Powered By Blogger

Tuesday, November 1, 2011

pag namatay na ako

Una. Gusto ko nakalagay ako sa itim na kabaong para eleganteng tignan. Ayaw ko ng puti o ng ibang kulay. 


Ikalawa. Gusto ko nakasuot ako ng americana formal suit. Kapag barong kasi, masyado ng ordinaryo. Parang aabay lang sa kasal. 


Ikatlo. Dapat may hawak akong black na rosary. Pwede rin kahit anong kulay, basta required na may rosary. Para pag umakyat ako sa heaven, hindi ako pagdudahan ni Papa Jesas. 


Ika-apat. Puting bulaklak lang ang pwedeng gamitin. Wag yung masyadong mabango dahil baka matusing ako.


Ikalima. Gusto kong iburol sa isang private chapel. Bawal ang mga natives or jejemons. Ayaw ko kasi na maraming tao kahit patay na ko. 


Ika-anim. Kailangan na may tutugtog ng piano. Special request si Maestro Leomer na tutugtog ng "What Matters Most". 


Ikapito. Starbucks coffee and ham & cheese croissant ang ipapakain sa mga bisita at nakikiramay. Haha! Sushal right?! Pero pag walang budget yung maiiwan kong pamilya, okay, back to 3-in-1 coffee, Zest-O and de-latang biscuits. 


Ikawalo. Sa araw ng libing, ayaw ko ng karo ang maghahatid saken sa huling hantungan. Dapat ay isang karwahe na hila-hila ng dalawang itim na kabayo. Kapag walang available na kabayo, motor na lang. LOL! 


Ikasiyam. Nakaitim na damit din dapat ang makikipaglibing sa akin (pamilya, kamag-anak, mga kaibigan pati na rin ang aking mga imaginary fans!). Kapag walang itim na damit, maghubo't hubad na lang. 


Ikasampu. Dapat ililibing ako sa maganda at bagong sementeryo. Ayaw ko ng masyadong crowded na tipong pag araw ng mga patay, ay tatapak-tapakan na lang ang nitso ko ng mga dumadalaw sa sementeryo. 


Ikalabing-isa. Magpapalipad kayo ng mga puti at itim na lobo kasabay ng mga panalangin nyo para sa kaluluwa ko.


At panghuling request, gusto kong lahat ng miyembro ng iBloggers ay umattend sa libing at kailangang suot nila ang t-shirt na dinesenyuhan ko... 



Oh ano, handa na ba kayo? 

No comments:

Post a Comment