Powered By Blogger

Thursday, July 7, 2011

sipsipin mo......

 bakit di mo subukang mag-BJ?! Hawakan mong mabuti ang 'straw', ibuka ang bibig at humigop ng matamis at sariwang katas ng.....! Oh wag mag-isip ng masama. i'm talking about Buko Juice. Tulad neto.



gusto ko nito........





                                                                 
                                                   gusto ko magkaron ng t-shirt na yan....

Wednesday, July 6, 2011

dapat pa ba?

minsan gusto ko magsimba. gusto ko magdasal. Pero ginagawa ko na yun dati. nung mga panahong kailangan ko ng tulong dahil nasisira na ang pamilya ko. halos nag penitensya pa ako. Wala namang nangyari. eto at nag iisa nalang ako at kinapitan ng malas. Kahit an0ng pagsisikap ko hampas lupa parin ako. Ang ate ko s0brang religius na yata. pareho sila ng nanay ko. pero ano ang ate ko tatlong taon na syang may sakit. Sa hindi malamang karamdaman. Kaya tatlong taon na din syang nakahiga lang. Minsan di makapag salita. Pero lagi parin syang nagdadasal, nakikinig ng misa at healing radyo. Naniniwala parin sya. Pero ako hindi na.

im not so arte kaya......

You know what dude, may kasabay akong pretty chick last night. She's kinda small pare but not naman kasing small ng gasul pare ha. C'mon. She's like parang hanggang tenga ko yung height, eh 5'5" lang ako dude, so it's kinda small nga pala talaga. But anyway, just don't mind our heights, pantay rin yan pagdating sa bed. Di ba pare?

Eto na may kwento pare. While on my way going home, well actually, i'm riding in a PUV. Well teka bro, do you know what PUV means ba ha? If not, for your information and you make saksak dyan sa kokote mo na it's a public utility vehicle. Alright? 

While on our biyahe, what I did was looked into her face, her outfit, her feet. Pare, she's really maganda. believe me! Clean yung feet nya though she's wearing flip flops lang na i can't see kung what brand. Tapos pasimple akong tumitingin sa kanya and she's really hot kung magsmile pare. Parang nakaka-weak ng knees bro. Her hair is shiny and naturally black and doesn't look like a wig pare.

But then, she kept on trying to call someone using her mid-range phone. I dunno who the hell that someone is but i guess it's a guy and he's making ligaw to the pretty chick in front of me. Baliktad di ba pare? She's the one who makes tawag sa guy. My gawd! Maybe the guy is a son of a native muchacha and he doesn't have much pera to buy prepaid card or even pasaload man lang. Kawawa yung chick if ever naging sila. Or maybe, nagregister sa unlimited plan yung girl kaya todo tawag. 

After 5 minutes pare na she's making kalikot on her phone, bigla may tumawag. Ang lakas pare ng voice nya while we were on the puv. I was like - duhh? Do we need ba to hear pa what she's telling to that stupid guy na tumatawag sa kanya. Ang ingay ingay kaya nya. Tapos kulang na lang she turn the loudspeaker on pa to make us hear what their usapan's are.

Naturn-off ako bigla dude. Hanep. Hindi sya mapakali sa upuan nya while she's talking and parang ang flirt flirt na ng dating. Here are some of her dialogues yesterday which made me burst into sobrang inis.

"Hi. Alam mow, pauwi ne kaze akow. Nagdinner ka na pohhw?" (hate niya ang letter na dabalyu)

"Ano ke beh? Saglet lang namen keye yung biyahe. Hihihihih"(yeah bro, ganyan sya tumawa. parang witch na nakikiliti sa singit habang nakasakay sa broomstick nya)

"Ano pohhh ginewa mo maghapown?" (parang jejemown leng di ba?)

"Siguwro, may asawa kahh naahh noohh?" (puro hininga nya lang)

"I'm not available nga kaseh po tomowrow. Magkita ne leng pow tayo next time." (arte much?)

"Hindi nge? Seryoso ka beh?"

"Di ba you're living at Buendia? Malapit ke leng be sa Vito Cruz?" 

All the passengers talaga look at her strangely na. She's so arte na nga magsalita, over volume pa her matinis na voice. And c'mon, gusto ko na sya sabihan ng: 

"Hey you, it might be best to keep your mouth shut? Maingay ka pa sa busina ng jeep!"

But since malapit na rin naman ako sa house ko, dinisregard ko na lang sya. I  checked na lang yung kanto na bababaan ko and immediately said (with a loud and clear voice):

"HEY MANONG, PULL OVER PLEASE!"

Sabay tingin ko dun sa chick. Hihihihi. 
 
 

Tuesday, July 5, 2011

DALANGHITA

Isang nakakatawang eksena sa aming opisina:

ALVIN: gusto ko ng dalanghita para mawala 'tong sipon ko. (sabay tawag sa OJT na si Ariel...)

ALVIN: Ariel, may nakikita ka ba dyan sa baba ng building na nagtitinda ng dalanghita?

Ariel: ano yun sir? (sir ang tawag nya kahit assistant personel lang ako.)

ALVIN: ano ka ba, hindi mo alam yun? Yung hugis bilog. Kasinglaki ng bayag. Parang malaking kalamansi.

Ariel: Yung ganito kalaki sir? (nagdemonstrate. isang malaking malaking bilog)

ALVIN: hindi. ano ka ba! suha yan eh! yung mas maliit ng kaunti. (nagdemonstrate) ganito oh.. Yung iba dalandan ang tawag dun. Sa iba naman sinturis.

Ariel: Ahh! CITRUS!! citrus ang tawag sa amin nun sir eh.

ay paksyet! sa gulat ko, napa-LOL na lang ako... wahahahahaha... sosyal si OJT! 

nahiya naman me. 

yun lang. bye!

tipus

Ano ba ang tamang gamot para sa topaking kagaya ko?

Madali uminit ulo ko. Maikli ng pasensya. Madali mabugnot. Madaling mainis. Topakin. Parang may tipus lang. Lol

Una kong napansin na ganito ugali ko noong bagets pa lamang ako.

***************************************

Una.

Tanda ko pa noong Grade 5 ako. Habang nagtuturo ang titser kong maganda ng subject na Sibika at Kultura, kinukulit ako ng katabi ko at bulong sya ng bulong. Deadma lang. Naka-focus ako sa dibdib ni titser. Jowk. Naka-focus ako sa tinuturo nya nung araw na yun pero di ko na ikukwento kasi di ko na maalala.

Makalipas ang limang minuto, nangungulit na naman katabi ko.

Walong minuto. Hinihila nya libro ko. (parang tug of war kami nun.)

Sampung minuto. Sinisipa sipa na paa ko. (parang karate lang.)

Aba tangena, di ka makuntento ha.. Binuksan ko bag ko. Kumuha lang ako ng ballpen na panda.. Sabay ‘tsuk’! sinaksak ko sa braso yung katabi ko. ^_^

Biglang tunog ng bell..

Titser: “Okay class, uwian na!”

Ligtas!

***************************************

Sa pampasaherong jeep:

Me: “Bayad ho…”

(deadma mga pasahero)

Me: “Bayad nga po…”

(deadma pa din)

Me: “Makikiabot nga po ng bayad.”

(deadma pa din)

Me: “Putangena! HOY BAYAD KO OH!”

Sabay abot nila sa bayad ko.

***************************************

Sa SM mall…

Habang magbabayad sa counter.

Counter1: “Sir , may advantage card po?

Me: (smile) “Sorry. I don’t have.”

Counter1: “Sir baka gusto nyo po mag-avail?

Me: “No thanks.” (sabay smile ulit)

Counter1: “Sige na sir. Mura lang.”

Me: “No thanks na lang. May ganyan na Mom and sister ko.”

Counter1: “Eh kayo sir. Kumuha na kayo.”

Counter2: “Oo nga naman sir, kuha na po kayo.”

Me: (pasigaw at padabog) “I SAID Noooooooo!!” Can’t you understand?”

Sabay walk out.

***************************************

Sa sinehan.

Kasama ko si khim (gf ko) ko at nanonood kami ng sine. May matabang babae na paharang harang sa harapan namin. Natural bilbil nya ang nakikita namin at yung malapad nyang mukha at hindi yung pelikula.

Me: “Excuse me!!!!”


(deadma)


Me: "Miss excuse me!!! Nakaharang ka dyan!"

Mataba: “I know!”

Me: “Putanginaka!! Bitch! Sasabat ka pa!”

Buti di nya ko binalikan. LOL




**************************************

After ng mid-term exam. Nanood kami ng sine ng mga kaklase kong babae sa mall.  

Habang nasa loob ng mall…

Classmates: “CR lang kami ha. “

Me: “Sama ko!”

Classmates: “Sige, orgy tayo. “

Me: “Ok sige."

Nag-cr din muna ko.

After 2 minutes. Wala pa sila.

3 minutes. 5 minutes. 10 minutes.

Aba teka! Bakit ang tagal naman dyumingel ng mga babaeng ‘to? Anak naman ng tupa oh!

Baka naman nagchange outfit? Or sumuot na sa bowl? Or nag-LBM na sila?

After 15 minutes.

What happened?  

Sumakit paa nila kakaikot sa buong mall at ni anino ko ay hindi nila natagpuan.

The reason? Umuwi na ko samen ng walang paalam.

Badtrip!

***************************************

pare, buntis ako.

isang araw, pumunta ako sa bahay ng friend ko para tumambay

pagdating ko dun, nakita ko na parang hindi sya ok

Napansin kong nakatitig lamang sya sa akin.

Tila may gustong sabihin. Balisa. Nag-aalinlangan.

Hanggang sa hinawakan nya ang aking kanang kamay.

"Pare, may sasabihin ako sa'yo. Wag ka sanang magagalit."

Kinabahan ako. Pinagpawisan ng malapot abot hanggang betlog. 

"A-a-ano yu..n?" pautal kong tugon sa kanya.

Hindi sya agad nakakibo. 

Tinignan ko sya sa kanyang mga mata.

Halata ang bahid ng muta luha.

Bigla nya sinabing: "Pare, buntis ako..."

Nanghina ako at parang bumagsak ang puso ko papunta sa aking mga paa. 

Nakaramdam ako ng sobrang lamig kahit na panahon iyon ng anghit tag-init.

Niyakap ko sya. Umiiyak kaming dalawa kasabay ng pagsulpot ng maraming katanungan sa aking isip na 
hinihingan ko ng kasagutan at agad ko syang binulungan ng: 
                                         "Alam kong hindi ako ang ama nyan!"