Dahil malapit na ang pasko 'tas bored pa 'ko today like subrang antok! Antok-na-Antok pala. Ektweli, natutulog nga ko habang sinusulat ko 'to kaya just for fun naisipan kong mag sulat ng mga kahilingan ko ngayong kapaskuhang darating.
So ito ang mga list. 'Yung mga list ko hindi naman superficial, medyo malapit naman sya sa katotohanang pwedeng matupad. Kung hindi eh, sasampalin ko si Santa Klaws ng palayok hanggang dumugo bibig nya.
Game. Gow!
1. World Peace. I TEYNK YOOOOW! hihihihi
2. Boxers. Wag naman 'yung nabibilisa palengke. Medyo susyalan naman sana ng Konti like D&G, CK. Charut lang. Kahit Bench lang pwede na.
3. Alikansya. Gusto ko ng malaking Alikansya. 'Yung hindi madaling sungkitin ang berrrya. Gusto ko malaki sing laki me. Juk! Sana wag naman 'yung Urinola na Alikansya powz ha.
4. Live Strong Bauler. Matagal na kong nag hahanap ng Bauler na Live Strong ng Nike. Gusto ko yung kulay Owenge okaya kulay Gween. Ayoko ng glow in the dark powz ha.
5. Box. Uu gusto ko ng box na lalagyan ng kung anik-anik, gusto ko yung may dibi-dibishun pwede lagyan ng relo. Resibo.Alcohol. Pantutuli. Pulvoron.Gamot. Inshort lalagyan ng kung ano-anong shit.
6. Gusto ko ng CorkBoard sa Wall. Yung lalagyan ng mga emo shit pictures, announcements, reminders. samahan mo narin ng pins. Pwede rin whiteboard samahan mo narin ng magnets. Lalagyan ng mga pictures emo fuck. Para titingin nalang ako dun pag nalolongkot me. Hirap mag browse ng album sa phone ihhhh.
7. Mejas. Gusto ko ng makukulay na mejas. Mga sampu. Wag knee saks ha. Yung mababa lang. PWede mejas pamasok, pantakbo, tsaka panlaro. Pwede rin pahiran ng ano... Ng sipon wag ka bastos sampalin kita ng tumbler na may bato eh.
8. Gusto ko ng sabitan ng tukbras sa banyo. Minsan kasi pag nag tutukbras na ko ang dumi ng tukbras ko may tae ng daga. Yuck! Gusto ko 'yung sabitan ng tukbras na may design-design ganyan. Gusto me smurfs or kahit anong animals wag lang monkey. May galit sa monkey?!
9. Gusto ko lalagyan ng MacBook na may fan at naka incline sya para masarap manood ng walking dead habang kumakain ng mane tsaka cornbits tsaka sinigang at kanen. ANg dame?! Dining table?!
10. Gusto ko nang mag aalaga sakin, pag sisilbihan, mamahalin ng tunay at wagas at hindi sasaktan. ANG EMOOOOOOOOOOOO?!! Katulong ang gusto??????!!!!
JUK Unli... I wasted your time again. Ha!
Kthanksbye...
Wednesday, November 23, 2011
Monday, November 14, 2011
erotica
Paalis na ako nang bigla syang kumatok... tok tok tok. Hindi ko namalayan pero bigla na lang nasa likod ko na ang estranghero. Pipigilan ko sana sya sa binabalak nya pero mabilis ang kanyang mga kamay. Bigla syang nagsalita... "sige, sige pa."... Nilingon ko sya sa likuran ko at nakita kong patuloy parin sya. Nagsalita ulit ang estranghero... "sige!". Ayaw ko ang ginagawa nya pero wala akong magawa. Paulit-ulit at sunod-sunod na ang mga sigaw nya... "sige! sige! sige!". Nang matapos ang lahat, napilitan akong bayaran ang kanyang serbisyo. Hayup na parking boy yan, nakunan pako ng limang piso.
Tuesday, November 1, 2011
pag namatay na ako
Una. Gusto ko nakalagay ako sa itim na kabaong para eleganteng tignan. Ayaw ko ng puti o ng ibang kulay.
Ikalawa. Gusto ko nakasuot ako ng americana formal suit. Kapag barong kasi, masyado ng ordinaryo. Parang aabay lang sa kasal.
Ikatlo. Dapat may hawak akong black na rosary. Pwede rin kahit anong kulay, basta required na may rosary. Para pag umakyat ako sa heaven, hindi ako pagdudahan ni Papa Jesas.
Ika-apat. Puting bulaklak lang ang pwedeng gamitin. Wag yung masyadong mabango dahil baka matusing ako.
Ikalima. Gusto kong iburol sa isang private chapel. Bawal ang mga natives or jejemons. Ayaw ko kasi na maraming tao kahit patay na ko.
Ika-anim. Kailangan na may tutugtog ng piano. Special request si Maestro Leomer na tutugtog ng "What Matters Most".
Ikapito. Starbucks coffee and ham & cheese croissant ang ipapakain sa mga bisita at nakikiramay. Haha! Sushal right?! Pero pag walang budget yung maiiwan kong pamilya, okay, back to 3-in-1 coffee, Zest-O and de-latang biscuits.
Ikawalo. Sa araw ng libing, ayaw ko ng karo ang maghahatid saken sa huling hantungan. Dapat ay isang karwahe na hila-hila ng dalawang itim na kabayo. Kapag walang available na kabayo, motor na lang. LOL!
Ikasiyam. Nakaitim na damit din dapat ang makikipaglibing sa akin (pamilya, kamag-anak, mga kaibigan pati na rin ang aking mga imaginary fans!). Kapag walang itim na damit, maghubo't hubad na lang.
Ikasampu. Dapat ililibing ako sa maganda at bagong sementeryo. Ayaw ko ng masyadong crowded na tipong pag araw ng mga patay, ay tatapak-tapakan na lang ang nitso ko ng mga dumadalaw sa sementeryo.
Ikalabing-isa. Magpapalipad kayo ng mga puti at itim na lobo kasabay ng mga panalangin nyo para sa kaluluwa ko.
At panghuling request, gusto kong lahat ng miyembro ng iBloggers ay umattend sa libing at kailangang suot nila ang t-shirt na dinesenyuhan ko...
Oh ano, handa na ba kayo?
Subscribe to:
Posts (Atom)