Powered By Blogger

Saturday, August 20, 2011

"friends list"

may isang osyoso na pumansin sa aking monitor habang nagpe'peysbuk.

Bakit konti lang friends mo sa fb ko? (at tumatawa pa sya.) Sya daw eh halos isang libo na daw.

Sinagot ko ang tanong nya:

ah ganun ba? Pag may palpak sa friend ko inaunfriend ko na agad.tulad mo.
diba niremove kita sa friends list ko? (supladong sagot ko)

andami nga pero di ko naman ka'close. Di ko naman kilala silang lahat
tsaka ayoko ng nakakakita ng mga mukang jejemon ang piktyur eh...
ayoko ng maaarte kaya ayoko silang maging friend. para sa kaalaman mo
madami nag'aadd saken pero choosy kasi ako. pag di ko type, iniignore ko nalang.
katulad moh!!..

di na sya nakasagot. bwahahah...

"suplado kasi ako"

sa trabaho walang masyadong kumakausap sakin. sabi ng ilan sa kanila, nag'aalangan daw sila na pansinin ako baka daw kasi replyan ko sila ng mga pambabara o mapasabihan ng hindi maganda.

ugali ko naman talaga yun. Pinanganak kasi akong suplado. Mahilig pa ako mambara. minsan di ko maiwasan na magsalita ng masakit. Pero para sakin, biro lang yun. kaya ayun, dami galit sakin. Suplado daw ako. Hahaha... Pero proud ako pag sinasabi nila yun. atleast nalalaman ko na epective pala yung katarayan ko. Bwahihih....

Tuesday, August 16, 2011

grupo ng mga siraulo

sila yung tipong naglalakad ka sa mall or somewere in a public place, na bigla nalang dadapa na naka straight.
at hindi lang iisa, marami po sila. grupo nga sila eh. "PLANKATON" at PLANKPINAS ang pangalan ng grupo nila. di ko magets kung bakit andami nila nahihikayat na gumawa nun samantalang ang magiging katawatawa lng sila sa harap ng madlang pipol. basta ang weird talaga. wala din akong maintindihan sa ginagawa nila, kung trip man yun, pwes... ang masasabi ko, yun ang pinaka panget, pinaka weird, at pinaka baduy na pinauso ng putanginang nagpauso nyan. eto ang sample na mga picture. tingnan nyo nga kung anung cool sa ginagawa nila.





see?...... anung masasabi nyo sa ginagawa nila? 
basta ako, napa-LOL nalang ako ng bongga.
tang ina..... mga siraulo........

Saturday, August 13, 2011

sabi ni papa jack

Kapag nakatagpo ka ng taong
mahal mo, alagaan mo. Kapag nakatagpo ka ng taong naniniwala sayo, huwag kang magsinungaling. Kapag nakatagpo ka ng taong tapat wag mong lolokohin. At kapag
natagpuan mo ang taong hindi
mo alam bat mo mahal, huwag mo ng pakawalan. -Papa Jack

Friday, August 12, 2011

"An apple a day keeps the doctor away."..

Naimbento ang linya na yan, hindi dahil magaling magpalakas ng immune system ang mansanas. Naging expression lang yan noon na madalas sabihin, dahil sa paniniwala na ang katas ng fresh na apple ay nakakatulong sa pagtunaw ng pagkain para makaiwas sa indigestion. Pero ang mas magandang tulong ng pagkain ng apple ay ang kalinisan ng ngipin. Nakakatulong sa pag-alis ng mga nakasiksik na dumi sa ngipin ang pagkain/pagkagat ng apple. Mas may friction din ang pagkagat sa apple kumpara sa ibang prutas kaya pati mismong ngipin ay nalilinis. Kaya kung tutuusin, ang tamang linya ay "An apple a day, keeps the dentist away."

Tuesday, August 9, 2011

operamini trick (pandadaya sa globe)

punta ka sa internet setting ng cellphone mo, 
ito ang gawin mong format ng access point.
pero para gumana yan switch onn mo muna
yung GPRS mo noh.....
*********************************************************************************

connection name=  myglobe connect

data bearer=  gprs

acces point name=  www.globe.com.ph

autentication=  secure

home page=none

*************************************************************************

"advance settings"


phone ip address=  automatic (press "zero") ex: 00.00.00.

primary name server or PN1=  0.0.0.0

secondary name server or PN2=  0.0.0.0

proxy server address=  203.177.42.214

proxy port number=  8080
**********************************************************************************
yan po ang tamang setting compatible po yan sa operamini.
mag download ka habang naka wifi ka pa. search mo lang
po sa google. pagdating mo sa site na yun click mo lang yung
DOWNLOAD (sample lang po yan, wag mong i'click.)
marami namang tanong yan bago mo mai'download, para 
kasi mai'download mo yun kung anong version ang dapat sa 
unit ng cellphone mo. syempre kaylangan globe na sim noh......


warning: wag gamitin ang operamini pag may load kasi kakainin nya yun.
pero magagamit mo yan kahit walang load.



gayahin mo lang yan..........

"teleserye"

nanonood ka pa ba ng mga drama sa tv?
kung oo, eh uto-uto ka na talaga.

di mo ba nahahalata? iisa lang ang storya?

1.sa umpisa magkaaway ang babae at
ang lalake. tapos mag-iiyutan liligawan
din naman sa huli.

2. may mambabastos dun sa babae,
tapos ipagtatanggol ni lalake.

3. laging may maangas pero mayaman na
karibal.

4. kinidnap si babae, tapos ililigtas ni lalake.

5. laging huling dumadating ang pulis.

6. di naman horror, pero laging kusang
bumubukas ang tv o radyo kung saan may
pinagtataguan o may wanted na bida.

7. pag comedy  naduduling pa eh sinampal o
sinuntok lang naman.

8. nawawalan pa ng malay kahit ang inihampas
lang naman ay gulay.

9. pag naghahabulan laging may sinasagasaan
na paninda ng mga vendor.

10. eto ang pinaka walang kupas sa lahat. action,
comedy, drama, or horror films madalas ito.
anu pa nga ba? edi laging may hindi
tunay na anak...

11.  isa pa ito, laging may nagkakaroon ng amnesia.

12. nagkakatuluyan kahit panget at maganda,
mayaman at mahirap, or kahit matanda na si
action star.


oh diba?..... tanga ka nalang pag di mo
parin napapansin yan. ilang lang yan sa mga
paulit-ulit na eksena. lalo na kung pelikulang
pinoy din lang naman, wag na noh.....




Saturday, August 6, 2011

bakit nga ba?

Bakit kaya pag nasa loob ka ng elevator kailangan nakaharap ka sa pinto ng elevator? Bakit hindi pwede humarap sa pader? Subukan kaya nating talikuran ang pinto at humarap sa mga nakaharap sa pinto. Kitang kita mo ang mukha ng lahat ng naka sakay sa loob. Iyon nga lang kitang kita rin nila ang mukha mo. WaDaPak!

Bakit kailangan pa ng ibang tao ng mga codes para pag nag uusap sila e hindi maintindihan nung taong pinag uusapan ang patungkol sa kanya. Tulad na lang ng "Pare may TIMY sa likod mo!" TIMY as in Tang Inang Mukha Yan. O di naman kaya e kung bwiset na bwiset ka sa classmate mo o katrabaho mo "PKPI talaga pare" PKPI as in Pa-Kyut and Putang Ina". WaDaHek!

Bakit nilalagay ang jacket sa bewang? Nilalamig ba si bewang? o di naman kaya e butas ba ang pantalon sa bandang puwitan? SSU naman ang trip ng iba, buong araw naka SSU. SSU as in Shades Sa Ulo. Pero mas na aastigan ako sa mga naka NSSGM. NSSG as in Naka Shades Sa Gabing Madilim. WaDaHel!

Bakit kaya yung mga taong nakalinya sa fast food resto eh mga nakatingala tapos mga nakangiti? Mukhang mga ewan. Mga SUSAN naman. SUSAN as in yung Suso Nasa Tiyan.

Bakit kaya hindi lahat ng tao magaganda at matitipuno? Sabi nga nila e lahat ng tao may itsura yung ibang itsura eh hindi lang talaga umuso. Malay mo, malay natin umuso tayo. Huwag mawalan ng pag asa. Mabuti pa yung mga ITALYANO. . . yung nanay nila ITA yung tatay Ilocano. Italyano.

Bakit kaya ang itim ng balat niya pero ang puputi naman ng parents niya? Pinag lihi kaya siya sa dinuguan o sa uling? Pakingsyet wag naman sana sa uling. Iniiisip mo tuloy ngayon na ampon ka lang dahil ikaw ang kakaiba ang kulay, pero yung ilong mo eh kasing laki naman ng ilong ng mama mo.

Bakit kaya si Inday pag pumapasok sa kwarto ni Ser eh hindi kumakatok, tuluy tuloy sa kwarto. Pero pag papasok sa kwarto ni Madam e nakatok pa. Inusisa ni Madam. Ayun nawasak ang pamilya.

Maraming tanong sa buhay na walang tamang kasagutan. Minsan may mga bagay tayong hindi naman natin kailangang malaman, yun tipong wala lang hindi natin alam. Nilikha ni papa Jesus ang maraming bagay at pangyayari sa mundo para hindi natin malaman ang lahat ng ito. Dahil kung alam natin ang lahat ng bagay at wala tayong hindi alam. . . hindi natin kakailanganin ang isa't isa at magkakaroon ng isangMALAKING GULO sa pag mamagalingan na alam natin ang lahat ng ito.

''sige, hubad ka na''

kwento ito ng kaibigan ko na si
''leng'' bago sya abroad.
walang keme at walang kahiya-hiya
nya itong kinwento sakin dahil friend
naman kami.

at eto ang kento nya;

           Dali dali akong pumunta sa clinic na referred ng company with a smile. Ang aga ko sa clinic pero ang dami ng tao. 1st step urinalysis at fecalysis. Nawala ang ngiti ko!Putragiz!!! Ihi madaling ibigay kahit maya't maya mo ko hingan pero tae dumi ko?!!excuse me! Hindi prepared ang pwet ko for this!!! Lalo akong naconstipate sa kaiisip. Buti nalang madaling kausap ang medtech at pumayag na bumalik nalang kinabukasan with my fresh hot poops!yuck!!! Natuwa naman ako. Saka ko naisip pakshet na effort dalin tae ko sa byahe. bahala na... Tapos kinuhanan na ko ng dugo at pinapunta sa susunod na station. 

                Next stop....Xray! A eto mabilis lang ang pangyayari. pinagsuot lang ako ng gown at pinaghubad ng bra (sa kapal ng padding baka di makita baga ko) at tshirt tapos...click!tapos na...

                        Sunod naman ang dental check up... Sa pagkakaalam ko e maganda naman ang kalagayan ng mga ngipin ko. Pag upo ko sa cozy chair, sinira ng dentista ang tingin ko sa mga ngipin ko. 6 ngipin ko daw ang nangangailangan ng bagong pasta. I was like pota ka ate! Di mo pa pastahan lahat. Napakadami. Ano ko di nagtotooth brush?! Wala na ko nagawa. Pinastahan niya lahat dahil obligado at lumabas akong luhaan. 300 isang ngipin sinong di ngangakngak!leche!!!

               Pagod na ko pero may isa pang test. Una pinaupo ako ng mga nurse at saka ininterview. 

               Nurse: Kelan huling mens?
               Ako: di ko pi matandaan irreg po kasi ko
               Nurse: Tuwing kelan ka dinadatnan
               Ako: irreg nga po kaya di ko matantya (nurse ka ba talaga?!)
               Nurse: Kelan huling nakipagtalik
               Ako: HINDI PA PO KAHIT KELAN!!!! (nandidilat kong sagot! masyadong defensive?!LOL)

               Nakakapanginig ng laman si ate...FYI pwede pa kong ialay pag gumunaw na mundo para iligtas ang pathetic life ni ate. Lecheng yon! Hay.Kala ko don na matatapos ang  kahihiyan ko...But wait!There's more...


               Nurse: Ma'am dito na po tayo para sa pregnancy test...


               Sunod naman ako... I'm so compedenz kasi kahit araw araw ako magpregnancy test e negative yon!bwhahahahaha..easy. Pero hindi. Pagpunta ko sa mini CR nila hinihila ko ang kurtina para magkaroon naman ako ng privacy. Potang curtain ayaw mahila! Ay teka nakafix...Panic ako, tinawag ko ang nurse na nakaupo sa harap ng CR para humingi ng tulong. At ang sabi lang niya ay....


               Nurse: ma'am talagang iniiwang bukas yan. kailangan po kasing bantayan yung patient baka dayain ang result.


               Pakshet!For real?!!iihi ako sa harap ni ate!o come on!!! This can't be real!!! Nang makita kong seryoso si ate wala na ko nagawa. So degrading kahit di binabantayan lang niya ko sa peripheral vision niya. Habang umiihi naisip ko nalang na "Lord para sa pera to!!!"...Awa ng Diyos nakaihi ako ng matiwasay at tulalang lumabas ng lobby. 

               Medyo in shock pa ako at di makapaniwalang nagawa ko yon... Nang medyo nakmove on na ko lumipat na ko sa last stop. Ang physical exam!!! Go na ko ng matapos na at nang makaiyak na paguwi...


              Pagdating sa room sinalubong ako ng isang friendly doktora. Nangingiti ngiti na ko kahit di ko pa alam ang sasapitin ko sa mga kamay niya. Pinapasok niya ko sa isang private cubicle at....


             Doktora: Sige hubarin mo na yung damit mo.
             Ako: (come again?) Ano po?! 
             Doktora: Tanggalin mo na damit and underwear mo para macheck na kita.
             Ako: (seryoso ba tong babaeng to?) Pati underwear po?!


             Oo parang tanga lang paulit ulit kong tanong dahil hindi ko maarok ang mga sinasabi ni doktora! Parang gusto ko sumigaw ng HELP!!! Hindi po ko nagaapply na pokpok!!!wwwwwwwwwaaaaaaahhhhh...ayoko maghubad. Hindi na ko sinagot ng doktora mukang nairita na sa akin. At dahil conservative ako (conservative pero nakaihi sa harap ng ibang tao!pathetic) hirap ang kalooban kong sundin si doktora. Pero naisip ko nalang walang malisya to at doktor siya. SA NGALAN NG SALAPI!!!!Unti unti na kong nagtanggal ng dapat tanggalin (parang xerex naman.yak!) tapos kapa dito kapa don... Impernez wala siyang nakapa!bwhahahahaha... Tapos sunod pati panty daw. HUWAT?!!!! Ibig ibig ko na bumack out! Leche... No choice, sumunod nanaman ako. Kapa hir and der, chek hir and der and then pinatuwad para tignan kung may almoranas ako!  WALA NA TALAGA KONG DANGAL!!!! Mabilis ang mga pangyayari hindi ko na nasundan. Namalayan ko nalang mabilis akong nagbibihis at tumakbo palabas.i feel so dirtey!!!hahahahahahaha!!!Tapos nadinig ko naguusap mga nauna sakin ganon din pala ginawa sa kanila. Lahat naman pala dumaan don maarte lang ako...OA!!!


               Wala akong idea kung ano ginagawa sa physical check up ng lalaki. Wala naman silang susong puwedeng tubuan ng bukol so ano ang kakapain sa kanila. Hanggang sa makausap ko si Lando*(hindi tunay na pangalan)isang kasamahan sa trabaho... Ganon din nung nag-aapply siya sa abroad. Same procedure. Pinaghuhubad tapos pinatututuwad. Sa kanya, dinakma, ay teka hinawakan? ginrab? di ko malaman pano basta ginanon betlogz niya at siya'y nasaktan at saka daw siya pinaubo. Sinipat sipat din ata ang batuta ni kuyang. Impernez tulad ko hindi din niya type ireminisce ang physical check up niya...Naisip ko, may nangyari pa kayang iba bukod sa hawak betlog nya na di nya sinasabi?!hahahahaha...

              So anyway, matapos ang ilang linggong paghihintay, awa ng Diyos lumabas na normal lahat ng tests ko... At awa ng Diyos hindi rin ako nakaalis ng bansa. All that for nothing!!!wapak!


              So ayan... Lahat gagawin at titiisin kapalit ng salapi... Mawala na dangal at lahat. Patapangan nalang ng hiya.hahahaha!! 

''Ang buhay natin ay parang sex position''

Sa aking 27 years of existence, eto na marahil ang major major event na naranasan ko sa aking buhay.

Napakasakit Ate Charo.

Noong bata pa ako, namulat ang aking isipan na lahat ng bagay na gugustuhin ko ay madali kong makukuha. May utak naman kasi ako, marunong dumiskarte, maabilidad at sinasamahan ko pa ng dasal kaya halos 90% ng gusto ko, ay napasakamay ko.

Akala ko ganun palagi. 

Akala ko lahat ng gugustuhin ko ay madali kong makukuha.

Akala ko lahat ng pangarap ko ay mabilis kong makakamit.

Akala ko lahat ng nanaisin ko ay agad na mapapasaakin.

Hindi pala.

I was wrong Ate Charo.

Biglang sumagi sa aking isipan ang quotation na ito:

"Ang buhay natin ay parang sex position yan.. Minsan tayo ay nasa taas, minsan naman ay nasa ilalim. Minsan nakatuwad, minsan nakatagilid. Nasa atin mismo ang susi upang makamit ang orgasm o tagumpay na ating minimithi. Basta ang importante, ituloy mo lang ang pag-indayog ng iyong buhay at siguraduhin mong wala kang ibang masasaktan."

Dumaan ako lately sa pinakamababang punto ng buhay ko kung saan ang liit ng tingin ko sa aking sarili.

Maliit na nga ako, maliit pa tingin ko sarili ko? Ohh kamon!

Nakakalungkot. Nakakaiyak. Nakakadepress. Masakit sa kalooban. 

Dumating na rin ako sa point na lagi ko Siyang tinatanong kung bakit hinayaan niya akong magkaganito. Araw-araw ko Siyang binibisita sa Kanyang tahanan pero malabo pa sa tubig baha ang hinihingi kong mga kasagutan mula sa Kanya.

Hindi Niya ko sinagot ng diretso. 

Bagkus, hinayaan Niya kong maranasan na walang trabaho, walang makain, walang pera, sa lugar kung saan wala akong kamag-anak o kaibigan man lang.

Madalas akong nagpapanggap na masaya at walang problema tuwing kausap ko ang mga pamilya at kaibigan ko.

Pero sa totoo, para akong isang payaso na nagpapasaya ng maraming tao ngunit pagkatapos kong magtanghal, babalik na akong muli sa aking malungkot at madilim na buhay.

Akala ko madali lang ang lahat. 

Akala ko madali kong makakamit ang mga pangarap at mithiin ko sa buhay. 

Pero nabigo ako.

 kaya ngayon pati love life wala ako....

''ang buhay ay parang etits''

Sa buhay natin, kelangan ay matulad tayo sa isang MATIGAS NA ETITS...

 Kelangan maging matatag, palaban at marunog lumusot sa anumang butas na ating pinapasukan.

 Nahihirapan man tayo minsan, or nadadaliang makapasok sa loob,

 ang mahalaga ay i-enjoy natin ang bawat pagkakataon na meron tayo.

 Kung nahirapan ka, napagod at nasaktan, hayaan mong umagos ang malagkit na luha at damhin mo ang sarap

nito at buong puso mong maipagmamalaki na nadagdagan na naman ang bagong karanasan mo sa buhay...

Wednesday, August 3, 2011

"mga nakakainis sa facebook"

ma-arte na kung maarte. Suplado na kung suplado, ayoko lang talaga ng mga ito sa facebook users.

1.photo, video, or status na nga nila, sila pa ang nag like? Sya din ang unang nag comment. Nakukulangan yata sa pansin.

2.kahilig nila mag tag ng mga damit, pabango, or kahit anung produkto. Mga feeling endorser...

3.naka lobo ang pisngi, naka nguso, nagduduling dulingan, at iba pang arte sa photo. Naaasar ako sa ganun. May tao na maganda naman or gwapo. Pero mukang tanga sa profile picture.

4.may mga tao na maganda naman ang pangalan, kung bakit ang ginagamit pa eh "ako si __ , my name is __ , minsan binabaliktad pa yung spelling ng name nila. Ang iba gumagamit pa ng korean name. Mukang native na magsasaka naman ang itsura..

5.inaadd kahit hindi kilala or ka'close, halos mahigit isang libo na ang friends, o0 marami nga syang friend. Sa fb lang naman... Ang tanong, pinapansin ba sya?


ilan lang yan sa mga kinabibwisitan ko.
ang tamaan, edi sapul...