Powered By Blogger

Saturday, February 11, 2012

"biritera"



(Left to right: Eric Santos, Piolo Pascual, Dennis Trillo)
click photo to enlarge


Nagulat lang ako sa patalastas dun sa kapuso network, bagong palabas daw ito eh, biritera ang title tapos si Dennis Trillo ang nasa gitna? Siya po ba ang biritera? Paano naman si Eric Santos tsaka si Piolo Pascual? Sino po ba ang tunay na biritera?

"pre-valentines post ni alvin"

"mahirap i'let go yung taong hindi naman talaga naging sayo"

walang kinalaman yan sa blog ko ngayon, wala lang akong maisip na intro.
Malapit na pala ang Belentayms, nag order na ko ng flowers sa xpressflowers.com para ma surprise naman ang dapat ma surprise. Kalande?!

at bilang balentimes mag enumerate ako ng top 10 reasons baket kelangan ng Jowa?!

1. Malungkot ang walang sex life (una talaga ha?)

2. Naniniwala ako na isa sa primary empotional need ng isang tao ay ang sense of belongingness and togetherness na hindi mo basta-basta matatagpuan sa mga kaibigan.

3. Mura ang may ka-share sa gastusin lalo na pag nasa boarding house ka. Imagine, kung ang room mo ay worth 2500 petot magiging 1250 nalang, may libre kapang kaharutan sa gabi. hihihihi

4. Oo masarap mag isa, "Me time" ika nga. Wala kang iniisip kundi sarili mo lang. Pero wag na tayong mag paka plastic. Mas masarap ang may ka holding hands, may nasasandalan na mainit na braso at katawan sa movie house, mas masarap may kahati sa popcorn. Mas masarap may kayakap kahit walang sex, mas masarap may katitigan tapos naka smile lang ng mga 5 minutes. Umamin ka! Gusto mo yan, ganyan.

5. Mas masarap makipag away sa jowa tapos kiss and make up afterwards. Dahil pag nakipag away ka sa kaibigan as in kaibigan lang ha, walang kiss and make up. Inuman lang siguro. ganyan.

6. Shit nauububsan na ko. LOL Uhhhhmmm ano pa ba, mas masarap ng may nag lalaba ng brip mo with love and affection. Sama mo narin 'yung may nag luluto sayo at nag aalaga pag may sakit. 'yung nag txt sayo parati. eh pag wala kang jowa ang laman lang ng inbox moh eh promo lang ng smart or globe maghapon. Kundi ka mag laslas ng pulso sabay patak ng kalamansi.

7. Masarap yung putanginang mamatay ka sa kilig dahil sa mga surprises na sobrang wala kang idea. Awwww! Balentimes na talaga....

8. Masarap yung may kausap kang matino at malalim that is kung intelehente jowa mo. Minsan, hindi lang alindog ang masarap sa jowa pati ang intelehenteng conversation sa Starbucks tapos alam na susunod... LOL

9. Uhhhm nauubusan na ko talaga, Ihatechit. Masaya mag simba na may kasamang jowa, tapos makikita mo syang mag pray ng tunay at wagas. 

10. Masarap may jowa kasi may hihingan ka ng pera pag walang-wala ka na. Isang himas lang ang katapat. CHARAUGHTS!

Ikaw ano masasabi mo? Go!

Happy Balentimes Blogger friends! Love is kind. Love is patient... *HUGS Everyone*

"balentayms dey"

Sa Araw Na iyon. May darating na malakas na bagyo. Walang pasok sa paaralan at trabaho. Babaha. Lahat hindi makalabas dahil masiyadong malakas ang hangin at ulan. Hanggang sakong ng paa ang baha.

Commercial Holiday. Para makapag benta ng bulaklak ang mga bakla. Para mabili na ang mga tsokolateng malapit ng masira. At para mabahing at ma-allergy ang mga makakatanggap ng mabalahibong teddy bear. Para mapuno ng mga taong umaariba at nag hahanap ng sakit sa Sogo at Victoria court. Commercial Holiday para kumita ang mga minsan lang makabenta.

Kaso nga sa araw na iyon, uulan, malakas. Baka malugi lang sila.

Aanuhin ko?.Aanhin ko naman ang magandang panahon sa araw na iyon, wala naman akong gagawin. Wala naman akong sisindihang pulang kandila para maging masaya ang relasyon namin. Wala naman akong sisindihan puting kandila para tumagal ang purity ng pag mamahalan namin. Mag sisindi na lang ako ng katol para di ako lamukin sa kakahintay ng soulmate ko.

Baka kaming dalawa na naman ng laptop ko ang mag haharap sa araw na iyon. Baka ang laptop ko ang soulmate ko.

Mahina. Palpak sa mga banat kaya walang nasungkit. Ilang taon na ba akong nakikipag date sa sarili kong bayag? Isa, dalawa, o baka higit pa sa tatlo. Hindi kase epektib ang "Miss anong number mo? Nag loload kase ako" at " Miss alam mo hindi ako kontento sa iphone 4s ko, wala kase ang number mo."

Current Status

[ ] Single
[ ] In a relationship
[ ] It's complicated
[] Nag papataas ng level sa tetris battle

Baka lang. . .Pag bumalik siya sakin, baka lang sa commercial holiday, baka gumanda ang panahon, baka umaraw sa paningin ko. Baka lang wala naman talagang bagyo. Baka naman nasa isip ko lang.

Pero kung wala. Sa FEBUARY 14. Malakas ang Bagyo. (www.BecauseI'mbitter.com)

Sincerely yours,
berdugo...



Tuesday, January 3, 2012

year 2011

I can say that 2011 has been my year. Ang daming mga pangyayari sa taon na ito na hindi ko malilimutan. Parehong maganda at hindi maganda pangyayari but I don't have regrets. Everything happens for a reason and I guess the important thing here was I learned a lot from it. Arte lang.

as usual, walang date, walang seryosong relasyon, Nakaamoy ng kilikiling mabaho pa sa pusali ng Quiapo. Nakipag siksikan sa bus at MRT during rush hour.Kumain ng Chicken Rice hanggang sa Chicken Rice narin ang itae ko. Nag Enjoy ng bongga-jabongga at kinalimutan ng lahat ng emoness sa Pilipinas. Arte lang.

 Nag simulang umiyot magpapayat. Nainsecure. Nalungkot. Umarti. Umemo. Nag bike every MWF, nag Jogging ng TTHS, nag xbox everyweekend. Nag emo tuwing gabi. Charut.

nag blog, nang bully sa twitter at facebook, naglandi sa ibang site, nag upload ng malaswang
video sa malibog.tv, at tumibok ang puso. charut lang... at  syempre kumain ng marami!!...

happy new year!!............

Friday, December 23, 2011

hindi ako perpekto

nothing has been easier to find than my very own imperfections.

Hindi naman kasi ako gwapo na tipong boy next door. I don't even have that six-pack abs or a hunky body to die for. I don't have that kissable lips or an almond eye na pwedeng kakiligan. My teeth are not perfect para pumasa man lang kahit sa isang toothpaste commercial. My skin is not that soft at mas lalong hindi pwedeng mapagkamalang kutis-mayaman. Even my height, ay hindi rin papasa para maging modelo o pang-basketball player. 

And yet, I accept them. Because they are the perfect little pieces that make me whole.






I love myself, and i love every part of it.

Thursday, December 22, 2011

justin bieber photo pose


"The magde-devil's horn ako dahil gusto kong magmukang rocker pose."
(Sa totoo lang, kung hindi ka rock star, muka ka lang pacool pag nagde-devil's horn ka.
Tingin mo nakakatuwa ka pag ginagawa mo yan?)


 "The wala akong maisip na iba pero dahil gusto kong maghand-sign sa picture
magpi-peace sign ako pose."
(Kung hindi mo naman talaga pinagkakalat ang mensahe ng kapayapaan, tigilan mo na yan. 
Halata namang nanggagaya ka lang. Seryoso, mga taong gumaganyan lang din ang hindi mag-iisip na muka kang tanga.)


"The ang galing ko dahil nakagawa ako ng heart shape gamit lang ang kamay ko pose."
(Kung babae ka, mejo ok lang. Pero kung lalake ka, wag ka na. May mga taong ginagawa 'to para magtrip, pero kung ginagawa mo 'to dahil tingin mo maganda, gago ka.)


 "The that's my boy pose."
(Acceptable lang para sa mga batang 12 years old and below. Retarded ka kung ginagawa mo 'to kahit 13 years old or above ka na.)

Thursday, December 15, 2011

Programmed Audio Reaction


Ok na diskarte sana 'to para makalakad ka ng mas mabilis sa mataong lugar. Kaso sa Japan at China lang gagana yan dahil programmed na ang reaksyon nila na tumabi at magbigay daan pag nakarinig ng bicycle bell. Kung sa Pilipinas mo gagawin 'to, lalapitan ka lang ng mga naghahanap ng ice cream.