Powered By Blogger

Wednesday, July 27, 2011

10 chategories ng tao na ne'encounter ko....


na realize na masarap palang mag obserba ng tao at ng environment na ginagalawan nila. Dito ako nag simulang maging observer. Sa totoo lang, sa profile ko sa mga social networking sites lagi kong nilalagay sa filled ng interests ay "Observing People". My facination ako sa tao at sa kanilang reaction at pananaw sa mga bagay bagay. Mas gusto kong makinig kesa sa mag salita lalo na pag bago ko silang kakilala tapos inaassess ko sila at kina-classify ayon sa category na meron ako about people.

Marami at iba't ibang uri ng tao ang aking nakasalumuha na sa mga nakalipas na taon may aso, kabayo, turtle,mice at Ostritch, joke! Sabi nila people person daw kasi ako. Madalas ay pleaser din. Ayoko ng merong masasabi sa'kin na hindi maganda kaya kahit nahihirapan ako ay parang automatic na nag aadjust ang aking system para ma please sila. Alam kong hindi maganda ang ganitong pag uugali pero ganun talaga eh, still work in progress pag dating sa ganyang aspeto.

So ang ishare ko sa inyo ay ang classifications ko sa mga taong na encounter ko sa aking life. Ang mga bagay na mababasa nyo ay hindi dumaan sa mataas at masusing pag aaral meaning imbento ko lang ang classifications na ito kaya wag nyong dibdibin. Sa akin lang sya nag originate base sa personal experiences ko. Tinatamad kasi akong mag kwentong ng mga shit kaya ito nalang ang i shi-share ko.

1. Epal na Froglet

Itong mga tao na ito ang madalas na hindi kinakaya ng kapangyarihan ko. Sila 'yung mga putanginang tali-talinuhan sa lahat ng bagay pero puro ka shitan naman talaga ang sinasabi. 'Yung laging may masasabi na feeling nila intellectual sila but it's not, demet! Pero kung tatanungin mo ang majority (kasama ako dun) ang masasabi lang nila ay isang malaking, "DUHHHHHHHHHHHR!!!! " meaning walang dating. Para lang silang latang nag iingay na masakit sa tenga.Madalas ang mga taong ganito rin ang Eps at napaka lakas ng personality in a very irritating way. Sila 'yung mga taong hindi ko iniinvite sa mga outing. Dahil 100% masisira lang ang araw ko. Madalas yung mga taong ganito rin yung papalapit palang gusto mo nang suntukin. Tsaka wala namang ginagawa sayo pero ang init init ng ulo mo sa kanya.

2. Feeling

Itong mga tao naman na ito ay pinanganak na assuming. Feeling nila ang axis ng mundo ay umiikot lang sa kanila. Sila na ang matalino. Sila na ang makinis. Sila na maganda't pogi. Sila na ang phurfect! Lech! (May galit?!) Hindi nalalayo ang mga froglets na feeling sa mga epal. Mas higher lang ang irritational capability ng Epal na frogs kesa sa mga "feeling". Dapat po ay mag ingat tayo sa mga feeling dahil ang mga taong itong ay hindi magandang impluwensya pag naging close mo baka mahawa ka pa. Sila rin yung mga taong salita ng salita pero hindi handang makinig.

3. Steady Frog

-Ito ang mga taong ka wavelength ko. kung baga pareho ng frequency signal ang tinatakbuhan namin. Ito ang mga taong steady lang. Hindi maangas. May sense of humor. Alam kung kelan babanat ng punch line. Sila yung kayang pag tawanan ang mga maliit na bagay na walang sense sa mundo na madalas hindi maintindihan ng mga siryoso sa life. Mapanlait pero hindi naririnig ng nilalait for the sake of may mapag tawanan lang. Sila yung magkatitigan lang alam na ang ibig sabihin at pwede ng tumawa ng beri beri nice. Sila rin ay mga taong hindi bobo at hindi matalino pero smart. Hindi sila mag mumukang tanga sa isang awkward situation. Pwedeng kumain ng fishballs sa kanto pwede rin kumain sa five star hotel. May mabuting puso in a very special way. Sensitive sa nararamdaman ng iba. No dull moment. Sila yung masarap kasama sa mga overnight gathering. Masarap ka kwentuhan 24/7.

4. Nerdie Frog

-Ito ang mga taong bookish, yung mga matatalino sa skul pero bokya ang social life (hindi naman lahat, almost lang). Sila 'yung kalimitang nag e-excel sa skul tapos maganda work kasi nga matatalino. Meron din Nerdie akong na meet sa mga pinag trabahuhan ko. Ayokong dumikit sa kanila kasi ang weird. I mean, fine matatalino sila given, sila na ang imbentor ng bagong technology, and developer ng dekalidad na firmware! I don't give a damn! Pwedeng mababango ang ilan sa kanila pero may something na hindi ko ma define about them. Basta ok lang naman sila basta dun lang sila sa mundo nila wag na nila akong i invite pa na makijamin. Don't get me wrong hindi ako choosy sa mga sinasamahan ko, medyo lang. Pero ang mga nerdie iba lang ang trip nila tipong mag sodoku or mag solve ng math problems or mag program at paganahin ang robotics project sa office.

5. Sosyal na frog

-Ito ang mga sosyal na tao. Mahilig sa shopping at kung anu anung gastusin at ka shitan. Pwedeng mayaman sila pwede rin nag mamayaman lang (tulad ko) basta ang point mahilig sila sa mga expensive things. Tipong LV bags and wallets. Channel bags. Lacoste shirts at kung ano ano pang shit. Ginagawang karindirya ang sofitel at Circles. I mean hindi naman ako against sa mga gantong tao. Sarap nga sumama eh, ganyan lang talaga ang life style nila period. At hindi ako nabibilang sa mga ganyan, meron lang akong mga nakasalamuhang Sosyal na frog pero mababait naman sila at hindi maangas. Kaya steady narin.

6. Problematic Frog

-Ito yung mga taong problematic. Bread winner. May sakit si Nanay tatay si bunso at kung sino sino pa. Pinag aaral ang kapatid.Kulang ang sweldo. I mean lahat naman tayo may problem pero itong mga taong nag fa-fall sa ganitong category ay extream talaga. Masarap silang kasama kasi ma eencourage ka sa kanila. Specially on how they are able to superceed this state (Superceed talaga?! makapag english lang) Itong mga tao na ito mahirap biruin ng mga walang kwentang joke kasi masyado na silang seryoso sa buhay. Bunga narin siguro ng mga challenges sa buhay nila. Pero pag nadikit ka sa mga taong ganito 100% may mapupulut kang lesson.

7. Church People

-Sila yung mga taong malapit kay Papa Jesus. Nag fe-fellowship parati. Nag pray all the time. Hindi Judgemental. Sila ang mga favorite kong kasama pag nalulungkot ako. Nakakakuha ako ng good advice from them. Masarap din silang kasama sa kantahan ng mga hillsong at kung ano-ano pang praise and worship song. Masarap silang kasama magaan sa puso.


8. Back Packers

-Ito ang mahilig gumala. Masarap sumama dito. Parang free ka! Ang sarap kayang dumayo sa lugar na hindi mo pa napupuntahan. 'Yun nga lang medyo magastos. Usually yung mahihilig gumala masaya kasama kasi cool sila at sanay makisalamuha sa tao. Sanay makipag biruan sa kahit na anong klaseng tao.

9. Panget ang Ugali

-Marami neto. kahit saan meron nito. Back stabber. Chismoso't Chismosa. Crab.Ingittero't ingittera. Maninirang puri. Maitim ang budhi. Panget na nga muka panget pa ugali. Meron din naman maganda itsura nuknukan naman ng panget ang ugali.

10. Orocan at Taperware

-Ito ang pinaka mahirap na mahuli. Sila ang mga taong akala mo mabuti pero hindi. Akala mo may maputing puso pero ang totoo dark green pala. Baket hindi black? Gusto ko lang green paki mo. Mag ingat sa mga taong ganito ang pag uugali, napa ka dangerous. 

Napapagod na ko! Ilan lang yan sa mga categories ko pag sinipag lalagay ko 'yung iba. Baka pag nilista ko lahat wala ng mag basa kasi magiging novel na.

Salamat sa pag tyatyagang mag basa ng walang kwentang entry. God Bless!



Saturday, July 23, 2011

Chili Lumpia ala berdugo

Good day my beloved readers. This is Chef berdugo and for today, i will teach you how to cook a very yummy and unique finger food that can be serve in any occasions. For your kind information lang mga kaibigan, natutunan ko lang ito mula sa isang kakilala na nagtatrabaho sa isang hotel somewhere in the south, and i found out lately na isa din pala 'to sa popular starter dish ng Gerry's Grill restaurant.

Kahit allergic ako sa maaanghang na pagkain, hindi ko napigilan ang sarili ko na magustuhan ang putaheng 'to lalo pa pag ako mismo ang nagluto. Love your own kumbaga! Bwahahaha.

Kaya naman eto, wag na tayong magpatumpik-tumpik pa. Umpisahan na natin ang pagluluto ng Chili Lumpia ala berdugo.

Ihanda ang mga sumusunod na ingredients:

20 pcs. long green chili, siling haba
20 pcs. lumpia wrapper
cheese, cut into strips

Dipping Sauce:

1 cup mayonnaise (or a choice of your own)

Cooking Procedure:

Filling: Slit along the length of each chili and scrape off and discard seeds. Rinse thoroughly with running water and drain. Keep aside. 

To Assemble: On a plate, place one piece of lumpia wrapper. Put 1 chili at one end of the wrapper making sure when rolled, the stem of the chili is exposed. Fill the chili with cheese. Fold end and roll wrapper. Wet the other end with water to seal. Repeat process with the rest.


Frying: Pour olive oil in a frying pan. (Arte lang! Bwahaha.) You can use any kind of oil 'wag lang baby oil. Now dip each roll and deep fry at medium to low heat for 2-3 minutes or until the wrapper turned to golden brown. Remove from the frying pan and drain excess oil.


Serving: Serve while the skins are still crisp with the prepared dipping sauce.

                       Chili Lumpia ala berdugo.....

Thursday, July 21, 2011

harry potter

malamang isa ito sa kamag anak ni harry potter.
halata ba? malamang hinde. ang layo ng itsura
nila noh,.... pero dito ka bibilib sa broom stick.
isang lumang walis tingting na lumilipad. hanep....
kung bakit lumilipad eh hindi ko p[o yun alam.
tingnan nyo nalang yung itsura ng nkasakay....
muka nag naman talaga syang mangkukulam.
lol..........

alin kaya ang mas mabilis? yung motor o yung
broom stick?...
 Harry Pothead and Haggard

"The search for Professor Dumb-Old-Dork" 

Saturday, July 16, 2011

TIPID TIPS NI ALVIN

Hindi ko ine-expect na darating sa point na gusto kong mag blog pero wala akong masulat as in wala, dahil siguro iyon sa kapangyarihan ng sinigang ni aling lydia. Pag hinihigop ko kasi ang sabaw ng sinigang nya ay napapapikit ako ng slightly bongga at napapasabi ng, "Aray! pota ineeet!"

Malay ko bang mainit ang sinigang nya kung alas-singko na ng hapon?

Marahil maitatanong nyo baket alas-singko ako nag lunch. Ang masasabi ko "Anung paki nyo sa life ko?!" Chos! Kasi nga po sobrang inet sa kwarto ko. Tsaka si haring araw ay ayaw paawat na sikatan ang muka ko. Kahit ang makapal kong Green Curtain ay hindi ito kinakaya. Kaya early to rise ako. Isa na siguro ito sa effect ng El Ninyo Phenomenon (hindi ako marunung gumawa ng enye kaya ganyan nalang spelling)

Sinubukan kong mag basa basa ng articles about El Ninyo pero nag nose bleed lang ako. Ganun siguro pag pabobo ka na ng pabobo lumalapot na ang utak, joke! Ayon sa facts at pag kakaintindi ko sa nabasa kong article ang El Ninyo daw ay isang abnormalidad na nagaganap sa karagatang Pasipiko sa my area ng ating equator na kung saan normally ang hangin ay umiihip from East to West since mas colder sa East end ang Colder Water doon ay na didistribute papuntang West end pero sa case na 'to nag iiba ang ihip ng hangin or nag kakaroon ng issue sa pag punta ng tubig sa west kung kaya puro hot water lang nandun na nag cacause ng mataas na temperature tapos nag cause ng tag tuyot at di pag ulan.

Pero sa tingin ko na gagalit na satin si Motha Neycha kasi nga abuso tayo sa kanya. So sa ganitong panahon paano ba tayo makaka tulong in our own little way?

Heto ang ilan sa mga suggestion ko. Kung ayaw nyo gawin kebs!

1. Since nag kukulang tayo sa tubig dapat mag tipid. Kung tatae wag ng gumamit ng flush kasi mas marami iyong nakukunsumong tubig. Pag iihi wag din. Kung natatae ka tanuningin mo ang kasama mo sa bahay kung na tatae din sya. Tapos mauna ka na tumae pero wag kang mag flush. Tawagin mo ang next tapos sya naman ang tatae susunod, ngayon kung wala ng tatae saka mo na buhusan ito.

2. Since mainit given na dapat tayong maligo araw araw, ewan ko nalang sa inyo kung di kayo araw araw na liligo, kamusta ang skid mark sa brip nyo. Pag maliligo sahurin ang tubig at i-imbak ito sa isang malinis na lalagyan kasi pwede nyo itong gamiting pang tutbrash tsaka pang buhos ng tae nyo at ihi.

3. Wag ka ng mag electric fan pag matutulog ka lalong lalo na ang Aircon kasi malakas mag consume ng Kurente. Mag nude ka nalang pag matutulog ka at gumamit ng abaniko. Sige na nga, kung sobrang init mag electric fan ka pero dapat 1 hour lang i timer mo sya. Kung walang timer ang electric fan mo wag ka ng mag electric fan.

4. Mag imbak ng maraming plato at baso at kutsara. Pag tapos kumain itambak lang lalabo ang kinainan hugasan ang lahat ng kubyertos na ginamit tuwing sabado lang. Para tipid sa tubig. Mag Spray nalang ng baygon para walang ipis sa paligid.

5. Gumamit ng side A at side B sa Brip, Boxers at Panty para tipid sa sabon at tubig

6. Gamitin ang baterya ng kotse para manood ng tv. Gumamit ng di-uling na plantsa sa pag pla-plantsa ng damit.

7. Itapon ang DVD, Play Station, Wii at kung anu anu pang shit na mag kokonsumo ng kuryente

8. Wag kang mag tikol everyday dapat MWF lang (di ko alam baket kasali to)

9. Kung gagamit kang CR para maligo wag ka nang mag sindi ng ilaw. Kabisado mo naman kung nasaan ang kilikili, singit, betlog at face mo malilinisan mo rin sila ng maayos. Nakatipid ka pa.

10. Patayin ang Main fuse pag aalis ka. Hayaan mo ang katulong nyong gumawa ng paraan paano lilipas ang mag hapon nya. (joke lang ang last wala na kasi akong maisip)

Sana po ay nakatulong ang mga tips ni alvin... See you Monday po at happy weekend sa inyong lahat!