naisip nyo na ba kung naumpisa ang expression na "anak ng..."? Galing kaya sa "son of a bitch" na tinagalog ng "anak ng p*ta"? Pero ganon pa man e hindi natin masasabi kung yung "son of a bitch" nga ang nauna. Malay nyo nauna pa yung "anak ng p*ta".
So san gaya galing? At hindi lang iisa, hindi lang "anak ng p*ta" kundi napakaraming "anak ng...". Gaya ng pating. E ano naman ang anak ng pating? Masama ba ang baby pating? At hindi lang anak ng pating, pati kalabaw, at hindi lang isa, sampu pa kung minsan, as in "anak ng sampung kalabaw". Hindi lang hayop. Pati mga bagay na hindi naman nanganganak e biglang nagka-anak. Case in point: tokwa. "Anak ng tokwa!". Unang-una hindi nanganganak ang tokwa. Pangalawa, walang pangalawa. Hindi ko lang talaga maintindihan kung san nag-umpisa at para saan ang mga salitang to.
Bakit hindi nalang yung posible at may taong katangian diba? Tipong "anak ng Mrs. Cruz!" o kaya "anak ng Baby Ama!" o "Anak ng Jolina!". Yun maiintindihan ko pa kasi binibigyan mo ng mga katangian ng posibleng maging anak nina Mrs. Cruz, Baby Ama at Jolina ang bagay ng pinagsasabihan mo.
Baka naman din wala talagang saysay ang mga expression na to? Baka lang naman sinasabi kasi magandang pakinggan? Parang cool. Pakshet hindi rin e.
Kung ganon nga din, pwede tayong pumili ng kahit ano na pwedeng idagdag sa "anak ng..." Tara gawa tayo.
Anak ng...
ipis, babolgam, sapatos, lamok, manggang hilaw, manggang hinog, buddha, bolpen, notebook, lapis, bag, tsinelas, mouse, monitor, webcam, pusang patay, pusang tumatae ng supot, haponesang sakang, sun dried tomatoes (shala!), kulangot, pimpol, burnik, jebs, paa, hita, tyan, bilbil, ilong, bibig, dila, psp, magazine, celphone, koche, jeep, tricycle, tricycle driver, manong fishball, channel v, kumot, electric fan...
No comments:
Post a Comment