Powered By Blogger

Friday, September 23, 2011

''anak ka ng....."

naisip nyo na ba kung naumpisa ang expression na "anak ng..."? Galing kaya sa "son of a bitch" na tinagalog ng "anak ng p*ta"? Pero ganon pa man e hindi natin masasabi kung yung "son of a bitch" nga ang nauna. Malay nyo nauna pa yung "anak ng p*ta".

So san gaya galing? At hindi lang iisa, hindi lang "anak ng p*ta" kundi napakaraming "anak ng...". Gaya ng pating. E ano naman ang anak ng pating? Masama ba ang baby pating? At hindi lang anak ng pating, pati kalabaw, at hindi lang isa, sampu pa kung minsan, as in "anak ng sampung kalabaw". Hindi lang hayop. Pati mga bagay na hindi naman nanganganak e biglang nagka-anak. Case in point: tokwa. "Anak ng tokwa!". Unang-una hindi nanganganak ang tokwa. Pangalawa, walang pangalawa. Hindi ko lang talaga maintindihan kung san nag-umpisa at para saan ang mga salitang to.

Bakit hindi nalang yung posible at may taong katangian diba? Tipong "anak ng Mrs. Cruz!" o kaya "anak ng Baby Ama!" o "Anak ng Jolina!". Yun maiintindihan ko pa kasi binibigyan mo ng mga katangian ng posibleng maging anak nina Mrs. Cruz, Baby Ama at Jolina ang bagay ng pinagsasabihan mo.

Baka naman din wala talagang saysay ang mga expression na to? Baka lang naman sinasabi kasi magandang pakinggan? Parang cool. Pakshet hindi rin e.

Kung ganon nga din, pwede tayong pumili ng kahit ano na pwedeng idagdag sa "anak ng..." Tara gawa tayo.

Anak ng...

ipis, babolgam, sapatos, lamok, manggang hilaw, manggang hinog, buddha, bolpen, notebook, lapis, bag, tsinelas, mouse, monitor, webcam, pusang patay, pusang tumatae ng supot, haponesang sakang, sun dried tomatoes (shala!), kulangot, pimpol, burnik, jebs, paa, hita, tyan, bilbil, ilong, bibig, dila, psp, magazine, celphone, koche, jeep, tricycle, tricycle driver, manong fishball, channel v, kumot, electric fan...

Nakakabaliw na text ads!

Hindi na talaga mapigilan. Mapa TV, radyo o dyaryo, andyan na ang mga nakakabaliw na text ads! Eto ang mga text ads na talaga namang nakaka-(b)aliw!




"Hu mn ka2kla2 ky j*** b***** kndly giv hs # 2me. 0918*******"

"Im looking 4 my I lost dad margrito m**** sr.. col txt gari 0926*******"

"Im Anne. 17,f, nid txtm8, lezbian only. 0922*******/0918*******"

"Hnap lng po zna ako ng ktxtm8, im karlo from cavite 0919*******"

"Im chai 25 F, luking 4 a txtm8. Pr mkta q kau at mkta u rin q 0920*******"

"Wnt 2b excitedianz? B 1 of us."Excited People Clan"0906*******"

"Kulot, alam q n ngaun n kung bkit mlyo k s akin"

"Hi Angel ur my sperman"

"Need ko matrona,hiwalay o biyuda any age ok, txt me champ-0917*******"

"iloveusomch rose*** ****** itsme, bebebear25"

"Hi' mheg's here, single mom' 24' just wnt 2 have m0re frndz, 0921*******"

"Hi girls txt me my #0920*******"

"Hi i'm carlo, hnap k txtm8 n grl n my aswa. Lgi kc away aswa k. Txt me 0916*******"

"Hi LaiSE! GndA tlg name m.hrp mka-limutn.mhlnmhl kta.. ur.d.cmra"

"Im ron im luking 4 a hotmomma 30-45 just txt me 0927*******"

"hi im marjolaine i need txtm8 18-20 boys only ung hnd kuripot mag txt. Just txt me 0928*******"

"Hi, can u be txtmate? 0922*******"

"Im cute Jeleen, 31, nids male txtmt hu kn0ws inverted squatraz hirs my cp# 0910*******"

"Naghahanap me ng txtmt n pulis, male only 30-40 yo, im jeleen hirs my cp# 0910*******"

"Hi tu ul TFC scuba divers bai suppurting WAWAWI!"

Ewan ko sa inyo pero ako, sumakit tyan ko sa kakatawa pero sumakit muna ulo ko sa pag-iintindi!

Another Filipino Discovery!



Alam nyo ba na isang Filipino scientist ang nakadiskubre sa isang Viagra alternative? Gawa ito sa makahiya! Pakukuluan mo lang ang dahon ng makahiya at iinumin ang sabaw nito. Titigas ng wala sa oras ang etits mo. Yun nga lang, pag hinawakan, uurong.

Tuesday, September 20, 2011

''foodtrip tayo''

sa taba kong ito, di maipagkakaila na mahilig akong kumain,
(halata naman eh...) kaya gusto kong ishere sa inyo ang mga
paborito ko na nabibili lang sa kanto. tulad nito....















sarap no?..... pero ang ibang madlang pipol na mababa ang pinag-aralan
sinasabi na sa taba kong ito, wala na daw sigurong pagkain na hindi ko
kakainin. (patay gutong daw ba?) pwes...... mali sila eto ang ilan sa mga 
di ma-take ng aking panlasa.

















o ayan,.... see?... maselan di kaya ako.....  lalo na dun sa chicken curry. 
ayoko nun kase pag naaamoy ko yung ulam na yun parang naaamoy ko 
yung kili-kili ng katrabaho ko na si mang mario. amoy putok kasi eh... 


yan lang muna ang maibabahagi ko sa inyo sa ngayun. di ako masyadong
nakakapag blog kasi masyado akong busy at kapos sa pera nitong nakaraang 
linggo. wala kasi akong sariling pc. hampas lupa kasi me eh......


Thursday, September 8, 2011

Roll the die and enjoy!!!






Tips: Pag hindi kagandang lalake at Hindi ka-Machohan

1. Dapat mabuti ang puso mo

2. Dapat mabango ka 24/7! Mga 4 sets ng perfume in a week. Minimum of 4 sprays hindi yung kalahating pindot lang sa pabango mong mamahalin. Tag tipid much?! Dalawa sa likod ng earlobes mo, dalawa sa tagisang wrist tapos dagdag mo narin 2 sa may bandang shoulders para pag may sumandal alam na...

3. Dapat brainy ka! pwede narin street-smart 'wag tatanga-tanga. Mabilis catch-up dapat.

4. Dapat hindi ka bad-breath kung hindi ka palasalita mag-baon ka ng mint. Yung manipes na parang plastic na square na sobrang anghang ('di ko alam tawag eh) para pag nag-sabeh ka ng, "Hi dur Mes!" Pahangin ang pag sabeh mo para angas! Fresh breath!

5. May etiket dapat. Hindi nag ka-kamot ka ng betlogs sa madlang pipol lalo na sa harap ng Chikas. Pwede naman sumimple kung kamot na kamot ka na pag nakaupo na sa retawrant. Wag ka rin mag-titinga ng basta ka nalang nga-nga at susungkitin yung isang tipak ng karne sa bunga-nga mo. Taong Java?!

6. Dapat friendly ka. Hindi ka na nga kakinisan at katangusan ng ilong 'di ka pa nag sasalita. Edi hindi ka nag exist. Wag karing Epal, may thin line yun. Tanga?!

7. Dapat may pera ka. kahit hindi marami basta meron. Ikaw pa papa-libre?! Hindi ka na nga flawless at cute papalibre ka pa?!

8. May sense ka dapat kausap. Pwede rin naman daanin mo nalang sa humor, iiiiihhhh basta 'yun na 'yun. Babala pag sablay ang bitaw ng humor isang malaking trash ka sa banga.

9. Mag damit ng maayos, hindi kelangan bongga basta maayos. Sa mga katulad nating hindi ka-gandahang lalake pag-bumongga ng Porma, masagwa. Trying hard! LOL

10. Dapat humble ka. Mag yayabang ka pa??!! Artista ka koya?? Bench Uncut Model??!! Teleserye prinsepe??! Machete??!!

Ang lahat nang inyong nabasa ay mula sa panulat ng isang anonymous writer...
Ching!