumulutang sa pool party kahit walang salbabida

3. Hindi basta-basta nalalasing lalo na kung beer ang labanan

4. Takot ang mga snatchers at holdapers hindi kaagad tatalab ang ice pick mag bou-bounce back muna sa taba bago ma-gripuhan sa kidney.

5. Masarap i-embrace kasi walang sharp edges parang stuff toy lang

6. wala na 'ko maisip! Gaahhhhhhh!!!wala kasing advantages talaga. Wala akong maimbento!!!!

Baket nga ba kasi ang hirap mag papayat?

1. Masarap kumain

2. Masarap kumutkut ng cheetos habang nanonood ng tv at nag kakamot ng betlogs

3. Nakakatamad mag fun run ang inet-inet! wala akong bagong rubber shoes. Hindi kasya ang sando na bigay ng MILO fun run kahit XL na ito.

4. I don't feel unloved even i'm chubby...okay fat!

5. Mas masarap ang nakahiga lang habang tirik ang mata JOOOOOOOKE!

6. Maraming nag sasabi na hindi bagay sa 'kin ang payat. Oo, nag papabola ako!!!

7. Ayokong mag ka abs!

8. Wala akong pang enroll sa Gym

9. Lasang lupa ang oatmeal. Lasang Papel ang tinapay na rich in fiber.

10. Ayoko ng coke zero at diet coke walang sustansya

Baket kelangan na akong mag papayat?

Dahil ayokong ma stroke at lumakad ng hindi pantay. Ayokong maging lawlaw ang fats ko pag tanda ko. Dahil mas healthy ang hindi masyadong mataba!

humor blog tips

Dumanak ang dugo sa ilong ko ng walang humpay dahil sa kaka-english sa blog kaya hindi ko na kinayangpangatawanan ito, kaya naman hindi na ko nag think twice at tinigilan ko na. Juk! Bigla kasi akong nadulas sa cr dahil natapakan ko ang tamod ko sa cr tapos nabagok ang bungo ko kaya naisip kong mag blog ng tagalog nalang para mas comfortable ako mag sulat. Okay, fine! Hindi kasi ako magaling mag english talaga kaya tagalog nalang. Bwahihihi.

Lumipas ang mga araw ng pag pepetiks sa office at pag-blogphop ng walang humpay at pag awit ko sa entablado (kasali?!)

Tapos nagising nalang ako isang araw na sikat na pala ako. Juk!!!!!! Bigla nalang dumami ang mga post ko na walang ka kwenta-kwenta. Mga kwento nang paggiling ko habang nag totoothbrush at naglilinis ng tenga. Mga kwento nang pangangati ng singit at pagnanana (puss) ng pusod ko. Mga kwentong tae at kung ano-ano pang shit. And then dumami ang mga nakakulitan at kaibigan sa blogs dahil sa kapangyarihan ng comment field sa kada isang post. Ang saya! Ang dami kong naging mga online tropapits.

Dumami rin ang mga blog na babasahin ko, haggard tuloy! Nahihirapan tuloy ang retina, cornea at irish ng mata ko ahahaa

Syempre nakakaenjoy magbasa ng mga blog nyo. Masipag akong mag back read lalo pa pagnahuli ng blog ang kiliti ko sa talampakan at betlogs or na tats ako at naluha sa kanang mata ng tatlong patak ng luha. Hindi totoo ang pag skip read ko. Chismis lang 'yun. Okay, minsan nag skip read pag emoness at english na parang pang essay writing contest or pang editorial ang dating. Hindi naman kasi ako tumitingin sa structure at composition at kung anong lead ang ginamit. Basta ang sa akin kapag entertaining at may moral lesson akong napulot nang hindi ako nag nose bleed pasok ka sa banga! Kasali ka sa blogroll ko at mag babackread ako ng bongga sa blog mo. Pero lately hindi ako masyadong nakakabasa dami kasing work eh. Sorry naman. Oo, may-pageexplain na kaganapan.

Well ano ba ang tinutumbok ng post ko na ito?

Ang katotohanan ay....Wala. Sorry naman.

mag thank you lang sana ako sa mga blogs nyo. Naging parte na kasi nang aking pang araw-araw na buhay ang magbasa ng blog nyo. Kaya gusto kong mag pasalamat, EMO BIGLA???! hahahhaa

Salamat pala sa 259 followers kahit na 9 lang naman talaga ang nag babasa. Na tats nyo ang puso ko. Dahil dyan kiss ko kayo. Mhua! ahahaha

nawala ako sa totoong topic nyetakels!

So... dahil naging humor blogger na nga ako mag share ako ng tips kung paano ba maging humor blogger hihihi. Based on experience at observations ko galing sa mga favorite kong humor blogs ha. Eto mga tips:

1. Kelangan mong i take note ang mga trending expressions kahit hindi mo naman ito ginagamit. useful kasi ito.Dapat alam mo rin i execute para pag ginamit mo sa blog pasok ka sa banga. Makakapag pa smile ka ng tao.

2. Maging natural lang you. Wag mong pilitin. Lalabas din yan pag shinake. Juk! lalabas din ang humor sa sulatin mo basta maging natural lang you. Lahat naman ng Pinoy masayahin kaya in one way or another lalabas at lalabas yan sa panulat mo kaya steady lang.

3. Wag kang mangaapak ng tao para lang masabi nakakatawa ang sinulat mo. Sana ma gets nyo to. Uhhhm pwede kasing minumura mo 'yung tao kunyari pero dalawa kasi yung dating nun. Pwedeng minumura mo sya and you mean it.Meron namang isa na minumura mo 'yung tao pero out of humor lang. May thin line sila. Hindi ko na maexplain. Punyeta! Basta yun na yun.

4. Wag mong limitahan ang sarili mong mag kwento. Isipin mo ung details. tapos isulat mo. Wag yung tipong makikipag laban ka ng Editorial Writing contest ha. Dapat yung parang nakikipag usap ka lang sa barkada mo. Ganown!

5. Magbasa ka ng blog ni Glentot tsaka ni Badoodles tsaka ni Paps tsaka ni Maldito tsaka ni Kokey Monster at ate Powkie makakakuha ka ng style na pwede mong maging guide sa pag sisimula ng humor blog.

6. Hindi mo kelangan nang matinding topic like Android versus Apple. Wag yung mga ganong shit. Mga simple lang. Like tutule. Tulok. Tae. Kulangot. Tinga. Mga ganyan lang makakakiliti ka na.

7. Pwede kang sumulat ng Fiction kung wala kang mahita sa experience mo basahin mo si Gillboard magaling na fiction blogger yan.

8. Dapat malinis ang puso mo. Juk! Halukayin mo yung mga childhood experiences mo kasi madaming comedy sa buhay natin nung bata pa tayo or past experiences natin. Tapos ikwento mo ng parang kinukwento mo langsa kaibigan mo. Ganown.

9. Enjoy ka dapat sa ginagawa mo

10. World peace (walang kuneksyon para lang maging sampu ang points)

Sunday, October 23, 2011

pamahiin

may kasabihan na pag tinuro mo ang moon, kaylangan mo daw kagatin ang daliri mo,
kung hindi, mapuputol daw ito.



May kasabihan din na kapag nag-click ka sa picture ng moon,
mapuputol ang internet connection mo.

Friday, October 21, 2011

realization


Ngayon ko lang napansin na ang linis-linis pala ng blog layout ko. 


Walang ads or kung anu-anong sh*ts. 

Magandang tignan. 

Hindi masyadong makulay. 

Kumbaga tama lang ang timpla. 


Parang AKO lang... 

Simple. 

Malinis. 

Kaaya-ayang tignan. 

Bwahahahahahahaha!












Wednesday, October 19, 2011

Huner x Hunter

Mama what is chikchik? Mama what is sulit? lols. Wala akong matinong opening statement kaya ang famous lines na lang ni bebi jims ang gagamitin ko. :p

Kahapon, hindi ako pumasok, tambay muna me sa bahay at nanood ng tv. Dito ko nabalitaan na binalik ng GMA 7 ang isa sa cartoon/ anime na inabangan ko noong nasa high school pa ako. Eto ay ang anime na Hunter X Hunter.

Ang anime na nabanggit ay tungkol sa isang batang paslit na may name na Gon. Siya ay naghandang hanapin ang kanyang ama na kanyang nalaman na isa palang Hunter (hindi po yung mangangaso). Upang mahanap ang ama, kailangan niyang sundan ang bakas ng tatay at maging Hunter. At dito magsisimula ang adventure. :D


Sa paglalakbay ni Gon, makakakilala siya ng mga kaibigan. Heto ang taklo sa mga naging friendships at berks ng bata sa kanyang pag-apply (nag-submit ng resume at may interview, joke) bilang Hunter.


1. Leorio- Siya ang tila Alfred (ghost fighter) sa grupo. Isang lalaking gustong maging doktor. Naging kaibigan siya ni Gon noong nasa Hunter examination pa. Matapos ang Hunter examination, medyo di nabigyan ng progress ang character na ito.


2. Kurapika- Ang tila Dylan (Flame of Recca) sa grupo. Ang lalaking mukang babae. :D Nag-apply bilang isang hunter dahil nais niyang maghiganti sa grupong umubos sa kanyang tribe (ethnic si koya, may tribe). Nagiging pula ang mata niya kapag nakakakita ng gagamba. Nag-evolve (parang pokemon lang ah) sya bilang mahusay na hunter dahil sa pagpupursige sa revenge plan niya.


3. Killua- Ang parang Vincent (Ghost Fighter) sa grupo. Siya ay isang assassin na bored sa buhay mayaman niya kaya naisipang sumali sa Hunter exam. Dito naging best buddy niya si Gon dahil halos magkasing age lang sila. Bihasa siya sa pagpaslang dahil iyon ang ikinabubuhay ng buong pamilya niya.

Syemps, kung may mga bida, syempre may naging kontrabida sa anime. Ang famous kalabs at kontrabids ay ang Genei Ryodan. Sila ang grupong may kinalaman sa pagkaubos ng tribo ni kurapika.


Ang Ryodan ay binubuo ng 13 members. Bakit trese? Di ko alam. joke. Ito ay kumakatawan sa 12 paa ng isang gagamba at ang ulo ang 13th member o ang boss.

Ang mga pangalan ng 13 members ay sina: Kuroro (Boss, Skill Hunter), Bonorenofu (mummy-like) , Feitan (Bandit looking), Franklin (Frankenstein-look), Hisoka (clown/juggler look), Kortopi (Sadako-look), Machi (Mananahi skills :p), Nobunaga (samurai), Pakunoda (big-tits girl), Phinks (Egyptian look/jogging pants attire), Sharnark (guy with cellphone), Shizuku (girl with vacuum cleaner) and Uvo (Sabbertooth look).

Maganda ang anime na to subalit nahinto dahil tinamad yung artist ng manga na pinanggagalingan ng story. Inpernes e oks ang anime na ito, pero sana maka-catch up na yung anime sa kwento ng manga. :D

asian invasion

Noong musmos pa lamang ako, puro seryeng pinoy lang ang aking napapanood. Andyan ang Valiente sa hapon. Sinundan nung Agila. Lumabas din sina Mara at Clara sa panggabing show. Andun din yung Mula sa puso at kung anong nobela serye na umaabot ng years bago matapos.

Di nagtagal, tinamaan tayo ng mexicanovela. Eto yung sinakop tayo ni Thalia. Remember the Marimar Aw! sa Rpn9 noon? Oo, yung may nigga na si Corazon at ang echoserong doggy na si Pulgoso. Matapos nun, sumunod ang mga kapatid ni Marimar na si Maria La Del Barrio, Maria Mercedez at Rosalinda.

Woooops, kung nahumaling ang tao sa Mexicanobela, aba.... biglang may Asian Invasion!

Akala ko nung una tuwing sunday morning lang yung mga show ng mga kapwa asiano. Pero biglang naglabas noon ang ABS-CBN ng unang asianobela. Sino ba di makakalimot sa step na yun na biglang patok sa bayan.

Sino ang di makakalimot sa apat na elite boys na nag-aaral sa paaralang super konyo. pak na pak ang cool guys na kinatatakutan kasi anak ng mga prominenteng pamilya. F4! Yan ang bukambibig ng mga tao nung inilabas ang Meteor Garden sa pinas. Syempre ang mga tao nahibang sa wento ni Tangkay este Shan Cai na naging friendships ang mga rich boys.

Meteor Garden

After nun, sinakops na din tayo ng ibang asian pips like korean, taiwan at japan. :D

Eto ang mga asian series na kinaadikan ko. ahahahah.

 Hana Yori Dango

Boys Over Flower

hahahaha, kung akala ninyo, yan lang meron pang iba...... :D

 Hana Kimi (Taiwan)

 Autumn in My Heart (Korea)

 GTO (Japan)

 Stairway to Heaven (Korea)


Madami pa dapat pero hanggang dito na lang muna. hahahaha.

the adventure of s-men

alvin's review: no other woman

“Ang mundo ay isang malaking Quiapo, maraming snatcher, maagawan ka, lumaban ka!”

Kamustasa mga kalabasa! Bwahahaha. After isang linggo na palabas sa sinehan ang 'No Other Woman', aba'y napanood ko na ito :D Na-pressure me na manood nito kasi kahit san ka lumingon parang ito ang talk of the town. Mapa-blog, mapa-chwirrer e may mga quotable-quotes na nagmula sa peliks. Kaya dahil dyan, nanood me kasama ang mga ka-opis na itatago na lang natin sa mga pangalang Honeylou, Michelle at Helen. :D

Napag-usapan na manonood kami ng sine ng 7:30pm sa Robinsons Galleria bago pumasok ng 10pm. Aba, 7pm pa lang ay mahabs ang pila sa tiketan and gweswat, ang No Other Woman ang binibili. wat da pudge! 2nd week na pero jumajampak ang tao. 


Stop here! :D Sa mga nagbabalak pa lang manood na ayaw ma-spoil-spoil e close the window na (hindi yung bintana ng bahay!). O ready na? Sure na? Oks, let's get the review-reviehan started! :p

Okay, ang plot: Isang hunky-panky-owsom-body na lalaki na tagabenta ng anik-anik-furniture ang may asawa na may mukang Christine Reyes. Ginagamit ni guy ang charm nia para mag-boom ang negosyo nia. Then.... nag-aapply sya as supplier ng furniture sa isang bonggang hotel.

Sa hotel, makikilala nia ang mala-dyosang babae na may face ni Anne Curtis. Nag-tagpo ang landas ni guy na may muka ni Derek Ramsay at ni girl na may Anne Curtis look. Ayun! Nagkaroon ng boom-boom-pow at naganap ang Laglag-Panty, Laglag-Brief na eksena wahahah.

Syempre, anong saysay ng istory kung walang revelation. Alangan namang nag-three-some ang taklo. Kenat be! Dapat one talong to one tahong lang ang ratio and proportion. Pipili si guy kung ang gusto niya ay tahong na mistress o ang tahong ng misis.

At doon nagtatapos ang kwento. bow! (wag ninyo na akong paguding magsalitype much!). Abangan sa DVD o sa torrent kung nagpapaka-kurips. wahahah.

So ang iskor? Bibigyan ko to ng 9.5!!! Ahihihih. bakit? Kase andaming quotable-quotes sa movie. Maganda ang mga lines na binibitawan ng mga characters. May sipa at may tadyak! Kahit ang supporting character na nanay nung wife na may mukha ni Carmi Martin ay bongga din.

But wait! There's more! Ang hot-hot-hot-hot-hot ng mga bida. Nope, hindi si guy na may mukha ni Derek ang tinutuks ko. Syempre yung Girl na may mukha ni Anne Curtis ang main ulam! Wowowow. Umpisa pa lang, nakow.... magpapawis ka! lols.


Di lang masarap.... malinamnamnamnamnam......Meron pa! Ang ganda ng scenes! Ang bed scenes. Ay nakow, kaengget se koyang may mukha ni Derek. Imagine.... Niromansa niya yung girls na may mukha ni Anne at Christine :D

Sayang lang sa ending, walang super twist pero pede na din. :D