Powered By Blogger

Saturday, August 6, 2011

''Ang buhay natin ay parang sex position''

Sa aking 27 years of existence, eto na marahil ang major major event na naranasan ko sa aking buhay.

Napakasakit Ate Charo.

Noong bata pa ako, namulat ang aking isipan na lahat ng bagay na gugustuhin ko ay madali kong makukuha. May utak naman kasi ako, marunong dumiskarte, maabilidad at sinasamahan ko pa ng dasal kaya halos 90% ng gusto ko, ay napasakamay ko.

Akala ko ganun palagi. 

Akala ko lahat ng gugustuhin ko ay madali kong makukuha.

Akala ko lahat ng pangarap ko ay mabilis kong makakamit.

Akala ko lahat ng nanaisin ko ay agad na mapapasaakin.

Hindi pala.

I was wrong Ate Charo.

Biglang sumagi sa aking isipan ang quotation na ito:

"Ang buhay natin ay parang sex position yan.. Minsan tayo ay nasa taas, minsan naman ay nasa ilalim. Minsan nakatuwad, minsan nakatagilid. Nasa atin mismo ang susi upang makamit ang orgasm o tagumpay na ating minimithi. Basta ang importante, ituloy mo lang ang pag-indayog ng iyong buhay at siguraduhin mong wala kang ibang masasaktan."

Dumaan ako lately sa pinakamababang punto ng buhay ko kung saan ang liit ng tingin ko sa aking sarili.

Maliit na nga ako, maliit pa tingin ko sarili ko? Ohh kamon!

Nakakalungkot. Nakakaiyak. Nakakadepress. Masakit sa kalooban. 

Dumating na rin ako sa point na lagi ko Siyang tinatanong kung bakit hinayaan niya akong magkaganito. Araw-araw ko Siyang binibisita sa Kanyang tahanan pero malabo pa sa tubig baha ang hinihingi kong mga kasagutan mula sa Kanya.

Hindi Niya ko sinagot ng diretso. 

Bagkus, hinayaan Niya kong maranasan na walang trabaho, walang makain, walang pera, sa lugar kung saan wala akong kamag-anak o kaibigan man lang.

Madalas akong nagpapanggap na masaya at walang problema tuwing kausap ko ang mga pamilya at kaibigan ko.

Pero sa totoo, para akong isang payaso na nagpapasaya ng maraming tao ngunit pagkatapos kong magtanghal, babalik na akong muli sa aking malungkot at madilim na buhay.

Akala ko madali lang ang lahat. 

Akala ko madali kong makakamit ang mga pangarap at mithiin ko sa buhay. 

Pero nabigo ako.

 kaya ngayon pati love life wala ako....

No comments:

Post a Comment