Powered By Blogger

Saturday, July 16, 2011

MANYAK!!....



Nagpunta ako sa palengke ng cabuyao laguna nung Lunes para tumambay at maghanap ng mga parokyano. Kelangan ko kasi ng dagdag allowance kaya naman ito lang ang tanging paraan na alam ko para mabilis na kumita ng pera - ang pagbebenta ng aking sariwa at murang katawan.

Ching!

Joke lang! hahaha.

Umandar agad ang imagination nyo noh?!

Actually, nagpunta lang ako sa palengke para magpagupit magpa-semi kalbo ulit.

Nagpalakad-lakad lang ako hanggang sa umabot ako ng dulo ng mabahong palengke. (joke..) at may nakita kong barber shop. 

Pumasok agad ako sa loob. 

May ginugupitan pa si Manong kaya naman tumambay muna ko at nagmuni-muni.

After 10 minutes, tinanong ako ni Manong: "Papagupit ka?"

"Oo", maikling sagot ko sa kanya. 

Taena sya! Ano pa ba ibang gagawin dun eh puro gunting at razor lang ang nakikita ko. Kakain ako ng blade ganun?! 

Anyway. deadma lang ako. Sayang ang bawat segundo ng buhay ko kung aawayin ko sya. 

Nung natapos na yung ginugupitan nyang lalaki, tinawag na niya ako.

"Bhe, halika na.." wika niya.

Napatingin ako to the left and to the right. Wala naman ibang tao.

Shet! 

Tama ba 'tong nangyayari?

Sa huling pagkakita ko sa birth certificate alvin villanueva ang pangalan ko dun at hindi ''bhe''. 

Anyway, umupo na ko sa silya elektrika para magpakalbo. 

"Bhe, anong gupit?" tanong niya sa akin.

"Dos!" suplado kong sagot sa kanya na sinabayan nya ng isang malagkit na ngiti. Na halata ko naman pustiso ang kanyang ngipin.

Naiwan lang kaming dalawa sa loob ng barber shop kaya kinabahan ako kay Manong.

Nilagay ko sa kandungan ko ang dala-dala kong mini body bag para maprotektahan si Junior laban kay Manong Bampira. (Ang mga bampira ay ang mga kalaban na nang-uubos ng lakas at katas.)

Kumuha si manong ng tissue para ilagay sa leeg ko. Oo alam ko naman normal yun sa mga barber shop pero yung...

yumuko ka sa likuran ko at amuyin ang Davidoff Cool Water na perfume sa likod ng tenga ko..

isang malaking kalokohan. 

Obvious na si Manong! 

Isa siyang praning este Bading!

"Ang bango bango mo naman..." malambing niyang sabi sa akin.

Kinilabutan ako kay Manong. 

Hinanap ko agad kung nasaan yun gunting at labaha para in case may gawin siyang masama sa akin, madali ko syang mapapaslang. Okay lang saken maging male version ni Flor Contemplacion para lang maisalba ang aking virginity. Bwahahaha! 

Habang akmang lalagyan nya na ko ng tissue sa leeg, hinawakan niya ang kwelyo ng polo ko.

"Pwede bang buksan ang butones ng polo mo?" nakakatakot niyang tanong sa akin.

Kinakabahan na ko that time, abot hanggang betlog. 

Mabilis ang kamay niya kaya hindi na ko nakapalag. Sinilip niya pa ang loob ng polo ko at kitang kita ko sa salamin na nasa harapan ko kung paano siya nanggigigil na maka-chancing sa akin. Puwes, maglaway sya sa seksing si alvin v.. Pak!

Inumpisahan niya na ang pag-shave ng buhok sa aking ulo at kung makahawak sya sa ulo ko, para syang nanghihimas ng etits. Ganun!

Kaya diring-diri ako. 

Habang ako'y kanyang ginugupitan ay pumapatak ang mga luha sa aking maaamong mata. 

"Ang dirty dirty ko..." paulit ulit na bulong ko sa aking sarili.

Hihihi. Arte lang!

Nabastusan na ko sa kanya nung binuksan nya ng biglaan yung butones ng polo ko at sinilip yung dibib at 6-pack abs ko kaya pinaramdam ko sa kanya kung paano ako mabadtrip.

"Bhe, matagal ka na dito?" muli niyang tanong.

"Hindi." sagot ko. 

"Ahh, so bago ka pa lang. Anong trabaho mo dito?" pahabol niya,

"Pumapatay ako ng baklang manyakis!" pagtatapos kong sagot sa madaldal na bampira.

Dali-dali niyang tinapos ang paggugupit sa akin at naging seryoso na ang kanyang mukha.

Matapos niya kong gupitan, inabot ko sa kanya ang 50 pesos na bayad ngunit di niya ito tinanggap.

Inihaba niya lang ang kanyang nguso at itinuro yung babaeng mukhang kuhol sa may pintuan. 

Sa kanya ko inabot ang bayad at dali-dali akong lumabas sa barberya ni Manang Bampira.

The End. 



KUNG ALAM KO LANG DITO NALANG SANA AKO NAGPAGUPIT......





  

Saturday, July 9, 2011

Hey, pwedeng magtanong?

Kung first time ka lang nagawi sa blog site na to...

Or kung madalas ka nang bumisita dati pa...

O di kaya naman ay lagi mo na rin sinusubaybayan ang mga blog posts ko simula nung nag-uumpisa pa lang akong magsulat...




Gusto ko lang malaman,

ano ba ang FIRST IMPRESSION mo kay alvin v.?!?

Si alvin at Si Kuya Manong

Sa mga panahon na ganito nakakairitang lumabas para gumimik or mag shopping or even makipag siksikan sa rush hour papuntang office. Bukod sa fact na wala akong pang shopping which by the way is most frustrating of all, eh, sasabayan pa ng potanginang bigat ng trapiko sa metro at mga strong bones na taxi drivers na more-more hingi ng dagdag, at hindi lang basta bente-bente ang hinihingi nila. Anak baka! Strong bones?! Hindi lang 'yon, nakukuha pang mamili ng pasahero (Choosy much?!) kahit na isang tornilyo nalang ang umaagapay sa sasakyan nila para hindi ito tuluyang mapunta sa junk shop. Hindi ko naman ni lalahat pero ang dami nila these days, mga mapag samantala, palibhasa maraming pasahero.

Meron akong na experience, last week lang, kumurap lang ako ng isang mili-second nadag-dagan na ng 2o petot yung metro. Inisip ko kung Airport Taxi ba ung nasakyan ko at medyo maatim ko yung mabilisang dagdag ng metro, but NOOOOOOOOOOOOOO, K-I-A Pride ito na pupugas-pugas ang Aircon. 'Yung tipong mas malamig pa sa labas ng taxi kesa sa loob. Feeling ko nga chicharong bulaklak na ko pag labas ko. Yung super crunchy or minsan iniisip ko kung nasa loob nga ba talaga ako ng taxi or nasa compartment ako, ang inet kaya.

Okay, dahil sa spirit ng Christmas pinag bigyan ko si Kuya Manong. Maya-maya pa, tinanong ko baket kame dumaan sa mga eskinita na hindi familiar sa akin, natakot me ng slight baka salvage 'to. Sabi nya short-cut daw para iwas traffic. Sabi ko naman, kahit saan ma-traffic, dadag-dagan ko nalang 'yung bayad ko.

Ampotah shet!

Si Kuya Manong nag marunong-marunung pa sa pasaherong araw-araw the same ang route. Naipit kame sa traffic lalo tuloy, by this time gusto ko nang ingud-ngud ang pag mumuka nya hindi sa manubela kundi 'dun sa ilalim ng paa nya, dun sa tapakan ng gas para maamoy nya yung paa nya, buset! kaso naisip ko ang hirap naman ata 'nun effort on my part kasi nasa likod ako nakaupo (Naiimagine mo ba ang effort na gagawin ko?!) Kaya sa manubela na nga lang. Pero, dahil nga mag papasko, hinayaan ko nalang si Kuya Manong at nag txt nalang ako sa Boss ko na i'll be comming in late because something came up. Gasgas na gasgas na ang something came up na dahilan ko, 'di ko sure tuloy kung may kapangyarihan pa iyon, Puta!

Para hindi ako masyadong ma-bore nag sit ups muna me para sa aking six pack abs. Juk! Natulog muna ako ng 8 hrs, chos! Mga 20 minutes lang. Pag gising ko... Sa kabutihangng palad, hindi parin kame umaandar. Putanginaaaaaa! nasa 120 na ang metro. Lampas na sa budget ko.

Okay lang sana kung malamig ang taxi like yung mga bagong Vios na nagkalat kaso hindi eh. Nakita ni Kuya Manong na hindi na ako kumpurtable Ate Charo kaya para gumaan ang loob ko bigla nyang kinabig ang manubela at nag U-turn papuntang Edsa. Nampota kung kanina pa kame dumaan dun eh nasa office na ako at nakapag update na nang blog. Sucks to be me!

Total ng metro ay 160 petot, binigyan ko sya ng 200 petot, sabi ko sa kanya na yung 40 petot na sukli muka kasing 3 months na syang hindi nakakakain. Imbes na mag pasalamat humirit pa ang punyeta na dagdagan ko daw ng 10 pesos para 50 na. WTF!!!!!! Pag hahanapin mo pa ako ng Barya Kuya Manong?! Seriously?!

Dahil mabuti ang puso ko (walang kokontra blog ko 'to, mag blog ka rin at doon mo sabihin mabuti ka) nag hanap talaga ako ng barya sa bag ko. Puta sya! kung di lang mag papasko sinungal-ngal ko na 'tong si Kuya Manong ate charo.

Pag baba ko naman may lumapit sa akin na 3 street children, sabi ko sa kanila, "Dude! I can only do so much" Arte lang.

Binigyan ko sila ng baon kong Gummy Worms.

Pinish!

Confessions: Frustrations of being a Fatboy

Kahit kelan Hindi ko pinag kaila na mataba me kitang-kita ibidensya. Respeto lang sa mga manlalait ha?!

Nabuhay akong chubby mula ng bata pa ko. Cute nung maliit, pinag kakaguluhan lahat ng tao. Mga tindera at Sunog-Baga boys gusto 'ko bigyan ng candy parati, ako nag papa-gaan ng umaga nila sa tuwing bibili kame ng pandesal ni Papa. Lahat ng mga tao sa palengke pinag aagawan ako. Kung kaya ko lang sila bigyan ng autograph noon ginawa ko na. Pag wala kameng pang-ulam sa lunch dadalhin lang ako ni Mama sa Tindera ng isda tapos sasabihin ko lang, "Penge isda!"

Boom...Coco Crunch!

Fiesta na sa bahay namin.

Pero habang tumatanda tapos dumadagdag ang timbang. Nagiging lesser din ang cuteness! Ugliness na ang nangingibabaw, hatechet!

Nung grade school nga ako ayaw ako isali sa agawang base ng mga kaklase kong sing iitim ng uling at putik (bitter parin?!) dahil mabagal nga daw ako tumakbo. Mga hayop! Sila na ang the flash! Sila na ang sing bilis ng Kuneho tumakbo. Letch!!! Kung kaya ko lang ibuhol ang intestines nila sa ngala-ngala nila eh gagawin ko talaga. Pero, dahil model student mey noon pa man, tinitiis ko ang lahat ng bullying nila Ate Charo kahit masakit. Arte lang!

Lumipas ang maraming taon. Mga 3 years.
Lumipas din ang madaming sinigang, jollibee, mcdo na nakain me kaya lalong nadagdagan ang timbang me. Nung high school pag may tirang pansit sa Canteen pinapatawag ako ng teacher namin, sabi kainin ko daw yung tira. Hello! Isang planggana kaya yun?! Mataba lang ako pero hindi ako hipo! Besides kung Spagetti yun eh baka pwede pa, pero pancit?! Yuck! I don't eat that...Nakakasakit na sila! Sobra na! Gusto ko nang mag pasagasa ng tren sa railway papuntang Hogwarts habang lulan ng tren ang mga wizard students.

Fast forward to future...

Mataba parin.

Naging achiever naman ako. Hindi naman masyadong naging hindrance ang katabaan ko para mag blossom ang aking career at personal life. Nakakatulong naman ako sa maraming tao at malinis naman ang puso kong sing dalisay ng fountain of youth. Pero naman! Gusto ko nang pumayat pagod na kong maging mataba ate Charo. Arte lang ulet.

mataba parin ako...

Sa aking attempt na mag-papayat dumarating sa point na nakaka-disappoint na talaga ang mga situations, kasi feeling ko 
wala namang nangyayari, pinapagod ko lang sarili ko sa mga kalokohang ito at pinahihirapan ko lang rin ang sarili kong 

wag kumain nang mga masusustansyang yummy food tulad ng lechong kawali at Cripy Pata. Madalas pag tanghaling 

tapat napapa-sandal nalang ako bigla sa wall habang dahan-dahang nag slide ang likod ko pababa at nakakapit ang isang 

kamay ko sa pader sabay luha sa kaliwang mata lang. Yung isang mata naman tuyo walang luwa.Arte lang!

Tapos kanina nag aayos ako ng files sa external hard drive ko kasi punong-puno na ng mga porn na bigay ni 


wickedmouth at wala na kong mapag-lagyan ng mga movies na magaganda tulad ng Oras-Oras araw-araw, Pick 

-Pak Boom, at Kapag puno na ang Salop. Kaya naman dinelete ko na ang lahat ng Porn kasi masama 'yun. Tapos 

habang nalulungkot ako kasi nagugutom me nakita ko ang picture ko sa bulok na cp ko. yun yung hindi pa ako 

masyadong malaki.

eto na......




Okay mataba parin me and I am not the biggest loser of all time. But I think I'm getting there...

Friday, July 8, 2011

jologs

suplado ako, kaya naiinis ako sa mga taong ganyan. parte ng kajologan ang mga porma at ang mga panget at na

 musika. Hindi ako sumasama o nakikipag kaibigan sa mga taong ganun. Kase natatangahan ako sa kanila. marami sa

mga katrabaho ko ang ganun. Kaya lagi ko silang binabara pag kinakausap nila ako. Ayoko nga,.. Baka makita

ako ng isa sa mayayaman at sosyal kong friend, iisipin nila na mababaw din ako. Dyuk...

Basta.. kaya pili lang ang kaibigan ko.

P.S. wag kang kakanta ng kahit anong ginawa ni april boy, eigis, jbrothers, at kahit ano pang baduy na kanta o banda. Para di kita masaktan. Lolz..

Thursday, July 7, 2011

Bob Ong's 14 Tips Para Sagutin Ka ng Nililigawan Mo

1.    bili ka ng century tuna. ilagay mo sa isang napakalaking box, yung sinlaki ng tv o kaya box ng desktop pc mo. tapos balutan mo ng magarang pambalot. kuntsabahin mo na yung teacher niya sa calculus. sa gitna ng klase, bigla kang kumatok sa classroom. pero dapat, incognito ka. magsuot ka ng lbc jacket, magshades, at magsuot ng surgical mask. pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher, at papirmahin mo ng acknowledgement receipt. tapos pabuksan mo in front of everyone. tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya. later during the day, ‘pag tinanong niya kung bakit century tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo yung sign na ‘omega 8.’ ‘pag tinanong niya kung ano yung omega 8, sabihin mo: ‘because you’re good for my heart.’

2.    mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. tapos, sa bawat hanger, isulat mo: ‘i miss hanging out with you.’

3.    instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. gawin mong tissue paper roses. gawa ka ng isang dosena. pag-abot mo, sabihin mo, ‘ganito kalinis ang pag-ibig ko sa’yo.’

4.    bili ka ng tetra pack ng mantikang minola. tapos bilugan mo yung ‘with omega 8.’ hindi na siya magtatanong kung bakit.

5.    bigyan mo ng ice cream cone. dapat cone lang at walang ice cream. ‘pag hinanap niya yung ice cream, sabihin mo: ‘natunaw na kakatitig sa’yo.’

6.    bili ka ng sandosenang box ng crayola. kolektahin mo lahat ng black. lagay mo sa isang box ng crayola. sa likod, isulat mo: ‘walang kulay ang buhay kung wala ka.’

7.    bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit.

8.     itext mo siya ng: ‘hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. bagay tayo. bagay!’

9.    bigyan mo siya ng calling card ng mmda. sa likod, isulat mo: ‘para ‘pag nagkabanggaan ang puso natin.’

10. padalhan mo ng happy meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan. paghinanap niya, sabihin mo: ‘ako yung freebie, at ikaw yung meal na nagpapahappy sa akin.’

11. sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: ‘aanhin mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko?’

12. pagkatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng posporo, guitar brand. unahan ang kanyang galit at sabihin: ‘ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng bahay mo, match na tayo.’

13. sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan sya ng‘salbabida’, ‘wag payong, o mainit na mami. ‘pag nagtanong kung bakit? ang isagot mo ay: ‘ayaw kong malunod ka sa pagmamahal ko.’

14. ‘pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. ‘pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun sign na:‘don’t leave your valuables unattended.’