Powered By Blogger

Saturday, August 6, 2011

bakit nga ba?

Bakit kaya pag nasa loob ka ng elevator kailangan nakaharap ka sa pinto ng elevator? Bakit hindi pwede humarap sa pader? Subukan kaya nating talikuran ang pinto at humarap sa mga nakaharap sa pinto. Kitang kita mo ang mukha ng lahat ng naka sakay sa loob. Iyon nga lang kitang kita rin nila ang mukha mo. WaDaPak!

Bakit kailangan pa ng ibang tao ng mga codes para pag nag uusap sila e hindi maintindihan nung taong pinag uusapan ang patungkol sa kanya. Tulad na lang ng "Pare may TIMY sa likod mo!" TIMY as in Tang Inang Mukha Yan. O di naman kaya e kung bwiset na bwiset ka sa classmate mo o katrabaho mo "PKPI talaga pare" PKPI as in Pa-Kyut and Putang Ina". WaDaHek!

Bakit nilalagay ang jacket sa bewang? Nilalamig ba si bewang? o di naman kaya e butas ba ang pantalon sa bandang puwitan? SSU naman ang trip ng iba, buong araw naka SSU. SSU as in Shades Sa Ulo. Pero mas na aastigan ako sa mga naka NSSGM. NSSG as in Naka Shades Sa Gabing Madilim. WaDaHel!

Bakit kaya yung mga taong nakalinya sa fast food resto eh mga nakatingala tapos mga nakangiti? Mukhang mga ewan. Mga SUSAN naman. SUSAN as in yung Suso Nasa Tiyan.

Bakit kaya hindi lahat ng tao magaganda at matitipuno? Sabi nga nila e lahat ng tao may itsura yung ibang itsura eh hindi lang talaga umuso. Malay mo, malay natin umuso tayo. Huwag mawalan ng pag asa. Mabuti pa yung mga ITALYANO. . . yung nanay nila ITA yung tatay Ilocano. Italyano.

Bakit kaya ang itim ng balat niya pero ang puputi naman ng parents niya? Pinag lihi kaya siya sa dinuguan o sa uling? Pakingsyet wag naman sana sa uling. Iniiisip mo tuloy ngayon na ampon ka lang dahil ikaw ang kakaiba ang kulay, pero yung ilong mo eh kasing laki naman ng ilong ng mama mo.

Bakit kaya si Inday pag pumapasok sa kwarto ni Ser eh hindi kumakatok, tuluy tuloy sa kwarto. Pero pag papasok sa kwarto ni Madam e nakatok pa. Inusisa ni Madam. Ayun nawasak ang pamilya.

Maraming tanong sa buhay na walang tamang kasagutan. Minsan may mga bagay tayong hindi naman natin kailangang malaman, yun tipong wala lang hindi natin alam. Nilikha ni papa Jesus ang maraming bagay at pangyayari sa mundo para hindi natin malaman ang lahat ng ito. Dahil kung alam natin ang lahat ng bagay at wala tayong hindi alam. . . hindi natin kakailanganin ang isa't isa at magkakaroon ng isangMALAKING GULO sa pag mamagalingan na alam natin ang lahat ng ito.

No comments:

Post a Comment